Hi
Kanina habang naglalakad kami ni Chris sa LRC dahil inutusan kaming ihatid ang isang bagay. Nung una may mga boses kaming naririnig.
Tapos nung nakarating na kami sa 2nd floor hinarang na ni Chris yung daan at sabi nya sa iba na lang daw kami dumaan. Dahil makulit ako hindi ko sya sinunod, bagkos dumiretso lang ako.
At alam mo ba yun ang pinakatanga kong ginawa sa araw na ito. Kase ang sakit nung nakita ko. Akala ko ba ako yung nililigawan mo?
Pero bakit nakita ko kayong nagkiss
Hindi ako makagalaw non at nagbabadyang tumulo yung mga luha ko. Buti na lang at nandun pa si Chris. Hinila nya na yung kamay ko at nagpadala na lang ako kung saan nya ako dalhin.
Napunta kami sa Science garden. Hindi ko na napigilan yung luha ko. Tuloy tuloy na pag agos, yun ang ginawa ng mga lintik kong luha. Bakit ko pa ba yun kaylangang makita?
Nung mga oras na yun, nandun si Chris nung wala ka Cap. Bakit hindi ko parin mapilit yung sarili kong tumigil sa pagiyak. Hinagkan ako ni Chris at hinayaan nya lang ako umiyak sa balikat nya.
Sabi nya sa akin na kapaghanda na daw akong tumigil nandyan lang daw sya. Nung una hindi ko yun naintindihan pero alam ko na yung ibig sabihin nya.
Ps. Handa na kaya akong sunugin lahat ng sulat ko sayo at kalimutan ka? Alam kong OA ako pero marami ka ng muthihibong pinapakita na pinaglalaruan mo lang ako.
A stranger,
Francess
BINABASA MO ANG
Liham Para sa Kanya
Teen FictionIsang babaeng tanging sa isang yellow paper lang sinusulat ang mga karanasan tungkol sa crush nya at sa kanyang highschool life. Isang babaeng nag-aalay ng Liham para sa kanya. Ps. Basahin nyo po muna ang pocket notebook na story bago ito :)