Tanghali na ngayon at ang ingay ingay ng mga tao dito sa classroom. Kase naman laging late si ma'am De chavez. Tingin ko busy yun?
"Good Afternoon Class!"pagbibiro ng kaklase kong si Diniel mula sa pinto.
Napailing na lang ako ng makita ko si ma'am na nasa pinto na din pala.
"Anu yan Mister De chavez? Katukayo panaman kita" napakamot nalang sa ulo si Diniel.
"Good Afternoon ma'am de chavez" bumati kami kay ma'am at nagsimula na ang klase.
"okay mag kakaroon tayo ng activity by pair. Babae sa lalaki, kase iingay lang paglalaki sa lalaki at babae sa babaeh.So let's start?"
Wahh! Sino kaya pwede kong ipartner? Hindi naman pwedeng ako ang gumawa ng move no! Nakakatamad kayang tumayo.
Nakita ko na papalapit si Cris at... Kras?! Papunta sa akin.
Palapit ng
Palapit at
Bakit bigla syang lumiko? :(
"Pwede ba kitang maging partner?" sabi ni Cris sa akin habang ako naman nakatingin lang kay Kras na ngayon ay katabi na ni Mimi.
Wahhh ang sakit naman TT3TT
End of scene 5

BINABASA MO ANG
Liham Para sa Kanya
Teen FictionIsang babaeng tanging sa isang yellow paper lang sinusulat ang mga karanasan tungkol sa crush nya at sa kanyang highschool life. Isang babaeng nag-aalay ng Liham para sa kanya. Ps. Basahin nyo po muna ang pocket notebook na story bago ito :)