Epilogue

294 22 12
                                        

His Point of View

20 years na ang nakalipas ng mamatay sya. Kasalukuyan ang nandito sa sementeryo nililinis ang puntod nya.

Matagal na akong nabubuhay sa mundo at wala akong ginawa kundo hintayin ang pagkamatay ko. Kinuha ko sa bulsa ang mga liham nya para sa akin.

Naiiyak parin ako habang binabasa ang mga yun .Nababading na ata ako eh kase lagi na lang akong umiiyak. Sana pala tinutukan ko lang si Francess noon sa panliligaw edi sana naging kami pa.

Francess kung na saan ka man ngayon sana masaya ka dyan. Ibinalik ko ang mga liham at naglakad na papuntang kotse ko. Papunta ako sa plasa dahil may kailangan akong gawin dun.

"Kuya ang tagal mo naman dun. Baka mamaya multuhin kana ni ate Francess pag namiss kanun lalo" pagkapasok ko sermon nya agad ang bumungad sa akin. Kahit kailan takaga mareklamo tong kapatid ko.

Hindi ko sya tunay na kapatid kase ampon lang sya pero tinuturing ko syang tunay na kapatid. Sya nga pala si Andrea. 12 years old na sya at kasalukuyang birthday nya ngayon kaya may handaan ngayon sa plasa.

Nang makarating kami dun ay hindi nagkamali ang iniisip ko na maraming tao ang dadalo.

Dahil sawa na ako sa maraming tao ay pumunta ako sa kabilang bahagi ng plasa. Naka Cap ako at may neck tie. Nakalimutan kong magpalit kanina kaya ito parin ang suot ko.

Wala masyadong tao dito. Kinuha ko yung Pocket Notebook na binigay sa akin ni Francess. Nung una na weirdohan ako dun kase bigla na lang may ibang nakasulat dun.

Nung una akala ko si Francess pero hindi pala. Hindi sya nagpakilala sa akin pero ako sinabi ko.

Naging magkaibigan kami. Siguro kaya din  sa akin binigay ni Francess ito ay para pagwala akong makausap ay sya na lang. At ngayong masaya na ako sa buhay ko tingin ko kailangan ko ng ibigay to sa iba.

Umupo ako sa isang bench dun at nagsukat sa Pocket Notebook.

'Bye'  yun lang yung nilagay ko.

Nagulat ako ng may biglang umupo sa tabi ko. Isang babae, umiiyak sya. Tingin ko nahanap ko na kung kanino ko ito ibibigay. Tumayo ako at iniwan dun yung PocketNotebook kasama yung ballpen.

Hindi pa ako masyadong nakakalayo ay tinawag na nya ako. Hindi ako lumingon pero timigil ako sa pag lalakad.

"Dyan ka lang, sayo na yang pocket notebook. Tingin ko kase hindi ko na yan kailangan pa,tyaka mas bagay yan sayo lalo na ngayon" sabi ko at nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Papunta na ako sa place kung nasaan yung handaan. Marami akong nakakasalubong na tao. Maganda pa rin ang plasa at may malaking bangkaan na rin dito.

Ngayon din pala yung araw na nangyari yung aksidente. Kaya kanina ako pumuntang sementeryo.

Dito sa lugar na ito sya nawala. Nabangga sya ng truck sa may kalsada. Nakakalungkot mang isipin pero kailangan tangapin. Naglibot libot pa ako dito at nagmasid masid.

Habang naglalakad may nakita akong babae. Tumatakbo sya pero hindi ko makita yung mukha nya kase nakaharang yung buhok nya. Hindi sya tumitingin sa daanan kaya---

*Booghs*

"Aray" agh ang bigat nya.

Pagmulat ko ang awkward ng posisyon namin. Sya yung nasa taas ko habang ako yung hinihigaan nya. Napatingin ako sa mukha nya at nagulat ako dahil kamukha sya ni Francess.

Wala man lang umiibo sa amin at yung mga luha nya pumapatak sa pisngi ko. Bigla na lang tumibok ng mabilis yung puso ko.

Naalala ko sa kanya yung time na umiiyak si Francess.

Hindi ako masyadong makahinga. Parang sya kase si Francess. Kamukhang kamukha nya si Francess.

Nang malaman nya kung ano yung pwesto namin ay agad syang tumayo. Tinulungan nya rin akong tumayo.

Sobrang kahawig sya ni Francess. Kuhang kuha nya yung facial features nya pati sa katawan. Mas matangkad ako sa kanya at sya naman ay mga hanggang balikat ko lang.

"S-sorry sa kanina" nakatingo sya nung sinabi nya yun. Pati sa pagsasalita kahawig.

Napakamot ako sa batok ko " hehehe ayos lang yun. Ako nga pala si Cap Crown. And you?" Inabot ko sa kanya yun kanan kong kamay para makipag hand shake.

"A-ako nga pala si Fran--" hindi na nya natapos yung pagsasalita nya dahil may biglang humila sa kanya.

Sinundan ko na lang sya ng tingin. Hindi pa rin ako makapaniwala na parang na buhay ulit si Francess kanina sa katauhan nya.

May na ramdaman akong humihigit sa damit ko kaya napatingin ako dun. Mukha syang mabait na bata.

Isa syang babaeng maikli ang buhok na may hawak na teddy bear. Tinignan ko sya ng mabuti at ngumiti sya sa akin ng sobrang creepy.

" ikaw na ang susunod"

THE END

Started: November 10,2014
Ended: December 24,2014

-------------------------------------------------------------

Huhuhu so eto na yung ending. Hahaha di ba bitin. Chos. Salamat sa mga sumuporta kahit alam kong unti lang sila. Salamat sa nagbabasa, nakabasa na at sa mga magbabasa palang. Kung itatanong nyo po kung may book 2 o ewan ay meron po.

Pero hindi ko pa po sya i papublish dito sa watty. Tyaka hindi po sya continuation nito. Tungkol naman sya kay Yuan.

Mag comment na lang po kayo kung may tanong kayo ha.

This is the author signing out

Ate Rowkie

Liham Para sa KanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon