"2nd placer goes to...Glydise Lucent"
Ang ingay ng mga kagrupo ni Glyd nung sya ang tinawag.Kung itatanong nyo kung nasaan ako ngayon. Nasa event hall lang naman kase awarding na. Kinakabahan na nga ako kase hindi pa ako tinatawag.
"So eto na ang hinihintay ng lahat. Kung sino ang babagitin kong pangalan, sya na ang champion ng mathdoodle making"
*cross fingers*
Wahhh! *close eyes* lord sana ako na yung tawagin TTOTT"And the champion is... Thank you nga pala sa mga sponsor ng program na to"
Pabitin pa si Sir TT^TT sabihin nyo na lang kase ang dami pang pa echos ehh wala naman sponsor itong program .
"The title goes to FRANCESS LAWRENCE TEAM MATHALINO"
SINO DAW NANALO?! AKO?! AKO?!
Biglang nagbagal ang mga nakikita ko at lahat ng kagrupo ko pa punta sa akin. Lahat sila nakangiti habang ako naman natatakot sa kanila. Kaya mabilis akong tumakbo papuntang likod.
"Wahhh!! Nakakatakot kayo! Wag nyo kong sugudin mga amoy pawis kayo!"
Lahat sila sinusundan ako ng...*Booghs*
"Aray!" awchi TT~TT nakabanga pa ako dito.
"Francess?" napatingin na lang ako sa kanya at
"Chris?! Wow bat parang gwumagwapo ka ata ah" napansin ko na nagblush sya bago ngumiti. Dun ko lang ulit nakita yung isang damakmak na dimples nya sa mukha.
"Group Hug!!" Hindi ko napansin na nakapalibot na pala sila sa amin ni Chris. Puro pawis! at iniipit pa nila ako kay Chris. Pero infairness ang bango bango nya xD
------------------------------------------------
End of Scene 9

BINABASA MO ANG
Liham Para sa Kanya
TeenfikceIsang babaeng tanging sa isang yellow paper lang sinusulat ang mga karanasan tungkol sa crush nya at sa kanyang highschool life. Isang babaeng nag-aalay ng Liham para sa kanya. Ps. Basahin nyo po muna ang pocket notebook na story bago ito :)