Hi Kras
Pasensya kana ha hindi na kita nasamahan kase lagi akong inaya ni Chris sa kung saan, ewan ko kung anong meron dun pero ang saya naman nyang kasama at lagi kong nakikita yung mukha nyang maraming dimples. Kahit naman ikaw eh ayos na rin kayo ni Mhel, kanina nakita ko syang umiiyak tapos ikaw kinocomfort mo sya. Mukhang bagay kayo tapos...
Medyo nakaramdam ako ng kirot nung nakita namin yun ni Chris kaya umalis na lang kami agad kasi mukhang mabigat yung pinagdadaanan nya. Alam mo ba kanina ko lang nalaman na may crush din pala daw sya kaso hindi daw sya napapansin ng crush nya kase daw medyo manhid yun at may iba na rin daw yun na gusto.
Pinayuhan ko sya na sabihin yung nararamdaman nya sa crush nya, torpe din kase sya eh sabi nya. Diba kung walang torpe edi wala narin sanang manhid. Ewan ko sa sarili ko dahil nagpayopayo ako ng ganun kay Chris eh torpe din naman akong babae. Kase iniisip ko panget din naman na ang babae pa ang aamin diba? Mataas din pride eh :3
Alam mo kanina nung umabsent ka, sinermonan kami ni ma'am lory kase nalate kaming dalwa ni Chris sa klase. Hiyang hiya akong sumagot nung tinanong kami kung bakit kami late, alam mo kase first time kong malate nun eh. Alam mo ba ang ginawa ni Chris, hinawakan nya yung kamay ko at pumasok kami sa room.
Nagpasalamat ako sa kanya kase hindi na rin ako makagalaw sa pwesto ko nun, tapos yung mga kaklase ko tinukso pa kami. Hindi ko alam pero bigla na lang akong nagblush.
Ps. Bakit kaya wala rin kanina si Mhel?
Truly yours
Francess

BINABASA MO ANG
Liham Para sa Kanya
Genç KurguIsang babaeng tanging sa isang yellow paper lang sinusulat ang mga karanasan tungkol sa crush nya at sa kanyang highschool life. Isang babaeng nag-aalay ng Liham para sa kanya. Ps. Basahin nyo po muna ang pocket notebook na story bago ito :)