Kahapon pagkakita ko sa van ay agad akong nagpaalam kay Chris at Kendrei. Mukhang kaylangan ko na kaseng umuwi nun at siguradong magtataka si mama pagtumagal pa ako.
Pagdating ko sa bahay ay busy ang mga tao. Hhmm ano kayang meron? Naglakad ako papunta kay mama at nakita ko syang may kausap.
"Ma, anong meron? Bakit parang may handaan?" lumingon sya sa akin at nginitian ako.
"Kanina ka pa ba dyan? Etong handaan ay para sayo at sa stepbrother mong si Yuan"
"Bakit po pati kay yuan?" ano ba ngayon?
" Hindi mo ba tanda? Birthday ngayon ni Yuan, tsk tsk tsk makakalimutin ka talagang bata ka" bumalik ulit sya sa pakikipagusap.
Shit! Oo nga pala. Agad akong tumakbo palabas at tumawag ng taxi. Kay langan kong makabili nun bago pa sya dumating.
"Manong sa mans Petshop po pakibilis na rin" habang naghihintay ako na makarating sa shop ay biglang nagring yung phone ko.
Cap my labs calling...
Kinabahan ako bigla ng nakita kong tumatawag sya. Wahh ano bang gagawin ko? Sasagutin ko ba? Baka naman may mangyaring masama. Pero ang sabi ni Lola wag magkita eh kaya siguro pwede naman kahit mag-usap.
Sinagot ko ang phone at hinihintay kong may sumagot sa kabilang linya.
"Hello?"
Hello, Francess pwede bang magkita tayo?
Halatang masaya ang boses nya at mukhang mas lalo ko syang namiss dahil matagal ko na rin syang hindi nakikita simula nung nag pa opera ako.
" Busy ako Cap" binikit ko ang mata ko.
Huh? Ano bang ginagawa mo?
"Birthday ngayon ng stepbrother ko"
Edi ako na lang ang pupunta sa inyo. What?! Hindi pwede.
"Pasensya kana ha. Pero wag mong gagawin yan"
Sige babay mga ala una ako pupunta sa inyo hahahaha toot- toot---
Napasapo ako sa noo ko. Nagbalik na sya ulit sa pagiging makulit nya. Napatingin ako sa salamin ng taxi at bigla na lang ako napapikit ng bigla kong nakita si Lola.
Pagmulat ko nagbalik sa dating itsura nya yung driver. Siguro namalik mata lang ako kanina. Nang tumigil na ang taxi ay nagbayad na ako at lumabas.
Sinlubong ako ng isang sales lady ng shop.
"Ano pong kailangan nyo ma'am?"
"May breed ba kayo ng magandang pusa dito?"
"Right this way ma'am" sinundan ko lang sya at pumili na ako ng aso. Pagkatapos nun ay nagbayad na ako sa counter at lumabas ng shop.
Nag para ulit ako ng taxi at sinabi ko yung adress namin. Pagkarating ko dun ang dami ng tao sa labas at mukhang wala pa si Yuan. Pumasok ako ng bahay at umupo muna ako.
Tinignan ko yung kamay kong may mukhang tatoo at umilaw ito pero mahina lang. Siguro tama yung kutob ko. Malapit lang sya dito. Nakatingin lang ako sa pintuan habang may iilang taong pumapasok dun.
"Happy Birthday to you, Happy Birthday to you, Happy Birthday Happy Birthday , Happy Birthday to you" nagsimula na silang magkantahan ng pumasok si Yuan kasunod yung mga kapatid nya.
Agad nya akong nakita at pumunta sa direksyon ko para yakapin. Napapikit na lang ako sa sobrang higpit ng yakap nya. Nung minulat ko ang mata ko bigla na lang akong napatingin sa leeg nya. Sabi na at sya yun eh.
-----------------------------------------------------------------------
Hi guys gusto ko lang po magthank you kayla @JaylieRanzalbay at @violetlovesblue sa kanilang flood votes ^_^
Happy 20.03k po sa atin thank you for reading
-Ate Rowkie

BINABASA MO ANG
Liham Para sa Kanya
Fiksi RemajaIsang babaeng tanging sa isang yellow paper lang sinusulat ang mga karanasan tungkol sa crush nya at sa kanyang highschool life. Isang babaeng nag-aalay ng Liham para sa kanya. Ps. Basahin nyo po muna ang pocket notebook na story bago ito :)