Kabanata 8:
Mamilit
Nakapalumbaba ako sa lamesa at nakatunganga. Wala akong maramdaman na kahit ano, pagod, sakit o tuwa, wala ni isa. Ito na yata ang sinasabi nilang sa sobrang daming emosyon ay mamanhid ka na lang.
"Ano ba kasi ang nangyari kahapon?" Pinanliitan ako ng mata ni Ara. Hindi ako pumasok ngayong araw sa opisina kaya binisita ako ni Ara dito sa condo. Nagdahilan akong may sakit sa aking leave bagay na hindi ko naman ginagawa kaya nandito ang kaibigan ko.
Bumuntong hininga siya nang walang nakuhang sagot sa akin.
Gano'n talaga siguro, hindi mo na lang namalayan na lumilipas na ang mga pangyayari. Siguro nasanay na ako na gano'n. Ayaw kong mamilit.
At the age of fifteen, I've been through many experiences. Masasaya, nakakalumbay, mabababaw man o tumatatak sa akin.
"Gusto mo talaga siya, ano?" usisa ni Keit sa tabi ko. Nagkibit ako ng balikat.
Mula sa bintana ng classroom ay pinapanood namin ang mga seniors na nagbabasketball sa court. Malapit lang ang silid namin kaya nakakanood kami tuwing may ginagawa sila sa field. Sa isang bench ay nakaupo ang isang lalaki. Abala lang siya sa pagkalikot ng cellphone, walang balak na sumali sa kanila. Napapansin ko rin na hindi talaga siya naglalaro. Nagtataka ako kung bakit. Karamihan sa mga lalaki ay hilig ang pagbabasketball. Kaya niya naman sigurong makipag-agawan ng bola, medyo payat lang kasi siya ngunit matangkad. Napangiti ako sa husga ko sa kaniya.
Almost every girl has the story of payat at matangkad na lalaki. I laughed at myself mentally because I was one of them.
"Bakit? Ayaw mo sa kaniya?" tanong ko sa kaniya habang nakatingin pa rin sa nakaupo sa bangko.
"Hindi naman. Kung ganun, bakit mo pinayagang manligaw ang isa sa mga kaibigan niya?" pangungulit pa rin ni Keiteu.
My lips pursed into a thin line. Simply, I want him to notice me. Kapag kasi dumadaan siya ay hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Sa pamamagitan ng kaibigan niya, maaaring mas makalapit ako sa kaniya.
I can almost hear the crickets in me cursing because I'm too desperate. Ginagawa ko lahat para mapansin niya. Na maski ang panonood ng anime na hindi ko naman hilig, ginagawa ko. Mahal niya iyon kaya dapat magustuhan ko rin. See, the things I do for him. Lagi kong sinasabi sa sarili na hindi ako namimilit at ayaw kong pwersahin ang mga tao na gustuhin ako, ngunit ngayon, naghahabol ako sa kaniya. This is my first time, I may not be a saint but I'm innocent on this things. Hindi ko alam kung ano talaga ang gagawin. Nabulag ako ng pagkagusto sa kaniya.
"Alam ng kuya mo na gusto mo siya?" tanong niyang muli na inilingan ko.
Hindi na niya kailangang malaman pa. Baka madulas pa siyang masabi at malaman nina Mama. Ibang rason na naman ang isusumbat sa akin pagkarating ko ng bahay kung bakit hindi ko gayahin ang mga kapatid ko.
Nang tumunog ang bell hudyat na uwian na ay tumayo na kami ni Keiteu at naghandang umuwi. Kami na lang ang naiwan dahil may pinagawa pa sa amin kanina.
"Kita na lang tayo bukas!" paalam ni Keit nang may sasakyan na siya.
Kinawayan ko rin siya at naglakad na papuntang timog sa may terminal ng traysikel. Unti-unti nang bumaba ang araw para sa araw na iyon upang sunod namang magliwanag ang buwan.
I exhaled the exhaustion for this day. Uuwi na naman ako. Ako yung tipo ng taong ayaw na ayaw sa bahay. Mas gusto ko kapag malayo sa pamilya.
"Tala, uuwi ka na?" Tumakbo patungo sa akin si Bryan. Isa sa mga lalaking naglalaro kanina.
BINABASA MO ANG
Warrior's Downfall (Menchavez Series #1)(COMPLETED)
RomansaSabienna Estelle Menchavez is a typical teenage girl. Bahay, eskwelahan at barkada. Doon umiikot ang buhay niya. Her life might not be that perfect but it's always been okay to her. If things doesn't turn the way she wants it to be, so be it. Ayaw n...