Hi Kras
Siguro kung mabasa mo man lahat ng liham ko para sayo malalaman mo kung ano yung feeling ko. BAKA ito na ang pinaka huling liham na isusulat ko sayo.
Kanina lumapit ka sa akin at may ngiti pa sa labi ang iyong pinapakita. Wala ka paring ipinagbago pero dahil manhid ka, di mo feel na ang cold ko sayo. Nilalayuan na kita kanina. Pero nung hapon hinablot mo ang kamay ko at dinala ako sa tapat ng LRC.
Nung makarating na tayo dun agad mo akong tinanong kung bakit kita iniiwasan. Hindi ako sumagot nung una pero dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko sinabi ko din.
Nung una seryoso kang nakikinig pero nung natapos na ako sa pag explain tumawa ka. Tapos sabi mo 'dahil LANG dun?' aalis na sana ako nun kaso pinigilan mo ako. Sinabi mo sa akin na wala lang yun. Nung nakarecover kana sa kakatawa sinabi mo yung tungkol sa problema ni Mhel.
Sinabi mo sa akin na namatay na pala yung kapatid nya at sya na lang mag-isa ngayon. Na realize ko na nung isang araw pala umabsent kayo parehas. Tinanong ko kung para saan yung kiss at sabi mo nagconfess sya ulit. Sabi mo pa na si Mhel ang humalik hindi ikaw.
Pero nung tinanong mo kung bakit ako nagseselos wala ako masagot. Hindi ko alam pero sinasabi nung sarili ko na wag ko munang sabihin. Buti na lang at dumating si Chris para putulin yung pinapag usapan natin. Nung binalikan ko yung mga pangyayari kahapon napapatawa na lang ako kase ang OA ko pala magreact.
Ps. Malapit na Bday ko! Ano gift mo?
Truly yours
Francess
---------------------------------------------
Hello po sa aking new follower and new voter :)
@PhamFajarito
Salamat sa vote mo at nyo
Lapit na bday ko 2 days to go
BINABASA MO ANG
Liham Para sa Kanya
Roman pour AdolescentsIsang babaeng tanging sa isang yellow paper lang sinusulat ang mga karanasan tungkol sa crush nya at sa kanyang highschool life. Isang babaeng nag-aalay ng Liham para sa kanya. Ps. Basahin nyo po muna ang pocket notebook na story bago ito :)