Kabanata 7:Leave
Agad na umangat ang kaba sa akin nang makitang nakaupo si Mrs. Magnayon sa aking swivel chair. Tumayo siya nang makita ako.
"I told you to let me handle it," bungad niya siya akin. "What do you want? A share?"
Sa kaniyang sinabi, parang nahihinuha ko na ang mga nangyayari.
"Stop seeking further if you don't want to lose your job." Banta niya sa akin. "Kung sa bagay, ayos lang sa 'yo. You have bigger offers than this company, you should not be interested with this."
Matapos iyon ay lumabas siya na parang isang normal na araw lang.
Kahit na ramdam ko ang pangamba ay hindi ko siya pinakinggan. Nabuhay ako sa prinsipiyong gawin ang tama kahit na ikaw na lang ang natatanging taong gumagawa noon. Hindi basehan ang bilang ng tao na sang ayon sa isang bagay, iyon ang tinuro sa akin ni Mama na hanggang ngayon ay sinusunod ko pa rin kahit malayo na ako sa kanila.
Half day lang ako ngayon dahil magkikita kami ng mga pinsan ko. Sa isang cafe na lamang sa airport dahil mali-late na si Ate Rea sa flight kapag lumabas pa kami. Biglaan kasi ang alis niya. She is leaving for Spain.
Kahit may mga hindi pagkakaintindihan ay pinanghawakan namin ang bagay na magkakapamilya pa rin kami. Niyakap ko sila isa-isa, iba talaga ang pakiramdam kapag alam mong may kapamilya kang nandiyan para sa iyo. Huli si Ate Skye ngunit bago ko pa siya mayakap ay bumaba ang tingin ko sa kaniyang tiyan, hindi pa masyadong malaki ang baby bump ngunit napapansin na. Sa tantiya ko ay nasa tatlo o apat na buwan pa lamang.
Agad na naglaro sa isip ko ang isang bagay na noon pa man ay kinatatakutan ko na. Iyon ba ang rason kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa lubusang pinagkakatiwalaan si Claude? Marahil dahil dito? Dahil siguradong iba na naman ang pipiliin niya, si Ate Skye na naman.
Si Ate Skye na ang yumakap sa akin dahil sa pagkakatigil ko. "Don't worry. I'm not raising this baby alone."
Bumagsak ang balikat ko sa kaniyang sinabi. Tama ako. Kaya siguro hindi na nagpupumilit si Claude na pumasok dahil may iba siyang inuuwian. He lied. Sinungaling siya. If only I'd known sooner.
Pili akong ngumiti kahit sobrang hirap na. Saan nga ba kukuha ng lakas kapag nanghihina na? Saan ba tayo huhugot ng rason upang magpatuloy sa panahong sukong-suko na? Paano tayo magpapahinga kung patuloy na ginugulo ng mga bagay na nakakasakit sa atin?
Tahimik ako buong oras na hinihintay namin si Ate Rea na makasakay. Tumatawa lang paminsan-minsan ngunit hindi na sinusubukang makisali sa usapan. I'm totally drained. Gusto ko na lang makauwi na.
"Sigurado ka bang hindi ka na namin ihahatid?" si Kuya Eric habang pasakay sila ng van. May kalayuan ang NAIA sa Taguig ngunit kaya ko namang bumalik mag-isa.
"Huwag na. Magingat kayo." Hindi ko pala nasabi sa kanila na may sasakyan na ako. Dalawa o tatlong sasakayan bago ako makauwi kung hindi ko naisipang magdala ng sasakyan ngayon.
Magisa akong nagtungo kung saan ako nag-parking. Habang naglalakad ay tumunog ang cellphone ko para sa isang tawag ng hindi kilalang numero.
"Hello," nag-aalangan kong sagot.
"Can we meet?" Bungad sa akin ng napakapamilyar na boses, "Maaga ka raw lumabas kaya hindi na kita sinundo."
Sa Ponte Rialto kami nagkita. Pwede namang akong humindi ngunit hindi ko ginawa. Maganda na rin iyon dahil malapit lang sa condo. Hindi ako nagorder ng kahit ano.
"May mission kami abroad." Panimula niya. Naninibago ako dahil ngayon ay nakauniporme siya. "It would take for probably 6 months."
Tumawa ako. His brows furrowed at my reaction. Six months? Am I overthinking or maybe I was right? Sa anim na buwan na iyon ay siguradong tapos ng manganak si Ate Skye. Seriously? Bakit parang konektado ang lahat?
BINABASA MO ANG
Warrior's Downfall (Menchavez Series #1)(COMPLETED)
RomanceSabienna Estelle Menchavez is a typical teenage girl. Bahay, eskwelahan at barkada. Doon umiikot ang buhay niya. Her life might not be that perfect but it's always been okay to her. If things doesn't turn the way she wants it to be, so be it. Ayaw n...