Kabatana 5:
Love
Tinuloy ko ang pagbabasa kahit na wala naman akong maintindihan. Magulo at lumilipad ang isip ko dahil sa nangyari kahapon.
Mula sa pagkakahilig sa backrest ng upuan ay bumangon ako at itinuko ang dalawang siko sa lamesa. Binasa kong muli ang halagang nasa walong numero na nakasaad.
Inabot ko ang folder at binuklat ang pahinang maaaring konektado sa account na iyon. Inabot ko ang isa pang panibagong folder para kumpirmahin ang nasa isip ko.
Inisip ko kung bakit wala akong maalala ng kahit ano tungkol sa budget na iyon. Inapubrahan na ito ng board kaya dapat ay alam ko ngunit sa halagang isinasaad para sa operasyon ng kumpanya ay wala akong maalala.
Pinalipat-lipat ko ang tingin sa tatlong folder sa lamesa, nag-isip ng ilang sandali bago napagdugtong-dugtong ang lahat ng nasa isip.
Kaya wala akong matandaan ay dahil iba ang inanunsiyo sa amin kumpara sa inaprubahan.
Comparing all the submitted statements, hindi magkakatugma. Six million is left for the operation of the business and millions were stated for purchasing needs of the company, but only 9 million spent for the expenses was being journalized. Looking further, digits are missing, idagdag mo pa iyong false statement ng operation budget.
"Your brows were almost one." Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Ara. "Ano ba 'yang inaaral mo?"
Sinulyapan niya ang mga nakakalat na papel, agad ko namang itiniklop ang folder. Isinawalang bahala niya lang ang ginawa ko. Siguro ay iniisip niyang normal na trabaho lang iyon.
"Anyway, how is the meetig yesterday?"
Now that she mentioned it first, napatayo ako pero mas nauna na siyang lumayo sa akin. She saw that one coming.
"What were you thinking?!" sigaw ko kaniya, hindi makapaniwala. Napatingin sa akin ang ilang officemate. Tatlong table ang nasa loob nitong office. Si Ara ay nasa labas ang cubicle.
"Anong nangyari?" Walang muwang niyang tanong. Hindi niya alam kung anong gagawin, kung lalapit ba sa akin o lumayo dahil baka kung ano ang magawa ko. Half of me is filled with anger and the other half is sort of unknown feeling.
"Nakiusap siya sa akin and..." Nauutal siya sa pagpapaliwanag sa akin, "I can't say no."
"Sure you can't! Kasi noon pa man, boto ka na sa kaniya!" naiiyak kong maktol sa kaniya. Naupo ulit ako. "What if I screw up again, ha?"
Hindi na natatakot na lumapit sa akin si Ara. Niyakap niya ako at kahit siya ay naiiyak na rin.
"Gaga ka talaga," reklamo ko sa kaniya.
Pareho kaming natatawa matapos bumitaw. This is what I love having Ara as my bestfriend. She've been always there beside me.
"Sorry na," aniya. "Magkwento ka sa 'kin, dali na!" Sumilay ang excitement sa kaniya. Umaasang maganda nag naging takbo ng pagkikita namin ni Claude.
Nag-iisip pa lang ako ng magandang simula sa pagku-kwento ng nangyari kahapon nang may kumatok sa pintuan.
"Ano ba 'yan, istorbo!" bulong-bulong ni Ara habang pumapasok si Ms. Cheena, na pulang-pula ang mukha.
Sinipa ko siya sa ilalim ng lamesa. Pinanlakihan niya ako ng mata, tinging inosente.
"Ma'am, may bisita po kayo sa labas." Akala ko ay tungkol sa trabaho ang sasabihin niya.
"Sino?" Naguguluhan kong tanong dahil wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Kung si Rovhic ay didiretso na lamang sa condo o 'di kaya ay ite-text ako.
BINABASA MO ANG
Warrior's Downfall (Menchavez Series #1)(COMPLETED)
RomanceSabienna Estelle Menchavez is a typical teenage girl. Bahay, eskwelahan at barkada. Doon umiikot ang buhay niya. Her life might not be that perfect but it's always been okay to her. If things doesn't turn the way she wants it to be, so be it. Ayaw n...