Kabanata 6

125 42 0
                                    

Kabanata 6:

Takot

Binuksan ni Claude ang pintuan sa passenger seat bago umikot upang makapasok na rin.

Nanatili kaming tahimik at pawang mga paghinga lamang ang naririnig. Hindi niya inandar ang makina ng sasakyan kahit na ang mga kamay nito ay nasa manibela. Binuksan niya lang ang aircon dahilan upang mapayakap ako sa aking sarili. Sanay kasi akong tinatanggal ang coat kapag uwian.

Lumingon siya sa direksiyon ko bago binaba ang tingin sa suot kong sleeveless top. Hininaan niya ang aircon ngunit hindi ko pa rin tinatanggal ang pagkakayakap sa sarili. Napasuklay siya sa buhok niyang kahit anong gawin ay hindi naman magugulo bago tinanggal ang jacket at inilagay sa harapan ko.

Ngayon ay naka t-shirt na lang siya at kitang-kita ko ang kaniyang dog tag. Mas maganda pala ito sa malapitan. It is a silver necklace etched with his name, blood type, birthday and religion.

Bumaba rin ang tingin niya rito nang mapansing nakatitig ako roon. Napabuntong hininga siya at hinawakan ito. He was about to say somethig but I immediately shook my head making his words stop mid air. Sa tuwing malapit siya, mas lalo kong nararamdaman ang takot, hindi lang ako sigurado kung para saan iyon.

He let out a deep sigh again when I turn back my gaze to him before voicing out his thoughts. "Kapitan na ako..." Sinabayan niya iyon ng tawa upang mabawasan ang ilang sa pagitan namin, "at accountant ka na rin."

I smiled genuinely, "We have achieved our dreams."

Umiling siya ngunit nakangiti, his dimples are showing, "Hindi pa sa akin."

Itinuon niya ang tingin sa harapan, hanggang ngayon ay hindi pa binubuhay ang makina.

Hindi ko pinakinggan ang sinabi niya. Is being a noble person not enough for him?

"We achieve it by us being apart. Maybe, it's one of the consequences."

Inilingan niyang muli ang sinabi ko. "Kaya lang sana ay hindi sa ganoong paraan." I can see him trying to remember every part. "Naramdaman mo na ba iyon? Iyong maayos ka naman, nakakangiti at tawa ka naman, pero hindi ka masaya. Pakiramdam mo may kulang."

"Huh?"

"Kaya pala..." Nangingiti siya na parang baliw.

"Kaya pala, ano?"

"I still don't have you," It was almost a whisper but I heard it clearly.

Matapos niyang sabihin iyon ay pinaharurot na ang sasakyan paalis ng parking lot. Nakabili na ako ng sariling sasakyan ngunit hindi ko pa ginagamit dahil hindi pa ako sanay sa pagmamaneho, maybe I should still have to go in a driving school when I have time.

Hinatid niya ako sa tower ng condo ngunit hindi na nagpumilit na pumasok, wala rin naman akong balak na papasukin siya dahil siguradong magtataka siya sa presensiya ni Sinewy. I still doubt him, that's why but more likely I'm still afraid. It won't vanished until I won't feel relief.

Maaga akong pumasok kinabukasan upang personal na makausap si Mrs. Magnayon. Malapit na kasi ang deadline at hindi ko naman pwedeng ipasa na ganoon iyon.

"Some of our accounts doesn't match?" Pangungumpirma niya sa akin habang nakatuon pa rin ang tingin sa papel na binigay ko.

"Yes, Mrs. Magnayon and..." I can't find the right words to explain her.

Tiniklop niya ang binabasa at seryosong tumingin sa akin. "But the Financial Analysts already verified it."

Nabigla ako roon. Is she saying that I'm the one lying here? I won't make a fuss that may ruin me. I don't need to do something that may caught everyone's attention. I don't need that. Bakit ba iyon ang iisipin ng mga tao at iyon din ang gusto nila? Ang atensiyon, kapurihan hanggang sa umabot sa kapangyarihan.

People will do it for fame, either true or false statement. Maybe some, while others won't.

Kinalakhan na natin ang ideyang saka lamang magaling ang isang tao kapag maraming nakakaalam, hindi ka magiging magaling kapag walang magsasabi nito sa iyo. Kaya ginagawa natin ang mga bagay na hindi mabuti sa kapwa upang maani ang puri nila.

"I know Ma'am, but it is something we should be bothered. To be exact, we're talking about 8 digits here." Sinubukan kong ipaintindi sakaniya dahil ako ang nagmumukhang mali rito.

Tumaas ang isang kilay niya. Mas nagmukha siyang mataray. Siguro isa iyon sa mga dahilan na hindi siya kasundo ng mga empleyado. Kung ano man ang respetong binibigay sa kaniya, marahil ay dahil na lang sa posisyon niya. Mas nakakataas siya kaya dapat ay iginagalang.

"What do you need, then?"

Hindi na maganda ang nahihimigan ko sa kaniyang boses. "I think we should report it to Director Caoagan, Ma'am," ani ko.

"Sa tingin ko hindi na natin kailangang paabutin sa kaniya," opinyon ni Mrs. Magnayon na ginagawang pinal na gagawin. "Leave those papers. Come to my office when you have decided."

Sinunod ko ang gustong mangyari ng manager ngunit hindi ko napigilan ang sarili na alamin ang kaso. Pinagtuunan ko iyon ng pansin maghapon kaya halos wala akong natapos na trabaho.

Nanginginig ang mga tuhod ko habang pinipihit ang pintuan papasok sa opisinan ni Mrs. Magnayon. Pasado alas sinco na at nakaalis na iyon ngayon. Tulad ng inaasahan ko ay tahimik na ang silid. Dumiretso ako sa kaniyang lamesang may mga nakapatong na papeles, wala roon ang ibinigay ko sa kaniya kaninang umaga.

Naghalungkat ako sa drawer ng lamesa niya hanggang sa mahanap ko sa pinakababa ang folder, nasa isang brown envelop ito kasama ang ibang papeles. Kinuhanan ko iyon ng picture isa-isa dahil mahahalata niya ito kapag kinuha ko.

Ilang pulgada na lamang bago ko maisara ang drawer nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok doon ang kaniyang sekretarya. Nagtataka itong tumingin sa akin samantalang ako ay pinagpapawisan na sa sobrang takot.

"Ano po ang kailangan niyo Ms. Menchavez?" aniya sa kuryosong mga mata, malapit nang maisara ang drawer kaya hindi halata na nabuksan iyon.

Tumuwid ako sa pagkakatayo at bahagyang lumayo sa lamesa. "Nakaalis na p-pala s-si Mrs. Magnayon. M-may kailangan s-sana akong r-report." Nauutal ako sa takot habang pilit na kinukumbinsi siya sa isip na walang akong ibang ginagawa roon.

"Gusto niyo po ba tawagan ko?" suhestiyon nito.

Umiling ako at umambang aalis na para hindi siya makahalata. "Huwag na Ms., salamat. Bukas na lang siguro."

Nagmamadali akong bumalik sa opisina upang kunin ang mga gamit at nang makauwi na. Konti na lang ang mga nasa loob, siguro iyong mga mago-overtime lang.

"Tangina!" Halos masinghalan ko si Claude sa gulat nang tumayo siya upang salubungin ako habang papasok.

Maging siya ay nagulat sa inasal ko. Muntik na akong mahuli, o nahuli akong naghahalungkat sa opisina ng manager at nagpapanggap lang ang kaniyang sekretarya na walang nakita.

"What's wrong?" si Claude habang palapit sa akin na natatarantang inilagay sa bag ang mga gamit.

Binalingan ko siya pagkatapos ay hinila palabas. "Let's go home."

Sinunod niya ako at hindi na nagtanong pa. Nakahinga ako ng maluwag habang paliit nang paliit sa paningin ko ang building ng firm.

Katulad kahapon ay hanggang sa labas ulit siya. Umalis rin nang maisara ko ang pintuan.

Warrior's Downfall (Menchavez Series #1)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon