Kabanata 10:
Home
Lumipas ang apat na araw na hindi siya nagparamdam. Hindi na ako sinundo o kahit sumulpot man lang kung saan. Hindi rin siya nag-text. I told him to leave but I didn't mean it. I don't really want him to. Dahil siguro sa pride kaya ko iyon nasabi. Iyon na lang ang natitira para sa sarili ko.
Iwinaksi ko ang mga nasa isip at itinuon ang atensiyon sa daanan.
I have a to meet the director. Wala siya buong linggo sa firm at sinabing sa labas na lang kami magkita dahil Sabado, day-off.
Dinner na kami magkikita dahil may inasikaso pa raw ito. Ayos lang dahil lalabas kami ni Sinye ngayon. Bibili rin kami ng stock sa condo.
"Ma!" Itinuro ni Sinye ang cereals. Nilingon ko iyon ngunit lumagpas ang tingin ko sa lalaking nasa dulo ng grocery stand. Nakatingin ito sa direksiyon mamin at nang magtama ang tingin namin ay agad itong umiwas at nagmamadaling umalis. May tulak-tulak itong push cart na walang laman, halatang hindi iyon ang sadya niya rito.
Ginapangan ako ng kaba kaya kahit hindi pa kumpleto ang mga kailangan namin ay binuhat ko na si Sinye papuntang cashier. Habang nasa pila ay lingon ako ng lingon upang hanapin iyong lalaki kanina ngunit hindi ko na siya makita.
Nagpatulong ako sa guard na mailagay sa sasakyan ang mga binili hindi dahil marami iyon at buhat-buhat ko pa si Sinye kung hindi gusto ko lang may kasama papunta sa parking lot. Mas mapapanatag ako roon. Pinasalamatan ko muna siya bago tuluyang makapasok sa loob.
Ngayon ay nagaalangan na akong tumuloy pa. Sa huli ay nagdesisyon akong pumunta, nakakahiya kung hindi ko sisiputin si Dir. Caoagan.
Agad kong inapakan ang brake ng sasakyan nang nakita ang red light. Sa pagkabalisa ay hindi na ako makapokus sa pagmamaneho, idagdag mo ang pagiging baguhan ko. Mabuti na lang at agad ring huminto iyong nasa likod namin.
Nilingon ko agad si Sinye sa rearview mirror. Nagulat lang siya sa biglaan kong paghinto. Lumagpas muli ang tingin ko sa kaniya at dumiretso ito sa sasakyang nakasunod sa amin.
Umahon muli ang kaba sa akin nang makilala ang nasa tabi ng driver, hindi tinted ang salamin ng SUV kaya kitang-kita kung sino ang nasa loob, may kasama pa silang iilang lalaki. Siya iyong nasa grocery store kanina.
Umilaw ang green light at agad kong pinaandar ang sasakyan. Nanginginig kong kinuha ang cellphone na nasa ibabaw ng dashboard. Ini-dial ko ang numero ni Rovhic habang ang isang kamay ay nakahawak sa manibela. Ilang sandali lang itong nag-ring bago sumagot ang nasa kabilang linya.
"Hello! Napatawag ka?" aniya.
"Rovhic!" I exclaimed for a sudden relief, "May sumusunod sa amin. Hindi ako sigurado pero kanina ko pa napapansin."
"What?" Hindi agad rumehistro sa kaniya ang sinabi ko. "Bakit kayo sinusundan?"
"Hindi ko alam. Siguro dahil sa kinwento ko sa 'yo tungkol sa problema sa opisina," paliwanag ko. "Natatakot na ako, kasama ko pa si Sinye. Anong gagawin ko? We're heading to Uptown." Sunod-sunod kong sabi sa kaniya.
"Dumiretso lang kayo at huwag na huwag kayong bababa sa sasakyan. I'll call for help."
Sinunod ko ang sinabi niya. Nagmaneho lang ako at sa tuwing bibilisan ko ay agad rin silang sumusunod. Isang kalye na lang bago namin marating ang mall nang may marinig akong mga busina ng sasakyan ng mga pulis na nagmumula rin sa kalyeng iyon. Bago pa kami makarating ay naghudyat na ang traffic light na huminto kami. Hindi pa kami lubusang nakahinto nang makarinig ako ng nakabibinging ingay mula sa busina at malakas na pagsalpok. Inakala kong sa likod namin iyon na muntikan ng mangyari kanina.
BINABASA MO ANG
Warrior's Downfall (Menchavez Series #1)(COMPLETED)
RomantikSabienna Estelle Menchavez is a typical teenage girl. Bahay, eskwelahan at barkada. Doon umiikot ang buhay niya. Her life might not be that perfect but it's always been okay to her. If things doesn't turn the way she wants it to be, so be it. Ayaw n...