His Part no.1

448 20 1
                                    

His Point of View (for the first time)         

                Ako yung taong hindi mahilig mag share sa iba. Sinasarili ko lahat ng problema, pero nung aamin na sana ako sa taong gusto ko...dun ko napansin na magaan pala sa feeling pag nagshe-share ka.

Ako yung taong medyo bully, yung sina sabi ko sa inyong pinagsheran ko ng problem ko. Sya si Francess na laging inaasar sa akin. Sa totoo lang nagagandahan ako sa kanya at nababaitan. Last time nga nung nagka-klase kami naka-kalumbaba lang sya at parang makakatulog na.

Ang ginawa ko, sinapok ko sya para magising na sya at yun nagpasalamat pa sya sa akin. Ewan ko sa babaing yun kung bakit ang weird nya. Minsan naka pokerface, ni hindi ko nga manlang sya nakitang mag blush   eh.

Tapos eto panghinding hindi ko malilimutang moment naming dalwa. Yung nahalikan ko sya ng hindi sinasadya. Nung una gusto ko lang syang pagtripan nun kaya naglagay ako ng red roses sa locker nya kaso ang epic ng nangyari. Dahil dun nagwala yung mga fans ko.

Nung una natatawa ako sa kanya habang hinahabol ng mga fans ko. Kaso nung sinugod na nila ng sabunot, sipa at kung ano-anu pang masasakit na bugbog,  ay hindi ko na napigilan ang sarili kong iligtas sya.

Nagsorry ako sa kanya noon kaso ang hanep nahimatay -_- kaya kaylangan ko pa syang buhatin papuntang clinic. Speaking of clinic, hindi yun ang first time na nahatid ko sya. Ang first time ay yung time na nage-exercise kami nakikita kong namumutla na sya at lumapit si Mimi sa kanya tapos tinawag ako.Nagtataka ako kung bakit ang bigat bigat nya kahit ang payat nyang tignan.

So nung sabi nyang tutulungan nya ako magmove on parang gusto ko na syang makaclose. Alam nyo bang nababading na ako nun kase nakita ako ng isang babae habang umiiyak ako. Pero ang iba ng feeling ko nung niyakap nya ako, para kaseng may something.

o Baka guni guni ko lang yun. Sya nga pala, ako si Cap Krown isang highschool student.

Cool, Bully, gwapo at habulin ng mga chikababes

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hi readers  pa plug-in lang poo ng story.

Try to read: Can't Find Love by Girl_Inspired

Liham Para sa KanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon