Kabanata 12:
Happiness
"What are you doing?" Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang makitang bihis na bihis sina Claude at Sinye. Unti-unting gumapang ang kaba sa akin hanggang lukubin ng takot.
Is he taking our son with him? Next to them is a luggage. Kung bakit ba kasi ako tinanghali ng gising. Baka kung mas matagal pa bago ako nagising ay nakaalis na sila.
Tumawa silang dalawa sa naging reaksiyon ko. Nakakatuwang tignan sila na magkasama. Lumapit silang dalawa, sinaway ko pa si Sinye dahil sumampa na lang ito sa kama kahit nakasapatos.
"Ma, get up!" masigla niyang sabi, "Uuwi raw tayo."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, "Uuwi saan?"
Tinuro niya si Claude upang siya na ang sumagot sa tanong ko. "Sa Gonzaga."
"We're not going there!" Agap ko sa gusto niyang mangyari.
What for? Besides, I consider it not as my home anymore. Hindi babalik ako hanggang sa maayos na, ngunit kailan ba iyon? Napakatagal naman yata.
"Hindi mo ba gustong makita sina Tita at Tito? Mga kaibigan mo? I bet you miss them," aniya. "You've been working all this time. Take some break, Sabienna," kumbinsi niya sa akin. "Also, Mom and Dad want to meet Sinye." Nang-aakusang tingin ang iginawad niya sa akin at nanghihingi ng paliwanag. Like you, they know nothing either.
"Wala rin silang alam..." mataman kong sabi, "inakala kong hindi na importanteng malaman pa nila."
Dahil baka kapag nalaman ng mga magulang mo at sabihin sa 'yo, baka magalsa-balutan ka upang makauwi na agad, o kung gagawin mo nga ba iyon?
Nilapag niya ang tatlong plane ticket at umupo bilang pagsuko. "We're not fighting about this again."
Wala na rin akong nagawa nang maging si Sinye ay pilit akong pinapabangon upang makapaghanda na rin.
Hindi ako nakatulog buong byahe dahil sa pag-iisip kung paano haharapin ang mga tao roon. Last time I went there, I give no notice of my presence. Kahit nang nasa SUV kami nina Claude ay mulat na mulat pa rin ako. Sa syudad lang ang mayroong airport sa buong probinsiya at mahigit dalawang oras ang byahe hanggang sa bayan namin.
Sa bahay nila kami tutuloy, iyon ang sabi niya at wala na akong magagawa kahit na tumanggi pa ako kung iyon ang gusto niya. I've live there once. At ngayong malapit na kami ay hindi ako mapakali. Paano kung galit sila sa akin? Halos sariling anak na ang turing nila sa akin kaya dapat kong intindihin ang anumang pakikitungo sa akin na madatnan ko.
Nang makarating kami, salungat sa inaasahan ko ang sumalubong sa amin. Hiyang-hiya ako sa mga ginawa ko.
"Ilang taon ka naming hindi nakita, hija!" anang Mommy ni Claude at niyakap ako. Bumati ako sa kaniya. Hindi nagtagal ay bumaling siya sa karga-karga kong si Sinye. "Ito na ba ang apo ko?"
"Opo," nahihiya kong sagot sa kaniya. Antok na antok pa ang anak ko kaya hindi pa mapaamo ni Tita Melissa.
"He's a miniature of you Jansen!" Tita Melissa exhaled, "Can I hold him?" Nagagalak niyang puna at bumaling ulit sa akin nang magtanong. Ngumiti ako bilang pagsangayon.
"Siguradong ikaw na ngayon ang magiging daughter-in-law namin." Halos makaligtaan ko na ang Daddy ni Claude kung hindi lang siya nagsalita. Nanonood lang kasi siya sa tabi ng asawa.
"Hindi ko po alam," sinabi ko iyon sa pabirong paraan para mawala ang pait at ilang. I want to! Pero ano ang magagawa mo kung ayaw ng taong gustong-gusto mo.
BINABASA MO ANG
Warrior's Downfall (Menchavez Series #1)(COMPLETED)
RomanceSabienna Estelle Menchavez is a typical teenage girl. Bahay, eskwelahan at barkada. Doon umiikot ang buhay niya. Her life might not be that perfect but it's always been okay to her. If things doesn't turn the way she wants it to be, so be it. Ayaw n...