Ang aga kong pumasok ngayon. Hindi ko alam pero feeling ko magiging masaya ang araw ko ngayon.
"Hi Francess" sabay na bati ng dalawang boses sa likod ko.
XD pagkagwapo gwapo na mukha ang sumalubong sa isang katulad ko. Nakita kong papalapit sila sa akin. Parehas pa silang nakangiti. Hay heaven...
"Francess sabay na tayo may sasabihin pa ako sayo" hinawakan ni Chris ang wrist ko at hihilahin na sana kaso hinawakan naman ni kras yung kabila para mapigilan ako mula sa paggalaw.
"Bro wag kangbasto, kakausapin ko rin sya eh" nagkatinginan silang dalwa at parang may kuryente sa bawat tingin nila.
"Hi guys!" nakita kong papalapit sa amin si Mimi kasama si Shylee.
"Bat, anong meron dito? Tag of war? Sali ako =D " tamo tong si Shylee hindi man lang nakakaramdam ng intense atmosphere.
"Tumigil ka nga dyan Shylee hindi mo ba nakikita?" Si Mimi naman ang humawak sa wrist ko na hinawakan ni Chris.
" Hiramin muna namin si Francess ha ^_^ bye" hinigit na nya ako hangang makarating kami sa classroom.
Nang nasa tapat na kami ng room ay biglang may eraser na muntik ng tumama sa mukha ko, buti na lang at nakailag ako.
"Walang hiya kang beki ka! Mang aagaw!" bato here and there
"Hindi ko sya inagaw! Sya ang kusang lumapit sa akin!" Ilag here and there.
"Tigilan nyo nga Kayle and Darwe! Kaylan ba kayo titigil ha! Gusto nyong magka record sa guidance?" yes miss president Shylee to the rescue!
"Ha? Miss pres ehh umaarte lang naman kami para sa filipino mamaya ah bat kaylangang ipa guidance agad?" medyo pahiya ah
"Oo nga sis, ang galing namin diba?" nag apir pa silang dalwa sabay tawa.
"Ay ganun ba? Akala ko kase nag away nanaman kayo dahil kay migy eh" bigla sila Darwe at Kayle nagkatinginan ng masama.
---------
Lunch Break
Sa tuwing nasa tabi ko si Mimi hindi makalapit si Kras kaya yun, si Chris ang kasama namin ngayon. Ayos rin lang naman sakin kaso si Mhel naman ang lumapit kay kras.
"Mimi pwede mo ba muna kami iwan may mahalaga lang kaming pag uusapan" sa sespace out na yung utak ko dito kaka tingin kila Mhel.
"Sige" tumayo si Mimi at umalis agad.
"Francess sinunod ko yung payo mo na umamin ako" so ito pala topic namin.
"Through what? Text, chat or true life?"
"Text" napatayo ako bigla at hawak sa table.
"What?!" ay ang dami tuloy napatingin sa akin. Tss wrong move
Umupo na lang ulit ako na parang walang nangyari."Dapat in real life para mas dama nung crush mo ba totoo yung sinasabi mo, para pag nangligaw kana may points agad"
"Ganun ba yun?" napakamot sya sa batok nya habang nakangiting alanganin.
"Ay oo nga pala, kita tayo mamaya sa tapat ng LRC ha! Dun ko gagawin yung pag amin ko sa taong gusto ko kaya dapat nandun ka kase ikaw yung nagpayo sa akin" agad syang umalis nung nakita nya yung mga barkada nya.
"Ang swerte naman nung girl, ang effort kase ni Chris sana ganun din si Kras" napakalimbaba na lang ako at tinitigan ang table kung saan nandun si Kras, Mhel at kasama na rin nila si Dianne at Chaile.
Biglang napatingin sa akin si Kras at ngumiti.
------------------------------------------------------
To be continue
Happy 6.7k sa story kong ito. At sa mga readers na nakaabot na dito muraming salamat din.
BINABASA MO ANG
Liham Para sa Kanya
Teen FictionIsang babaeng tanging sa isang yellow paper lang sinusulat ang mga karanasan tungkol sa crush nya at sa kanyang highschool life. Isang babaeng nag-aalay ng Liham para sa kanya. Ps. Basahin nyo po muna ang pocket notebook na story bago ito :)
