Scene 16 (Part 2)

314 23 0
                                        

Continuation of Scene 16

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tanghali na ngayon at kakatapos lang ng first subject namin sa tanghali. Napansin ko na kanina pa hindi mapakali si Chris at tingin din sya ng tingin sa akin. Lumapit sa akin si JB at may binigay na sulat.

"Di sa akin galing yan"

"Kanino galing?" 

"Dun sa chupapi mo, ayun oh nakatingin sayo" tinuro nya ang upuan ni Cap, at si Kras oh titig sa akin at mukhang seryoso. "Sige alis na ako may pupuntahan pa kami ni Bruce"

Agad ko namang binuksa ito at binasa. 'Wag kang pupunta mamaya'

Tinignan ko sya at hindi na sya nakatingin sa akin kundi kay Chris na na papalapit sa akin. Ang gwapo ni Koya oh, paglapit nya sa akin amoy ko agad yung pabango nya.

"Punta ka ha, mahalaga sa akin yun"

"Grabe ka naman eh aamin ka lang naman dun sa girl eh kaylangan kasama pa ako?"

"Impurtante ka kase sa akin" mga pick up mo koya xD siniko ko na lang sya.

"OO na po pupunta na" nakita kong tumayo si Cap at dumaan sa gilid namin. Binangga nya yung balikat ni Chris.

"Anong problema nun?" tanong ni Chris sa akin, sorry kras pero pupunta pa rin ako.

----------------------------

Sa may LRC

Pumunta muna ako sa cr ng girls para mag ayos ng mukha. Habang tinitignan ko yung sarili ko sa salamin napansin kong pumasok si Chaile kasama si Dianne.

"Girl ang swerte naman nung girl" hindi nila ako napansin kaya pumasok na lang ako sa isang cubicle ng cr.

"Ano kaba girl ako yung babaeng sinasabi du sa tarpo" siguro boses yun ni Chaile.

"Talaga?! sagutin mo agad yung proposal para wala ng umagaw" si Dianne.

"Oo nga eh, tara na nga girl at baka naiinip na si Chris my loves" nang napakingan ko na silang makaalis ay lumabas na ako at muling tinignan ang mukha ko sa  salamin.

So si Chaile pala yung sinasabi ni Chris na girl. Isa lang ang masasabi ko, HINDI SILA BAGAY!

Pagkalabas ko ng Cr ay ang daming babaeng nagtatakbuhan. May nakabanga pa sa akin, tinulungan kong tumayo, teka kilala ko to ah.

"Arianne/ Francess?" sabay naming sabi.

"Anong meron bat kayo nagtatakbuhan?"

"Si Chris kase. Ano-ahhm basta hindi ko masabi sige alis na ako" tumakbo sya agad papunta sa harap, muntik pa nga syang madapa. Medyo clamsy pa rin sya.

Naglakad ako papunta sa tumpok ng mga tao, nakikisiksik ako dito dahil hindi ko makita kung ano yung tinitignan nila. Ang babaho naman mga amoy warrior. Nang makapunta na ako sa harap ay nakita ko si Chris naggigitara.

"Sa wakas nandito na rin sya" sabi ni Chris sa mic. Wew nasan na yung girl, hindi ko makita.

"Wag ka ng maghanap kase ikaw yun" tumayo sya habang hawak yung guitara.

tinuro ko ang sarili ko at tumango naman sya, weh walang biro ako nga?

"Hindi ka panaman umaamin sa akin ah, kahit nga number ko hindi mo alam"

"Yun ang akala mo, ako yung unknown texter mo. Ako yung nagbigay ng roses at chocolates sa locker mo. Ako yung taong minur-"

"Ops tigil na dyan nakakahiya sa iba, wag mo ng ituloy" ngumiti sya sa akin at yung mga babae nagsitilian.

May mga nagsisigawan na : "Ako dapat yun eh!" "Ang sweet nama ni Chris!" at "Chris akin ka na lang!"

Nagstram sya ng gitara at ang crowed nagsi sigawan.

------------------

"Wow sis ikaw na maganda! alam mo ba halos lahat ng istudyante dito sa school ingit sayo" sabi ni mimi hanbang naglalakad kami.

"Hay sis alam mo bang hiyang hiya ko kanina, ewan ko ba imbis na si Chris ang mahiya ako pa yung nahiya, nagpagawa pa sya ng tarpo, akala mo magpropropose"

"Ikaw ha pumayag ka ng ligawan ka ni Chris, eh pano na si Chaile at kendrei siguradong hindi ka tatantanan ni Chaile nya"

"Hihindi nga sana ako kaso mapapahiya naman si Chris, hay bahala na si Batman"

"Sige nandyan na sundo ko Francess bye" tumakbo na si Mimi papunta sa service nila at ako naiwang magisa sa waiting shed.

Ilang minuto ang lumipas...

"Hi" kasalukuyan akong naglalaro ng cellphone ng may naramdaman akong umupo sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya habang sya nakatingin ang sa kalsada.

"Hi din" nilagay ko muna yung phone ko sa bulsa at tinuon ang sarili ko sa kanya.

"Yung tungkol sa pangliligaw ko ... seryoso ako dun"

"...."

"Hindi man ganun ka engrande ang pagsabi ko sayo pero alam ko sa sarili ko na seryoso ako"

--------------------------------------------------

End of Scene 16

Wew malapit na bday ni Author ^_^  as gift na lang yung vote nyo please thank u for reading

Liham Para sa KanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon