Kabanata 16

88 19 0
                                    

Kabanata 16:

Big day

"When did she got her trauma?" Rinig kong tanong ni Dr. Gabriel kay Claude.

"Trauma po, dok?" sagot naman niya.

"I was 22 that time, noong pinagbubuntis ko si Sinye." Lumingon silang dalawa sa akin. Umupo si Claude sa gilid ng kama. Nagtatanong ang kaniyang mga mata sa kung ano ang nangyari. Nakikinig lang din si Dr. Gabriel. "I had Phonophobia. One night, anxiety attacked me bacause of the heavy rains and loud thunder."

"But a phobia differs from trauma Mrs." The doctor pointed out. Hinayaan ko na lang din ang ibang tawag niya sa akin.

Tumango ako bago nagpatuloy. "It happened I was exhausted the past few days. Hindi raw po maganda para sa bata, sabi ng doktor. My stress and fear caused the bleeding. The next time I had a phobia, ganu'n na naman ang nangyari. I thought I will lose the baby, but he survived with the help of medications. It does not only happened once or twice. Maraming beses po hanggang sa tuluyan na itong naging trauma sa akin."

Inayos ni Dr. Gabriel ang stetoscope na nakasabit sa leeg. "When is the last time you experience this?"

Nag-isip ako sandali kung kailan ba ang huling beses. "Last month po."

Kumunot ang noo ni Claude pagkatapos kong sumagot. I know he already had an idea.

"Anong nangyari?" usisa ng doktor.

"We had a fight," si Claude ang sumagot.

"Nasigawan mo siya?"

"Hindi naman po masyado," pag-aamin niya.

Huminga ng malalim si Dr. Gabriel. "I suggest you two should be careful. Mrs, at ikaw rin Claude, keep her away from things that can trigger her anxiety. I should get going."

Nagpasalamat kami sa kaniya bago hinatid ni Claude sa labas.

Nasa condo ako ni Claude ngayon. I haven't seen Sinye, ang sabi niya ay natutulog na siya.

I'm okay. He's just overreacting. Bumangon ako para lang maabutan niya na binubuksan ko ang bawat kwarto upang hanapin kung saan natutulog si Sinye.

"Nasa dulo siya." Baritonong boses ni Claude mula sa likod. Tahimik kaya rinig na rinig ang sinabi niya.

Kahit narinig ko na ang sinabi niya ay hindi pa rin ako umalis. Napako ang tingin ko sa isang kwarto. Pumasok ako ng hindi nagpapaalam.

I was left stunned. "You have this?" hindi makapaniwala kong tanong.

"I kept them all."

Tumabi siya sa akin habang hinahawakan ko ang mga bagay na naroon.

"Pero..."

"This away, I will never forget about you." Putol niya sa sasabihin ko.

Nahuli niya ang kamay kong naglalaro. Mahigpit ang hawak niya na halos hindi na makadaan ang dugo. Ramdam kong galit na galit siya ngayon ngunit hindi ko alam kung para saan.

"Should I go out now?" I asked him but he shook his head.

"Ayaw mo na nakikita ko ito." It's his personal stuffs, it is something private and I should have not seen it.

"Kahit na ayaw kong makita ito ng kahit sino, gusto kong malaman mo lahat ng parte sa akin. Gusto kong makilala mo ako sa kung sino ako, ayaw ko ng naniniwala ka lang sa naririnig mo sa ibang tao," paliwanag niya at inikot ako upang maharap siya. Isang yakap ang iginawad niya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "I never let anyone read my thoughts. I never show my weakness. I distance myself, because I know once they find out, they will take advantage. They will bring me down."

Warrior's Downfall (Menchavez Series #1)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon