Dahil monthsary nila ito ang gift ko sayo
-Therightbeingleft
--------------------------------------------------Maaga akong nakarating sa school kanina at wala pa sa wisyo ko ang pagpasok.
Napadaan ako sa eventhall at nakita kong nundun ang mga 4th year. Nakita kong busy sila sa pagaayos ng kung ano.
Wait?! Ano bang meron ngayon?
Dumiretso ako sa classroom para mailagay na ang aking bag at maitanong sa iba kung ano ang meron ngayon.
"Andreia, Bakit parang ang busy ng mga 4th year boys?" lumapit ako sa kanya upang mapakingan nya ako ng maayos.
"Hindi ko rin alam eh, basta nakita ko na lang yung mga lalaking 4th year na busy sa pag aayos ng eventhall. Tingin ko importate yun"
"Baka nga" sabay kami ni Andreia sa pag punta sa tapat ng eventhall para malaman kung ano ang ginagawa nila. Pumasok kami sa loob at naki usyoso.
May nakita akong ibat ibang mga colored paper na may malalaking sulat at may roses din lahat ng lalaking nandun.
"HAPPY 2ND MONTHSARY GIRLFRIEND" Pagkabasa ko dito. Huh? sino kaya yung masuwerteng babaeng yun? Talagang nag effort pa talaga yung boyfriend nya ah.
Pumunta sa mic ang isang matangkad, maputi, at almost perfect na facial features, wait?! diba ito yung boyfriend ni Mimi?!
"Hello, mic test. Ehmm, Hi guys! hiniram ko muna ang event hall para sa isang espesyal na babaeng kakarating pa lang. At yun na sya nasa main door na sya ng Eventhall"
Nakita ko si Mimi na nakatayo lang dun, bigla na lang naghati ang crowed at binigyan sya ng space na paglalakaran. Wow ang swerte naman ni mimi kase may boyfriend syang ganyan. Sana ako din xD
"Hi Shorty :D Happy monthsary sa atin, pero bago ang lahat kakantahan muna kita"
Habang kumakanta yung boyfriend ni mimi ay napatingin tingin ako sa buong event hall. Nakita ko ang isang lalaking kakapasok palang dito pero nakita ko kung ano ang expression nya.
Malungkot at bigo, yan ang mailalarawan ko sa kanya ngayon. May dala pa syang rose, dahan dahan syang umalis sa eventhall at sinundan ko sya.
Hindi ko kayang makita syang ganto, hindi ako sanay na ganto sya. Bakit pa kase si Mimi ang napili mo? Nandito naman ako eh.
"Kra-- este *Toot*, saglit lang" kasalukuyan ko syang hinahabol ngayon kase pagkalabas palang ng E.H ay tumakbo na sya papuntang LRC building. Nakaabot na kami sa tapat ng Chemlab at dun na sya tumigil.
Nakatalikod sya sa akin at ako naman ay nakatingin lang sa likod nya. Bigla nyang hinagis yung rose papuntang basurahan. Napasandal sya sa dingding at punong puno ng kalungkutan ang mga mata nya. Napaupo na lang sya sa sahig at ako naman ay dahan dahang lumapit sa kanya at lumuhod upang makalevel ko sya.
"*Toot* ayos ka lang ba?" tumingin sya sa akin pero saglit lang, sa ngayon blangko na ang expression nya at hindi ko na mabasa.
"Bakit ganun? kung sino pa yung napili mong taong mamahalin eh tyaka naman hindi pwedeng maging kayo" habang sinasabi nya yun ay unti unti ng pumapatak ang kanyang luha. Feeling ko ramdam ko rin yung mga sinasabi nya, nasaktan talaga sya.
"Eto na yung araw na aamin na ako sa kanya, pero ang g*go ko lang eh. Hindi ko alam na monthsary na pala nila ngayon, p*ta lang talaga" hinawakan nya ng mahigpit ang buhok nya.
Hindi ko alam ngayon yung gagawin ko para macomfort ko sya kaya niyakap ko na lang sya. Naluluha na rin ako dito eh TT^TT kras ba't ganito ka ngayon?
"Hindi ko alam kung pano mag comfort ng tao pero alam kong makakaya mo yan, makakamove on ka rin at tutulungan pa kita ^_^"
End of Scene 7
---------------------------------------------------------------------------------------------
Ps ni Author. Hay Someone :D Happy Monthsary ulit. Uy kasabay mo monthsary ni Mimi.
Hahhaahha hope you guys like it :D

BINABASA MO ANG
Liham Para sa Kanya
Dla nastolatkówIsang babaeng tanging sa isang yellow paper lang sinusulat ang mga karanasan tungkol sa crush nya at sa kanyang highschool life. Isang babaeng nag-aalay ng Liham para sa kanya. Ps. Basahin nyo po muna ang pocket notebook na story bago ito :)