Kabanata 2:
Utang
Pinagmasdan kong sarap na sarap sa pagkain si Sinewy. I smiled when some smudge on the side of his lips. Pinunasan ko iyon gamit ang mga kamay bago siya nagpatuloy muli sa pagkain.
Gusto niyang siya lang ang kumakain mag-isa kaya hinahayaan ko para matuto, ang problema lang ay ayaw niyang gumamit ng kubyertos, kung hindi ay kinakamay niya lang ang grilled steak.
Nang matapos ay iginiya ko siya patungo sa sink upang maghugas. Kaming dalawa lang tuwing gabi dahil umuuwi si Ate Lana sa kanila.
Hanggang sa makatulugan ko na ang pag-iisip habang hinahaplos ang buhok ni Sinye.
Kung tutuusin, sakto na ang buhay ko ngayon. I had a stable job. Spotlight is already directed on me. Other companies offer me kahit na nasa isang firm na ako. So, why look for attention? If love, I already had Sinye, a symbol from my past love.
Time really flies fast. Ni hindi ko na namalayan na ganito na pala ang buhay ko. I wonder if my childhood turns the other way. Iyong walang Claude na nakilala.
"Gabi ka na naman nakauwi, saan ka na naman nanggaling?" bungad sa akin ni Papa na inaabangan sa gate ang pagdating ko.
"May tinapos lang po kaming-" pagdadahilan ko na agad niyang pinutol.
"Umayos ka Sabienna," nakayuko lang ako ng sinabi niya iyon ngunit walang bahid ng pagsisisi sa akin. I had fun. Why the regrets when you felt happiness into something. His authoritive aura ang voice can't tame me. I think nobody does, or nobody can.
Sometimes, I have to break rules to enjoy life.
"Puro ka barkada," dagdag niya.
Wala namang masama sa pakikipag-barkada. My grades aren't failing. My average is even in line of nine. Kaya hindi ko lubos maisip kung bakit hindi nila makita iyon. Siguro ay dahil sa mga kapatid ko. Si Kuya na laging nagkukulong sa kwarto upang mag-aral at si Ate ba tumutulong sa bahay. It felt like I am the black sheep in our family.
Umupo ako sa kalsada at naghintay ng dadaan. Ayaw kong sundan si Papa sa loob, maghahapunan na lang ako mag-isa mamaya. Walang dumaan kaya dumapo ang tingin ko sa katapat ng aming bahay. Nangingiti iyong lalaki, hindi ko siya kilala. Sa tingin ko ay kaklase ng pinsan kong si Terene.
Pinagtaasan ko siya ng kilay at nagpasyang pumasok na lang sa loob.
"It's normal!" aniya, hindi niya kailangang sumigaw ng malakas upang marinig ko. Sa kuryosidad ay napalingon ako. "Walang batang hindi pinapagalitan kapag gumagala."
Bata? Haharapin ko sana siya upang sabihing hindi na ako bata ngunit para saan? Bahala siya sa gusto niyang isipin.
Kinabukasan ay pumasok ako ng walang baon, ngayon ko lang napagtanto na naubos ko na pala iyong pang-isang linggo kong allowance. Mabuti na lang at Biyernes na.
I belong to a normal family, sakto lang ang sahod ng Mama at Papa ko para sa amin. The extravagance things? Well, minsan nabibili at minsan naman hindi.
Ayos lang naman sana na wala akong pera maghapon, I have friends anyway kung hindi ko lang naalalang may kailangan palang bayaran na contribution para sa isang project. Kaya nilagpasan ko ang ground namin papunta sa kabilang side ng eskwelahan kung saan ang Senior High School building.
Hinanap ko si Kuya Jolo sa classroom nila ngunit ang sabi ng mga kaklase ay pumunta raw ito sa Principal's Office.
Naghihintay ako sa kanilang corridor nang huminto sa harapan ko iyong lalaki kagabi, sabi ni Terene ay Claude daw ang pangalan.
"Naligaw yata ang isang junior dito," hindi ko siya pinansin. Palihim kong tiningnan ang uniform ko at suot niya. Kita ang malaking pinagkaiba ng uniform namin sa kanila, pareho lang naman ang kulay ngunit iba ang disenyo ng damit nila. "May kailangan ka?"
Nakapamulsa ang isang kamay niya at ang isa naman ay nilalaro ang I.D. He's inches taller than me, sa tantiya ko ay mahigit limang pulgada ito kaya hanggang balikat niya lang ako.
"Wala akong allowance, maibibigay mo?" hamon ko sa kaniya. Wala akong pakialam kung isipin niyang naghihirap ako, ngunit hindi ko inaasahang ilalabas niya ang wallet at tinanong ako. "Magkano ba?"
Natigilan ako sandali bago makapag-isip ng sasabihin. "Hihintayin ko na lang si Kuya."
Umiling siya sa sinabi ko bago ngumisi, hindi makapaniwala. Tumabi siya sa akin upang makadaan ang mga estudyante, may balak na samahan ako sa paghihintay.
Halos sampung minuto na ako nakatayo at iilan na lamang ang mga estudyanteng nasa labas ay wala pa rin si Kuya Jolo. Nilingon ko si Claude na nasa aking tabi. Kumibot ang labi niya at nahulaan kung ano ang susunod kong gagawin.
"100 lang," ani ko sa kaniya dahil kung maghihintay pa ako ay mas mali-late na ako sa first subject.
He handed me a green bill, sobra sa hinihingi ko. "Wala kang pera 'di ba? 100 ang allowance mo tapos pang-gala mo yung sobra," tumawa siya sa huling sinabi kaya nasapak ko kahit hindi naman kami magkaibigan.
Hindi ko na rin mapigilang ngumiti. Atleast, someone understands me. "Babayaran ko rin sa Lunes."
Pinaglaruan ko ang natitirang barya na limang piso habang papasok ako ng bahay. Iyon lang ang natira sa dalawang daan kong pera maghapon. Utang pa iyon mula sa isang Grade 12. Ngayon lang ako nakaramdam ng hiya sa ginawa ko kaya dapat sa Lunes din ay babayaran ko agad. I don't want to awe anyone. Materyal man na bagay iyon o hindi.
"Anong ginagawa mo dito, Sab?" tanong sa akin ni Ate Terene nang siya ang madatnan ko sa senior high.
"Nandiyan ba si Claude, Ate?" Bahagya siyang nagulat sa tanong ko.
Lumabas mula sa isang silid si Claude, "Bakit?" tanong niya habang abala sa pagtitipa sa cellphone, nang makilala ako ay tinanguan si Ate Terene at iniwan kami.
Ngumiti ako sa kaniya. Kailangan ko pa rin namang maging mabait sa kaniya. Nanibago siya sa ginawa ko. Inalahad ko ang pera, tiningnan niya lamang iyon kaya nagtaka ako.
"Babayaran ko na," I pointed out.
Umiling siya at ngumiti. "Bayaran mo na lang ako kapag kailangan ko na," aniya, "Besides, gusto ko munang maging mabait ka sa akin. Kuya mo rin ako," biro niya.
Kaya sa tantiya ko ay umabot ng isang buwan iyon, hanggang sa isang nag-isang taon. Hindi ko alam na dahil pala roon ay maraming magbabago.
BINABASA MO ANG
Warrior's Downfall (Menchavez Series #1)(COMPLETED)
RomanceSabienna Estelle Menchavez is a typical teenage girl. Bahay, eskwelahan at barkada. Doon umiikot ang buhay niya. Her life might not be that perfect but it's always been okay to her. If things doesn't turn the way she wants it to be, so be it. Ayaw n...