3 day kaming nawalan ng pasok at alam nyo ba na ang boring sa bahay lalo na pag brownout. Buti na lang at kahapon bumisita sa akin si mimi kasama si Shylee.
Dahil Thursday ngayon at napakaganda ng sikat ng araw ay may balak akong kausapin ang bwisit na impostorang manloloko na yun. Pero sana tumigil na sya. Naikwento ko na rin kay mimi na wala na man talagang sakit si Mhel.
Sabi nya tutulungan nya daw akong resbakan si Mhel pero sabi ko wag na. Kanina binigyan ko sya ng note na magkita kami sa Sci garden para mag usap. Pero mamayang tanghali pa yun mangyayari.
Kasalukuyan akong naglalakad mag isa dito sa corridoor ng LRC. May pinapagawa kase sa akin si Sir kaya ito ginagawa ko habang papuntang second floor. Oo nga pala hindi ko pa nakikita si Chris nung simulang nakita ko syang nakipag-- yuck! Nadidiri lang ako.
" Chrismas lights check, parol check, Chrismas tree check at isang gwapong lalaking papalapit sa akin che--" hala ano ba yung nasabi ko?! Erase erase, okay relax ka lang Francess si Cap lang yan. Wait?! Sasabihin ko na ba?!
"Cap/ Francess" sabay pa talaga kami ah. "Sige mauna kana" nag buntong hininga muna sya bago magsalita.
"Ayokong masaktan ka sa sasabihin ko pero, gusto ko lang sabihin na titigil na ako sa pangliligaw" alam kong matagal ko na itong alam pero ang sakit palang pakingan kung sa kanya mismo nanggaling. Parang gusto ko ng umiyak pero hindi ko magawa. Hindi sa harap nya.
Naka nga nga lang ako sa kanya "Bakit?" sa dami kong pwedeng sabihin yan pa ang lumabas na salita.
"Alam mo kase Francess, gusto parin kita pero may mas importante pang tao ang mas kaylangan ako. Im sorry" nakatulala lang ako sa kanya at itong kanang mata ko bigla na lang nagpakawala ng luha ng hindi kumukurap.
"Sorry talaga. Ano nga pala yung sasabihin mo" nagpunas ako ng luha at ngumiti sa kanya ng pilit.
"Ahh yung sasabihin ko? Wala yun nakalimutan ko na. Oo nga pala hindi mo na kaylangan mag sorry wala ka namang kasalanan eh. Sige una na ako" dahan dahan lang akong naglakad sa hagdan at patuloy nanaman yung mga luha ko sa pag tulo.
Gosh, ang sakit! Ang sakit lang eh. Parang sinampal nya sa mukha ko na hindi ako importante sa kanya tapos sinabi nya pa na gusto nya ako! Ano to lokohan?!
"D-deco- decoratio-- huhuhuhu *singhot* Deco-- huhuhuhu" ano bayan pati banaman pagsasalita ko ayaw na mag gana ng maayos. Kaylangan ko pang i check lahat bago ako umalis dito.
Kaylangan kong matuloy ang plano kong pagsabi kay Mhel na tumigil na sya. Kahit na alam kong hindi sya papayag at least trinay ko.
Pinunasan ko ang mga luha ko nagpatuloy sa ginagawa ko. Habang naglalakad ako, nakita ko bigla si Lola na nagbigay sa akin ng maliit na notebook.
"Hanapin mo na ang kapares noon, kung hindi. May mangyayari sayo na masama. Malapit na ang oras mo at matagal mo ng hawak ang sumpa" pag kasabi nya nun ay bigla nalang akong nawalan ng malay. Nagising na lang ako nung nasa kama na ako ng clinic.
Nakita ko agad si Mimi na nakaupo sa tabi ng kamang hinihigaan ko.
" Francess ayos ka lang ba? Kanina nakita ka ni Ace na nakahilata sa corridoor ng second floor ng LRC"
Pilit kong iniisip ang nangyari pero tanging yung nangyari lang na pag uusap namin ni Cap ang natatandaan ko. Pero bigla na lang naramdaman ko na kumikirot yung ulo ko pag mas inaalala ko pa.
"Francess, ano bang nangyari?" lumapit sa akin si mimi at diretsang tumingin sa mata ko.
" Pasensya kana Mimi wala na akong matandaan eh. Basta ang alam ko lang nag che-check ako nung mga decoration tapos---ahhgg! Ang sakit nanama ng ulo ko!"
"Francess, ayos ka lang ba? Mam sumasakit daw yung ulo ni Francess" agad ko namang nakita si Mam Kc at lumapit ito sa akin. Binigyan nya ako ng gamot at tubig.
"Francess, nag pa check up ka na ba ulit?" bigla namang napatingin sa akin si mimi ng may pagtataka.
"Para saan? Bakit ka magpapacheckup?" siguro panahon ng malaman nya na may sakit ako.
"Mi, may tumor sa utak ko nung last month ko pa nalaman" napatakip naman agad sya sa bibig nya. " Pero sabi ni mama pagbalik nya agad naman daw nya akong papa operahan"
Agad nya akong niyakap "Gosh sis, bat ngayon mo lang sinabi, naiiyak tuloy ako" ayokong may makaalam pa nito kase kakaawaan lang nila ako at ayokong mangyari yun. Hindi ko gagamitin amg sakit ko para makuha lang si Cap.
Gusto ko pagmagaling na ako, tyaka ko sasabihin sa kanya na mahal ko sya.
-------------------------------------------------
End of Scene 19
Hi guys musta kayo dyan. Nag update na agad ako kase baka mawalan ng kuryente bukas. Bukas na kase ang land fall dito sa amin.
Stay safe sa inyo
-Ate Rowkie
BINABASA MO ANG
Liham Para sa Kanya
Fiksi RemajaIsang babaeng tanging sa isang yellow paper lang sinusulat ang mga karanasan tungkol sa crush nya at sa kanyang highschool life. Isang babaeng nag-aalay ng Liham para sa kanya. Ps. Basahin nyo po muna ang pocket notebook na story bago ito :)