Curse

213 16 0
                                        

Someone's Point of View

Matagal na akong nabubuhay dito sa mundo hangang tumanda ako. Maraming nag-iba sa mga kabataan ngayon. Lahat sila matitigas na ang ulo.


Katulad na lang nitong binabantayan ko ngayon. Malapit na syang mamatay pero hindi nya parin nahahanap yung hinihiling ko.

I am the guardian of this curse in the pocket notebook. Ako ay nagpapangap na matanda para kaawaan ako ng mga tao at kunin nila ang pocket notebook o sa tagalog ay maliit na kwaderno.


Ang pocket notebook na ibinigay ko sa isang babaeng nag ngangalang Francess ay may kapares pang isa. Parang susi at padlock lang.

Kay langan nilang mahanap ang isat isa para mabuhay pa sila ng matagal. Pero sa kaso ni Francess at ng isang lalaking binabantayan ko din ay hindi ata nila yun magagawa.

Ayoko na nga nitong trabaho ko kase marami na akong nakikitang unti unting pinapatay ng sakit or ng aksidente. Kaya ngayong araw na ito, kay langan ko na silang pagsabihan na onting araw na lang ang nalalabi.


Humarap ako sa salamin ko, hindi to pangkaraniwang salamin. Isa tong traveler mirror.

" Bring me to Francess " nakita ko si Francess na kasalukuyang nasa library ng paaralan nila. Pumasok ako sa salamin at madaling nakapunta sa kinaroroonan nya.


Tinaas ko ang braso ko at nag snap ako ng daliri ko para tumigil ang oras, pero pinanatili kong gumagalaw si Francess.


" Francess" agad syang napatingin sa akin at mukhang gulat na gulat syang makita ako.

Mukha ba akong multo?

Lumapit ako sa kanya at sya naman naka stay lang sa lugar nya.

"Hayaan mo akong magpakilala, ako si Lola (low la ang bigkas). Isang beses na kitang pinagsabihan nun pero dinead ma mo lang ako. Francess  malapit na ang oras mo kaya kaylangan mo ng mahanap ang kalahating bahagi ng ibinigay ko sayo"

" Ako po mamamatay? Alam nyo pong may sakit ako? Paano?"


"Matagal ka ng nakasulat sa listahan ko at ikaw ang pang 20 na taong pinagbigyan ko. Lahat ng tao bago ikaw ay hindi naputol ang sumpa. Kaya nananatili sa kanila ng sakit nila o walang oras na pinipili na pagpatay"

"Ano po bang dapat kong gawin?"


"Hanapin mo ang taong may hawak ng isang bahagi ng Pocket Notebook na ibinigay ko sayo. Kahit namukha syang buo , sa huling bahagi naman ng Pocket Notebook ay may unting pilas"


"Pwede po ba kayong magbigay ng clue kung san ko to mahahanap?"

" So close to you that you always have ,but the blood is not pure to see inside, sana ma solve mo agad yan bago kayo magkita ng taong mahal mo"


"May iba pa po bang paraan para mawala ang sumpa?" hindi naman mahirapa ang pinapagawa ko sa kanya pero--


"Meron" may isang tao din ang nagtanong sa akin nito pero hindi sya nagtagumpay.


"Ano po yun?"

" Kaylangan mong patayin ang taong pinaka malapit sayo kapalit ng buhay nya ang pagkabuhay mo ng matagal. So gagawin mo ba?"


"Ayokong pumatay kaya gagawin ko na lang ang una mong sinabi"


"So maayos na ang usapan natin, sige maari ka ng bumalik sa ginagawa mo pero tandaan mo, wag na wag kang magpapakita sa taong mahal mo kundi may mangyayaring hindi kanais nais" agad akong umatras para makabalik sa dating lugar ko.

Hay sana mag tagumpay sya

-------------------------------------------------------------------

Hi guys sorry di ako nakapag ud kahapon. Busy kase ako dahil sa choir namin, suprano pa naman xD. Thank u nga pala sa mga nag vovotes and comment. Oo nga pala happy 17.7 k


Merry Christmas ng advance sa inyo :)

Liham Para sa KanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon