Kabanata 4

127 47 7
                                    

Kabanata 4:

Business

"Sab," pumasok si Ara sa opisina.

I glared at her, "What is it again this time?"

Nagtaas siya ng dalawang kamay, senyales ng pagsuko. "Relax," natatawa niyang sabi, "I'm just going to ask you a favor."

Humilig ako sa backrest ng upuan at hinintay siyang magpatuloy.

"May ime-meet sana akong kliyente ngayon kaya lang ay nagkataon na audit. Can you meet him instead?" aniya.

"Ngayon na ba?"

Pumalakpak siya sa galak. "Good!"

"Mamayang 4 P.M pa naman kaya lang ay baka hindi pa kami matapos sa oras na iyon," pagpapaliwanag niya. "Kukunin mo lang iyong mga kailangang data. Salamat Sabienna!"

Ibinigay niya sa akin ang mga detalye, kung saan kami magkikita at kung ano ang iba pang kailangan.

Bago pumasok ay nag-message muna ako kay Ara.

"Table for one, Ma'am?" anang waitress.

Umiling ako. "Reserve seat by Ciara Diza?" 

Sa address pa lang at pangalan ng restaurant kung saan kami magkikita ng sinasabing kliyente ay may duda na ako. Hanggang sa glass doors ay naroon pa rin iyong pag-iisip ko ng iba. At ngayong sinusundan ko ang waitress patungo sa isang VIP table ay nakumpirma kong hindi kliyente ni Ara ang kikitain ko kung hindi sarili kong business na para sa kaniya ay hindi pa naaayos. Unfinished business, and will always continue to stay unfinished.

Kasabay ng pag-ikot ng lalaking nakatalikod sa lamesa ay ang pagkalansing ng kaniyang dog tag, doon nakaukit ang kaniyang trabaho at ranggo. Pareho silang may suot na ganoon ni Garie, at ang iba nilang kasama. Kahit naka long sleeves siya ay suot niya iyon. He's dressed formally now, unlike when going in a battlefield.

Binaba niya ang hawak na wine glass sa kamay at inilahad ang upuan.

"Ciara Diza's client, right? Or I am lead to a wrong table." I asked professionally, trying to hide the anger building up inside me. "What kind of reports do you want? Budget? Taxes? Benefits and compensation? Estate planning or-"

"Why don't you take a seat first," utos niya.

Hindi ko siya sinunod. "Why need for the seat? Sabihin mo na ngayon."

"As far as I know, I set an appointment for 3 hours. No need to hurry," kalmado niyang sabi.

"I need to go home early. Someone is waiting for me to come home." Hanggang kaya ko ay pinanatili kong walang emosyon ang bawat salitang sinasambit.

"Wala akong pakialam sa kaniya!" Napatingin ang ilang kumakain at staff sa biglaan niyang pagsigaw. Ni isang tingin ay hindi niya tinapunan ang mga ito. If only you know, I guess you won't act that way.

Nagtataas-baba ang kaniyang balikat sa galit, at ang mga mata'y diretsong nakatuon sa akin. Napatingala ako sa frustration at sandaling nag-isip.

Umupo ako at napainom ng tubig sa kahihiyan. The nerves of this man.

Padarag niyang hinila ang upuan sa harap ko, "Mag-usap tayo..."

"Nag-uusap na tayo," I answered to piss him off.

"ng maayos," pagtatama niya.

"Hindi naman tayo nag-aaway, hindi pa ba maayos ito?" I innocently asked.

He groaned. I secretly smiled. That's right, hindi lang ako ang dapat nafru-frustrate dito. Sinuklay niya ang army cut na buhok gamit ang mga daliri. Kahit anong gawin niyang sabunot sa buhok ay nananatili pa ring maayos dahil sa iksi nito.

Warrior's Downfall (Menchavez Series #1)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon