Hi Kras!
Alam mo kanina habang nagiisip ako ng paraang makstakas nakakita ako ng itim na pusa sa may pinto. So habang busy sila sinundan ko yung pusa at napansin ko na kakaiba yung mata nun. Kulay blue and green tapos may ribbon syang kulay violet.
Nilapitan ko yung pusa tapos binuhat ko. Buti na lang at hindi nya ako kinalmot. Actually dinilaan pa nga nya yung kamay ko eh.
Nung may napakingan akong yabag ng tao mula sa likod ko ay napalingon ako. Tapos nakakita ako ng isang babaeng nakaputi.
Hindi sya si sadako ha. Para syang goddess. Ang ganda nya, ang puti tapos nakangiti pa sya sa akin.
"Hello miss akin na yung pusa ko" binigay ko sa kanya yung pusa nya tapos nagtanong sya sa akin kung kilala daw kita.
Syempre sabi ko oo. Tapos tinanong nya ako kung nasaan kadaw so sinabi ko rin. Sabi ko sa kanya sabay na kami papunta sayo.
Pagkarating namin sa meeting place namin nadatnan kita. Lalapit na sana ako sayo kaso inunahan nya akong yakapin ka. Ang daya nga eh kase sya na lang yung kinausap mo. Selos tuloy ako >~<
Ps.Sino ba sya sayo?
Truly yours
Francess
BINABASA MO ANG
Liham Para sa Kanya
Novela JuvenilIsang babaeng tanging sa isang yellow paper lang sinusulat ang mga karanasan tungkol sa crush nya at sa kanyang highschool life. Isang babaeng nag-aalay ng Liham para sa kanya. Ps. Basahin nyo po muna ang pocket notebook na story bago ito :)