Pagkagising ko kaninang umaga, yung camera agad ni Shylee yung kinuha ko. Kase naman nakalimutan ko nanamang ibalik ito nung nakaraang araw.
Bigla kong naisip na ngayon ko na pala gagawin yung plano ko. Gosh sana naman maging okay lang ang resulta. Maaga akong nakarating sa school at mukhang onti pa lang ng ang estudyante.
Nakita ko si Shylee na naglalakad kasama si Mimi. Kinuha ko muna sa bag yung camera nya bago ako lumapit sa pwesto nila.
" Shy! Mi! Intay" ang bilis nilang maglakad.
"Ang aga mo ngayon Francess ah, excited kana para mamaya no?" sabi ni mimi ng may pagtaas at baba pa ng kilay.
"Huh? Ano yun? Na o-op ako sa inyo ha. Share naman dyan" oo nga pala kami lang ni mimi ang nakakaalam sa plano ko.
Tinignan ako ni Mimi sa mata at mukhang sinabi nya na sabihin ko kay Shylee. Tutal mapagkakatiwalaan naman sya sasabihin ko sa kanya.
----------
Lunch Break
"Sana hindi ka harasin nung babaeng yun" sabi ni Shylee habang kumakain ng Oreo. Kasalukuyan kaming nandito sa Canteen nag uusap tungkol dun sa kanina.
"Grabe Shylee ng panget nung 'Harasin' word mo ha ,na gi-green ako" sabay tawa nya.
"Eto Francess, walang halong biro. Kung bubugbugin kanun sumigaw kakaagad ha. Agad kaming dadating" naging siryoso bigla ang itsura ni Shylee. Grabe ganun ba talaga kalupit si Mhel?
Sabagay may nangyari na ngang ganun sa akin. Muntik na nga akong mabalian eh.
"Tama si Shylee. Tawag ka lang nandun na kami" tuluyan na akong tumayo at iniwan sila dun. Alam na naman nila ang ibig sabihin ng pagtayo ko.
"Go! Best ! Wag kang kabahan" lumapit ako sa table nila Mhel kung saan nan dun sina Dianne at Chaile.
"Hi Mhel, pwede kabang makausap?" tatayo na sana sina Chaile at Diaane pero-- "Nang mag-isa" agad silang umupo at tumingin sa akin ng masama.
"Sige, saan mo gusto?"
"Sa LRC sa Cr ng babae, mas tahimik dun" naglakad na kami at nauna ako sa paglalakad papunta dun.
Walang may balak sa aming dalwa na magsalita. Medyo kumakabog din tong puso ko dahil sa kaba. Shez sana hindi ako mautal sa mga sasabihin ko.
Nang marating na kami sa Cr ng babae ay ako ang unang nagsalita "alam kong nagpapangap ka"
"Anong pinagsasabi mo?" ni wala man lang emosyon sya na ipinapakita.
"Nagpapangap kang may sakit para makuha si Cap diba? Pero syempre idedenai mo yun"
"Siguro dakila ka ring chismosa ano? Saan mo naman nakuha yang mga pinag sasabi mo? Ha?" lumapit sya sa akin at tinulak ako. Ang haras nga nya
"Sayo! wala man akong patunay sayo na dala pero meron ako" bigla kong natandaan yung camera ni Shylee na dala ko nung nadeskubre ko sila.
"Ha-ha-ha-ha eh ano naman kung nabuking mo ako? Tingin mo ba pagsinabi mo yan kay Cap paniniwalaan ka nun? Tingin mo ba babalik sya sayo?" bigla ko tuloy na isip yung pagsuko ni Cap sa akin. Naiiyak ako. " Akin na ngayo sya hindi sayo!" sinampal nya ako na nakapagpagising sa akin.
"Wala kang pangalang nakatatak sa kanya! Kaya hindi mo sya pagmamay ari! Tyaka wag ka ngang mangarap. Kahit kailan, hindi ka nya mamahalin. Naaawa lang sya sayo dahil mag isa ka na lang at isa ka pang impostorang butiki!" aalis na sana ako kaso bigla nyang hinigit yung buhok ko sabay hampas sa akin sa ding ding.
"Aray!" buti na lang at likod ang tumama sa akin at hindi ulo. Lumapit sya sa akin at may kinuhang patalim sa bulsa nya?!
" Oo na! Ikaw ng mahal nya! Alam mo ba na ikaw na lagi ang bukang bibig nya?! Kaya para matapos na ang lahat! TATAPUSIN NA RIN KITA!" habang sinasabi nya yun ay may luhang pumapatak sa mata nya.
Lumapit sya sa akin at muntik na nya akong masaksak sa tagiliran. Buti at agad akong nakaiwas. Pumunta ako sa kabilang gilid at dun nya naman ako sinundan.
"Mhel! Tama na!" sigaw ko sa kanya pero parang wala sya sa sarili nya.
"PAPATAYIN KITA!" itinaas nya ang kutsilyo para bwumelo. Pumikit ako at naghintay na may tumusok sa akin pero wala akong naramdaman.
Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Cap na kapit ang dalawang braso ni Mhel. "Francess alis na dyan! Ako ng bahala kay Mhel. Tumawag ka na lang ng tulong!" medyo na tulala pa ako dun pero agad akong nakabalik sa wisyo ko kaya agad akong tumayo.
Nagtatakbo ako sa hallway ng LRC papuntang guidance office. Ito lang kase ang pinakamalapit sa pwesto ng Cr ng girls. Pag kadating ko dun, naabutan ko si Sir Luarca. Guidance councilor namin.
" Sir! Kay langan po namin ng tulong! Si Mhel po may dalang patalim!" nagpapanic na ako dito at hingal na hingal.
"Okay don't panic, na saan ba sya?"
"Nasa Cr po ng girls sir! Nan dun din po si Cap pinipigilan si Mhel" sabay na kaming tumakbo ni Sir papuntang Cr.
Hangang ngayon pinipigilan parin ni Cap si Mhel at mukhang tuluyan na syang nawala sa sarili.
Agad ni Sir kunuha ng kutsilyomula sa kamay ni Mhel. Medyo huminahon na rin si Mhel at agad nawalan ng malay. Nasa labas na ako ng Cr ng girls at may napansin ako sa tabi ni Mhel.
Nakita ko si Lolang nagbigay sa aking nung maliit na notebook. Nakatingin sya sa akin at umiling iling.
Binuka nya yung bibig nya pero wala akong napapakingan. Nabasa ko sa labi nya ang ma salitang ' Sayang mapapaaga sana ang pagkamatay mo' pagkatapos nun ay bigla syang nawala.
Marami na ring taong nakiki usyoso sa amin. Nakita kong papalapit sa akin si Chris. Halatang tumakbo sya.
"Francess, ayos ka lang ba?" hinawakan nya ang dalwa kong pisngi.
"Ano ka ba ayos lang ako =) "
"Huh? Anong ayos ehhh namumutla kana!" bigla na lang sumakit ang ulo ko pero pinipigilan kong sumigaw.
"Ayos lang talaga ak--" nag blur na yung paningin ko at paunti unting nahihilo. At wala na akong matandaan pagkatapos nun.
------------------------------------------------
Hi guys sorry di ako nakapag update kahapon. Thank u nga pala sa mga readers na nagvovote & comment thank u for reading too
-ate Rowkie
BINABASA MO ANG
Liham Para sa Kanya
Teen FictionIsang babaeng tanging sa isang yellow paper lang sinusulat ang mga karanasan tungkol sa crush nya at sa kanyang highschool life. Isang babaeng nag-aalay ng Liham para sa kanya. Ps. Basahin nyo po muna ang pocket notebook na story bago ito :)