Kabanata 17

85 18 1
                                    

Kabanata 17:

Dream

The next day after Claude and I get married, we move out in his condo. 

Wala naman akong dahilan upang tumanggi. Mas malaki rin kasi ang condo niya kumpara sa akin. Hindi na rin niya kami hinayaang matulog sa ibang kwarto.

Ang problema na lang ngayon ay wala ng magaalaga kay Sinye. Ate Lana's home is far from here para sana pumunta na lang siya dito. She'd been with us for more than a year. Pinasalamatan ko na lang siya at nagbigay ng kaunting tulong. 

Malaki ang kwarto ni Claude kumpara sa iba. Kasya kaming tatlo sa kama. Simple lang ang kabuuan ngunit maayos, siguro hinayaan niya na ganu'n na lang ay dahil lagi naman siyang wala dahil sa trabaho.

Kasalukuyang binibihisan ni Claude si Sinye. I smiled. They look so cute together. Lalo na at pareho pa silang nakadamit pantulog. I never imagined Claude wearing those kind of clothes. Akala ko ayos na sa kanila ang simpleng t-shirt at shorts. Natawa at naawa pa ako ng maisip kong baka minsan ay hindi na rin sila nakapagpapalit kapag nasa aktwal ng trabaho.

"What?" tanong niya nang bumaling sa akin at naabutan akong pinapanood sila.

Umiling ako at ngumiti. No, I won't let him hear my thoughts.

"You done?" nilapitan ko silang dalawa. They are my treasures. In our field, they are assets that never depreciates.

"Movie!" Sinye exclaimed in excitement.

Tumawa si Claude sa reaksiyon niya. Ginulo nito ang buhok at binuhat na papunta sa kama. "Sure, we'll do anything you want." Tumingin pa siya akin.

Nagpaalam ako na maliligo lang din. Bago sila dinaluhan ay tiningnan ko muna ang cellphone para sa mga mensahe. I saw one from Rovhic. Tumingin si Claude sa banda ko nang iangat ko ang cellphone at ilagay sa tainga para sa isang tawag. Mariin ang titig niya sa akin at nanliliit pa ang mga mata. He was accusing me through his eyes. I only leered before turning to his window with a view of the city lights. 

"I'm sorry, alright?"paulit-ulit kong sagot kay Rovhic. Ganito talaga siya kapag nagtatampo. I find it cute though, of a man like him. "Biglaan kasi."

"Hindi man lang ako nakapunta." I rolled my eyes because of his rants. "I guess I will never see you in that white dress."

"I wore peach dress," pagtatama ko.

"I don't care," aniya, "But still! kasal mo 'yun at..." nagpatuloy na naman siya ngunit hindi tinapos ang litanya, siguro ay napapagod na rin kakareklamo kung bakit siya hindi na invite sa simpleng kasal namin. I wonder where did he got that news. "Don't you have any plan of a church wedding?"

Umiling ako kahit hindi naman niya nakikita. "Wala," I answered that made him groan again. Its true. Wala pa naman kaming napaguusupan ni Claude tungkol doon. At kahit hindi na rin, I am already contented with what he prepared. Ang isipin lang na kulang ang tao lalo na ang mga magulang namin ang nakapagpa-guilty sa akin. They should be there.

"Fine!" he said after a minutes of talk. I can imagine his annoyed face right now.

Lumingon ako sa dalawang nasa kama at nanonood. Mas pinili nilang dito na sa kwarto manood kaysa sa sala.

"I love you," I said as my goodbye to him. Ako ang pumatay sa tawag. Oh, this boy, trying to be a gentleman.

Mas lalo lang dumilim ngayon ang kaniyang mga mata at ang pangaakusa sa mga tingin na kanina pa ay hindi pa rin natatanggal. Alam kong kahit hindi masyadong malakas ang pagkakasambit ko, sa kibot ng labi ay alam niya kung ano iyon.

Warrior's Downfall (Menchavez Series #1)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon