Thank you so much for reading A Warrior's Downfall. Ito po ang istoryang kauna-unahan kong natapos kaya aaminin ko pong sobra akong nahirapan. I wrote it for almost nine months. Sinimulan ko itong isulat noong August 17, 2019 at natapos ngayong araw, April 08, 2020.
-------------------------------------------------------------
Wakas
"Your knees are trembling. Afraid she might not show up?"
Matalim kong tinitigan ang nasa tabi kong si Garie. He's wearing his white uniform while I am with my Army Green formal uniform. The men lined up at the entrance of the church forming a saber arch.
"I'm sure she will," kalmado kong sagot kahit kabado na, at saka kasal naman na kami. Hindi matanggal ang ngisi sa labi ng kaibigan ko.
Kung hindi man siya darating ngayon, she has all her reasons. Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng simbahan para ang makalma ang sarili. Some officers in the army and colleagues are present.
Everything is all set. People who have been part of our lives are here to witness us how to become one. Everything is ready and in perfect place like how it should be. Like how she deserves it. Or maybe because I planned it. I want it. I just can't let her far from me again. And Spain is miles away from the country.
I am a bastard. Not only once or twice she'd called me that. Somehow, I accept it without her knowing why was it for.
Hindi ko alam na pwede pala akong kabahan ng ganito kahit na ito na oras para ayusin ang lahat. Buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, walang-wala sa takot ko tuwing nasa giyera.
I can't die in this battle. It's not worth it.
Paulit-ulit ko iyong sinabi upang manatili sa utak. Only half of the troop are now left fighting and almost all are injured. Napapanghinaan na ako ng loob na makakauwi ako ng humihinga. It's a dangerous mission, at sa lugar na hindi ko pa gamay. The Filipino hostages have been rescued, pero hindi pa kami nakakalabas sa gubat.
Pumikit ako at inalalang muli kung bakit ko kailangang umuwi.
I can't die in this battle. I'll die because of my love for her, and our son. I'll die for my family.
I howled so loud before declaring the rage I was about to fire. Nakita ko paano natumba ang nawalan ng mga buhay sa segundong pagtama ng bala sa kanila. Akala ko tapos na, akala ko makakauwi na ako. But revenge is such a crazy thing. Their leader attacked me. Alam kasi niyang ako ang nagmamando. Before I lose my sense of sight, I saw the blur picture of Garie running towards me.
Nagising na lang ako pagkatapos ng dalawang araw sa isang hindi pamilyar na lugar. Imbes na tent namin ang una kong makikita ay iba kung hindi ay ang medyo madilim na paligid. We're on a tunnel, that's what Garie said. He saved me, akala ko kaming dalawa lang ang nandito pero mayroon pang dalawa.
"Captain," they salute.
Her father talked to me once. Gusto niyang lubayan ko muna ang anak niya, sisirain ko raw ang buhay niya. And I was left no choice but to leave and study hard. Wala pa akong maipagmamalaki kaya hindi ako nakasagot. Sa akademya, ay bihira lang namin makontak ang labas kaya pati kay Sabienna ay nawalan na rin ako ng koneksyon. The first year was hard.
"Sumer! Focus!" sigaw ng trainor namin sa akin. I can't help it but to think of her. Am I that bad?
"You still pursue that girl?" Naglalaro ang ngiti sa labi ni Garie nang tanungin iyon. "Akala ko ba siya ang may gusto sa 'yo? Nabaliktad na yata."
Nakiusap ako sa kaibigan na sumagap ng balita sa labas. I am getting impatient. High school pa lamang kami alam ko na. She likes me. Lagi siyang nakabusangot tuwing hinahatid ko ang pinsan niya sa bahay nila at sakto namang nasa bakuran siya.
BINABASA MO ANG
Warrior's Downfall (Menchavez Series #1)(COMPLETED)
RomanceSabienna Estelle Menchavez is a typical teenage girl. Bahay, eskwelahan at barkada. Doon umiikot ang buhay niya. Her life might not be that perfect but it's always been okay to her. If things doesn't turn the way she wants it to be, so be it. Ayaw n...