Kabanata 1

252 62 17
                                    

Kabanata 1:

Lie

Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng departure area, may mga taong paalis katulad ko at ang iba ay papasok. 

My phoned beeped while walking out of the airport. Kinuha ko ito at nakitang may isang mensahe galing kay Ara. 

Ara:

Didiretso ka na ba rito?

Napatingin ako sa relo. It’s still 11 in the morning. Nagtipa ako ng sagot sa kaniya.

Ako:

I’ll be there at one. Uuwi muna ako.

Pagkalabas ay nakapila ang mga pasahero sa pagsakay. Marami namang taxi kaya madali lang akong nakasakay. Now I felt again the urge to buy my own service. Dalawang sakayan ang gagawin ko bago makarating sa condo. At magco-commute rin ako mamaya papuntang opisina. What a nice day, right?

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang makarinig ng pagbagsak ng isang bagay sa sahig habang isinasarado ang pintuan. 

Pumihit ako at nakitang nagmamadaling tumakbo si Sinewy palapit sa akin. “Mama!” aniya. Isang malapad na ngiti ang ginawad ko sakaniya bago binuhat, pinulupot naman niya ang mumunting mga braso sa aking leeg.

“How’s my baby?” I asked while showering him shallow kisses. Tumatawa siya sa ginagawa ko. “I miss you.”

“Pasalubong ko, Ma?” I pouted at his question. Hindi man lang ako sinuklian. Ngumiti siya sa reaksiyon ko. My son already know how to play. 

“I love you, Mama!” lambing niya sa akin.

Nilingon ko kung saan niya nabitawan ang bote kanina, napangiwi ako ng makitang basag ang lalagyan ng kaniyang gatas. He just smile. I plan to bring him at my trip, kaya lang ay binawi ko rin. Konti lang ang nakakaalam tungkol sa kaniya. Sa pamilya lang namin at ilang kaibigan. Others, I kept it secret.

“Napakakulit niyan Sab, nasira na naman iyong bagong bili mong tank,” si Ate Lana habang nananghalian kami. Walang mag-aalaga kay Sinye tuwing wala ako kaya kinuha ko si Ate Lana, ngunit sinisiguro ko namang mayroon pa rin akong oras sa kaniya.

He's the only I have so I had to make sure I won't lack attention on him. Ayaw kong maramdaman niyang may kulang. Natatakot akong lumaki siya na may puwang sa kaniyang puso. He's so naive to experience those. Mabababaw lang ang mga bagay na iyon ngunit matindi ang epekto nito.

And somehow, natatakot ako sa mga bagay na kinahihiligan niya, guns, tanks, granade, handcuffs. Paano kung iyon din ang magiging dahilan niya upang iwan ako.

"Papasok ako ngayong hapon. Huwag ka ng magluto ng hapunan, bibili na lang ako sa labas," uto ko sa katulong matapos magbihis. Natutulog na si Sinye, ugali niya iyon tuwing hapon kaya may oras na magpahinga si Ate Lana. Nililinisan na lang niya ngayon ang mga nabasag kanina.

Nag-taxi ako papunta sa trabaho. Nakatulong din na malapit lang ang opisina sa condo kaya hindi ako natagalan, wala rin traffic sa daanan.

"Magandang hapon, Ma'am." Nginitian ko ang guard na bumati sa akin sa pintuan ng lobby ng building.

Sa ika-limang palapag ang aming accounting firm. Ang ibang palapag ay sa ibang kompanya na.

"Kumusta ang ating dear home town?" 

I rolled my eyes when Ara comes in my table. Alam ko ang tinutukoy niya. Humigop muna siya sa kape bago tumawa.

"It's fine. Wala ka bang gagawin?" pantataboy ko sakaniya.

Umiling-iling siya sa harapan ko. "Look at the girl who can't be moved. I thought you're not affected anymore?" Hinayaan ko siyang mag-daldal sa harapan ko. I'm busy finishing work. "Sabienna Estelle Menchavez, CPA and now International Accountant screwed up again!" Nagpakawala siya ng mala-demonyong tawa matapos sabihin iyo.

Matalim ko siyang tinitigan ngunit hindi man lang siya tinablan. Nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Mapro-promote na naman yata siya matapos ang kanilang success mission."

"Commander siya, 'di ba?" sabat ko. 

Makahuluhang ngumiti sa akin si Ara. "You know..." aniya na may ibang ipinapahiwatig, "Tumaas pa ang ranggo niya, it will be Captain Jansen Claude Sumer, damn! It suits on him."

Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Sa pagtaas ng posisyon niya, pakiramdam ko ay may naging mabagsik pa siya. He became the person I imagine he could be, the person I feared of, the person who is so far of my reach. Sa larangan nila, maaaring ikaw ang mag-manipula o hahayaan mo silang kontrolin ka. Nasa kamay mo kung magiging mahina ka o lalaban.

"Bye, Sab! Nag-coffee break lang ako. Catch up tayo next time," pagpapaalam ng kaibigan ko ng sa tingin ko ay napagod kaka-dada.

I felt relieved when she go back at her table. I continued working.

Alas sinco nang umalis ako sa opisina at dinaanan ang ini-order na hapunan sa Steakhouse.

"Do you have any additional order, Ma'am?" tanong sa akin ng cashier.

Ngumiti ako sa kaniya at kinuha ang order. "Wala na. Thank you."

Hindi na siya nagtanong pa dahil itinuon ang atensyon nito sa kung sino mang nasa likod ko. By simply looking at the girl's expression, I can conclude that the guy behind me is someone good looking.

Umikot ako upang makaalis na sa pila nang magsalita ang lalaki. Ngayon ay pinagsisisihan kong pinuri siya.

"I thought you dislike beef," aniya sa kaswal na tono na talagang sigurado sa sinabi. Hindi ko siya nilingon bagkus ay tiningnan lang siya sa gilid ng aking mga mata.

"Lahat naman nagbabago, so even people do," sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad. Nahagip ng tingin ko ang pamilyar na grupo sa isang malapit na lamesa, those were his comrades. I saw how their eyes widened, nagtaka nga ako na baka kilala ako ngunit nang maramdaman ko ang pagsunod ni Claude ay natigil na ako sa pag-iisip.

Hinarap ko siya nang nasa labas at nag-aabang ng taxi. "It's for Sinewy. I have to go dahil naghinhintay siya sa akin."

Magkahalong gulat at galit ang nakita ko sa kaniya matapos sabihin iyon, at hindi ko alam kung para saan ang emosyong iyon. These days, I wonder why do we always meet. Hindi naman ganito kaliit ang mga mundo namin. For years, we live each day not seeing each other.

"May bago na talaga?" Tinikom ko ang bibig upang pigilan ang sarili sa pagsasalita. Wala akong balak na itama ang kung ano mang nasa isip niya. "And you live together... in one roof," he concluded. Kung ano mang rason kung bakit niya pa iyon kailangang malaman ay hindi ko na alam. "You lied last time."

Nilingon ko siya sa huling sinabi ngunit hindi ko na sinagot dahil sa paparating na sasakyan. His opinion doesn't matter to me now, anyway.

So what if I keep on lying? It felt like it is my only way to escape, or to protect myself from being hurt.

Warrior's Downfall (Menchavez Series #1)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon