Kabanata 9

91 36 0
                                    

Kabanata 9:

Memories

Sinagutan ko ang mga tanong sa test paper ng hindi nililingon ang mga kaibigan ko. Bulong sila ng bulong sila sa akin ngunit 'di ko pinansin. I'm too pre-occupied to even turn my gaze on them. Hindi dahil sa wala akong pakialam sa kanila, kailangan ko lang talagang makakuha ng mataas na marka ngayon. 

Sa buong pag-aaral ko ng hayskul, ngayon lang talaga ako nagseryoso at huling markahan pa.

"Problemado ka yata," puna ni Konic. Sa kanilang lahat, siya lang talaga ang naglakas loob na kausapin ako.

"Wala, kinakabahan lang ako."

Natatakot ako na baka ilipat ako sa susunod na taon. Wala naman ng dahilan para manatili pa rito ngunit ayaw kong lumayo sa nakasanayan ko na. Mahihirapan na naman akong makisama sa ibang tao.

Hanggang sa tulala akong umuwi isang araw, nakita ko pang lalapitan sana ako ni Claude ngunit hindi niya ginawa. Sinabi ko na ring itigil na ng kaibigan niya ang panliligaw sa akin. Wala na rin namang silbi pa. Lahat natatapos, like how I pursue him too much.

Nanlumo ako sa naging resulta ng pagseseryoso ko.

I stoop low so bad.

Masama ang loob ko hanggang sa Moving-Up Ceremony namin. Lalo na nang nakamasid lang muli siya sa malayo. Hindi man lang niya ako nilapitan buong oras sa programa. In that, I secured my pride. Hindi ako nanood sa Graduation day niya. Sa huli, ako lang din ang nagsisi. Hindi ko man lang inisip na huling pagkakataon na pala iyon na makikita ko siya.

I hugged my Rilakkuma bear in that lonely night. Isang taon na lang, ga-graduate na rin ako sa high school. Sa halos isang taon ng lumipas, hindi ko pa rin kilala kung sino ang nagbigay nito. Natanggap ko iyon noong Moving-Up kasama ang bulaklak na may kalakip na sulat.

Congratulations! I'm sorry for being coward to come near you. Be happy always. I'm just here. 

Tandang-tanda ko pa ang nakasulat sa note. Sa kalagitnaan ng gabi, napabangon akong bigla upang halungkatin kung saan ko itinago ang sulat na 'yon. Nang mahanap ko ay tiningnan ko agad ang nasa ibaba. Nakasulat doon ang natatanging marka kung kanino galing.

J.S. That was the initials. Ngayong klaro ang utak ko, parang alam ko na kung kanino galing. Ang tanong lang ay bakit naman niya ako niregaluhan? Paano niya nalamang gusto ko ng gano'ng laruan at klase ng bulaklak. 

Damn, bastard! Napahigpit ang hawak ko sa papel. Siguradong sa kaniya na galing iyon.

Mabilis na lumipas ang araw gaya ng inaasahan ko. Nang tumuntong ako ng college, mas  lalo lang akong napalayo sa kaniya. Wala nang ni anong bahid na nagpapahiwatig na malapit lang siya. Ang sinabi ng mga kaibigan ko ay sumali siya ng army.

Marami akong nakilala sa kolehiyo, mapababae man o lalaki. I took BS Accountancy just how my parents want me to. Sobrang hirap. Hindi lang malayo ang distansiya namin ng mga magulang ko, kung hindi ay tuluyan na talagang napalayo ang loob ko sa kanila. Hindi na ako nagkwekwento, wala akong mapagsabihan ngunit pinanindigan ko iyon. Sa huli naman kasi ay kailangan nating matutong mag-isa, maihihiwalay rin tayo kalaunan sa mga taong nakasanayan nating kasama. Sa akin, masyado itong napaaga. Girls at my age should be enjoying their teenage life, ngunit ano pa nga ba ang magagawa ko. I was left no choice but to deal with this.

Graduate na ang kuya ko nang nasa second term pa lang ako. Mag-isa ako ng buong isang taon sa apartment. Noong last year na ng pagko-kolehiyo ko ay lumipat na si Ara sa tinutuluyan kong apartment. She's my college bestfriend. Sa lahat ng naging kakilala ko, siya iyong sinabihan ko ng lahat-lahat. Also, Rovhic came in. Nagkakilala kami sa isang minor subject. He's an engineering student.

I was so thankful for the both of them. Sobra-sobra sila para sa akin. Rovhic was so willing to accept me despite of having a son. Alam ko na noon na hindi talaga kami, hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kaniya. Inaamin kong sinubukan ko siyang magustuhan, parte rin nito ay gusto ko siyang maging daan upang tuluyan na akong makaahon mula sa pagkakalunod ng sobra-sobrang pagmamahal kay Claude, ngunit walang nangyari.

I was a candidate for Cum Laude during my graduating years. I was so happy, so do my parents. Walang mapaglagayan ng tuwa ko, noon ko lang naramdaman na maipagmamalaki na nila ako, kahit gano'n lang ako.

Yet, as the saying goes, everything comes to an end. 

Gumuho ang mundong binuo ko, ang buhay na pingarap ng mga magulang ko.

Something happened that devastated me. Akala ko, nakaalis na ako. Akala ko, napunan na ni Rovhic ang puwang sa akin. Ngunit hindi, mas matimbang ang pagmamahal ko sa kaniya. Nanatili itong sariwa, sintigas ng bato, at bakod na kailanman ay hindi guguho. Tumatak ito sa akin dahil sa tindi. Katulad siya ng kalawakang kailanman ay hindi nawala, o ng buwang patuloy na nagliliwag sa gitna ng madilim na gabi at mga talang hindi napagod sa pagkislap.

"What have I've done?" tulala kong tanong sa sarili. Hindi ako makaiyak o makatawa. 

Sa tuwing iisipin ko ang sinabi ni Claude, mas lalo lang akong namanmanhid. Aniya, tibayan ko raw ang loob ko, na hintayin ko siya, na babalik daw siya. Sa huli, hindi rin siya dumating.

My parents drove me away. I begged them, cried too hard, pero hindi nila ako kayang patawarin. Kinalimutan na nila ako bilang anak. Galit na galit si Papa 'nun, walang-wala tuwing pinagsasabihan niya ako sa pagiging tuso. Pinangako ko kasi na kahit ganito ako, maipagmamalaki nila ako balang araw, ngunit binali ko iyon. Nabigo ko sila. Iyong kahit malapit na sana, ilang hakbang ko na lang sana ay naroon na ako, lumayo ang pangarap ko hanggang sa milya-milya na ito at hindi ko na kayang abutin.

Pinatira ako ng mga magulang ni Claude sa bahay nila. Napakabait ng ipinakita nila sa akin ngunit sinuklian ko lang sila ng isang bagay na hindi naman nila dapat natanggap. Gusto kong gantihan ang anak nila. Nagalit ang Mommy niya sa akin ngunit wala rin naman siyang nagawa. Nang pinalabas kong nalaglag ang batang dala-dala ko, wala ng dahilan na tumira ako sa kanila. Umalis ako doon at ipinganak ang bata lingid sa kaalaman ng nakararami.

Hindi naging madali para sa akin ang mga panahong iyon. Sumampal muli sa aking ang realidad na mag-isa talaga ako, na walang dapat kapitan. Lahat sila iniwan at kinalimutan na ako.

After I passed and ace the licensure examination, companies offer me big opportunities. Mayroon rin abroad na tinanggihan ko.

That was my cue to start again, to continue creating myself to be better and never think of going back. Painful memories serves as lesson to me. Marami akong natutunan sa masasakit na paraan.

Siguro, minsan ay pinapanghinaan na ako ng loob ngunit hindi iyon ang dahilan para sumuko ako. Perseverance keeps me standing, it never let me fall behind the line.

Warrior's Downfall (Menchavez Series #1)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon