Dumating na si mama nung isang araw pa at agad naman nya akong pina operahan. Mga ilang araw pa akong tulog at walang malay pagkatapos nung operation.
Sabi ni mama na mabuti daw at maliit lang yung tumor sa utak ko kaya madali itong natangal ng mga doktor. Sa ngayon inaalala ko parin yung sinabi sa akin ni Lola.
So pano yan? Hindi ko dapat syang lapitan o makita? So hindi din ako pwedeng pumasok bukas. Kaylangan kong gumawa ng plano para sa ikahahaba ng buhay ko. Gusto ko pang pakasalan si Kras >.< at hangang ngayon hindi ko parin nasasabi ang tunay kong nararamdaman.
Nag ayos ako ng sarili ko at kinuha na rin ang maliit na notebook ko mula sa cabinet. May binigay sa akin na clue si Lola pero hindi ko sya magets. Nagsalamin muna ako pero agad akong may napansin nakakaiba sa likod ng kamay ko.
Para syang tatoo pero kakaiba, hugis padlock sya at ng hinawakan ko ito ay mahapdi. Hhmm para saan kaya to?
Nagpaalam na ako kay mama na maglalakad lakad lang ako sa tabi tabi. Base sa clue na ibinigay ni Lola ay may dugo daw. So kaylangan sa hospital ako pumunta? Pero tingin ko hindi yun ang pinapahiwatig nya eh.
Siguro nasa malapit lang yung may ari ng kapiraso nito, pero ano ko naman malalaman na sya na yun? Habang nag lalakad ay bigla na lang humangin ng malakas at may kakaibang boses na biglang bumulong sa akin.
"Iilaw agad ito" umilaw bigla yung tatoo sa kamay ko. Thanks Lola, kung ikaw man yan.
Nagpunta akong plasa na malapit lang sa village namin. Marami ngayong nakatambay dun na couple at naiingit ako. Hindi ko inaalis sa kanila yung tingin ko hangang may nabanga akong babae.
"So-sorry po" inyos nya ang salamin nya at bigla ko na lang syang namukhaan.
"Kendrei dun tayo ma-sa-ya dun" nabigla ako nang makita ko silang magkasama.
"Chris/ Francess" sabay turo namin sa isa't isa.
"Hi Kendrei long time no see" kinawayan ko sya at bigla naman syang nagtaka.
" Ahh sayo din" lumapit sa akin si Chris. "Kamusta yung operation mo?"
Sabay na kaming tatlong naglakad.
"Eto naging successful. Maliit lang naman daw yung tumor, mga 1 1/2 ang height at ganun din ang width. Wala naman daw naapektuhan sa utak ko" hinawi ko ang buhok na nakaalpas sa pagkakaipit ko.
"Ano yang nasa kamay mo?" sabay turo ni Kendrei.
"Ahh ito? Hindi ko rin alam eh. Basta ko na lang yan nakita pagkagising ko" tinignan ko to at bigla akong nagtaka ng umilaw ito na sadaling saglit.
"Shiz malapit lang sya dito"bulong ko. Wala naman akong masyadong nakikitang tao sa pwesto namin at malayo na rin kami sa mga couples dito. Pero may puting van na dumaan sa gilid namin.
Tinignan ko ang plaka at agad ko itong sinaulo. Baka nakasakay lang sya dun. LYO 172 ang nakalagay sa plaka. Diba ito yung van ng pamilya ng stepbrother kong si Yuan.
"Yuhoo~ Francess, natulala ka ata ah" sabi ni Chris habang kinakaway kaway nya sa harap ko yung kamay nya.
"Ahh wala to" hhhmm parang may unting idea na pumasok sa utak ko.
Baka isa sa kanila ang may hawak ng kabilang bahagi nito.
------------------------------------------------------------------
Hi guys mga 10 parts na lang at matatapos na po itong story. Pwede rin po kayong manghula kung sino yung tinutukoy na may hawak ng kabilang bahagi ng pocket notebook na hawak ni Francess ngayon.
Wahh ang bilis dumami nung readers nito. Keep suporting po at hi pala sa mga kaka follow lang sa akin
Thanks for reading
-Ate Rowkie

BINABASA MO ANG
Liham Para sa Kanya
Ficção AdolescenteIsang babaeng tanging sa isang yellow paper lang sinusulat ang mga karanasan tungkol sa crush nya at sa kanyang highschool life. Isang babaeng nag-aalay ng Liham para sa kanya. Ps. Basahin nyo po muna ang pocket notebook na story bago ito :)