Sawakas nakarating narin ako dito sa Neomall. Nakasuot ako ng skirt na kulay blue na hangang tuhod, nag belt din ako ng kulay brown at nagloose shirt din ako. Hindi naman ako magaling magterno ng damit kaya eto ang kinalabasan. Pero ayos lang din naman daw sabi nung kapatid ko.
Habang naglalakad ako nakita ko si Cap sa may foutain na nakaupo sa isang bench. Ala kanina pa kaya sya dito? Nilapitan ko na sya para makasigurado ako.
" Hi Cap kanina ka paba nan dito? sorry pinaghintay pa kita ha " dahan dahan syang napatingala at namangha.
"Ngayon lang kita nakitang ganya .Sa katunayan kanina lang ako nakarating dito. You know what you're so beautiful with your dress" wahhh! staph et! .
"Cute" bulong nya "So tara na?"
"sige" hahakbang na sana ako paabante kaso bigla nyang hinawakan yung kamay ko at sinabayan akong maglakad.
" Takot ka ba sa mga rides?" tinignan ko sya at umiling.
"Gusto ko ngang nakasakay dun nung bata pa ako kaso masyadong mahigpit si mama sa akin kaya hindi ako masyadong nakakalabas" lagi kasi akong pinapafocus ni mama sa pag aaral simula nung na dedo si papa.
"Gusto mo sakay tayo sa mga rides dito?" tumigil kami saglit at tinignan ako ni Cap. Tunaw na ako dito.
"Wahh! Talaga? shempre naman. Thank you" ewan ko pero nagkusa yung katawan kong gumalaw at nayakap ko sya.
"Sorry" nagbitaw agad ako sa yakap at nahiya. Shiz sobrang nakakahiya na talaga to.
"Ayos lang. Hindi naman yun yung firstime na niyakap mo ako. Tayo na ulit" kunuha nya ulit yung kamay ko at nagpatuloy kaming maglakad. Tinitignan ko lang sya at napansin kong namula yung mukha nya habang nakangisi.
Did I really see him blush?! o guni guni ko lang yun?
Una naming pinuntahan ay Horror ride. Wah first time kong makasakay sa ganito at ang swerte ko kase si Kras ang kasama ko.
Habang nakasakay kami ang daming nakakatakot na bagay at tao ang nakita ko. Halos lahat ng babae dito umiirit at ang sakit sakit sa tenga.
Imbis na magulat ako dahil may mumu or something eh mas nagulat pa ako sa biglaan nilang pagsigaw. Takot din naman ako pero tahimik lang ako pagnatatakot. Hinawakan ko na lang ng mahigpit ang kamay ni Cap para hindi ako masyadong matakot.
Napalingon ako sa mga taong nasalikod at tignan mo nga naman yung mga lalaki tuwang tuwa at lahat ng date nila ay nakayakap sa kanila.
"Chansing" bulong ko.
Pagkatapos namin sa Horror ride ay sa roller coaster naman kami pumunta.
Nung nasa pilahan kami nakita ko si Drea at Shyra na bumibili din ng ticket. Tingin ko napansin nila ako pero hindi itong kasama ko.
" Uy Francess bat ka napa pasyal dito? sinong kasama mo?" tanong ni Drea.
" Wa--" magsasalita na sana ako kaso
"Francess nakabili na ako ng---" napatigil sya at napatingin kayla Drea.
"Are you guys dating?!" sabay nilang sigaw at yung ibang nakapila napatingin samin. Ayoko pa naman ng maraming atensyon.
"N--" magsisinungaling na sana ako pero pinigilan ako ni Cap.
"Yes. But don't think to much, it's just a friendly date. Wag nyong sasabihin sa iba to kung gusto nyo pang mabuhay tong si Francess kase siguradong susugudin sya ng mga fans ko" Tumango na lang sila at sumakay na rin sa ride.
Ouch medyo masakit yung part na 'Its just a friendly date' nya ha. Such word much hurt.
Pagkatapos naming masakyan lahat ng ride sa neomall ay pumunta naman kami sa isang resturant dun.
Umupo kami sa table na nasa may glass kung saan kita ang mga taong naglalakad sa mall.
" Good afternoon ma'am, sir. Would you like to take some order?" lumapit sa amin ang isang babae at ibinigay ang menu. Tinignan ko ang name tag nya.
'Miss Glaiza'
" Give me this and this for two please"
"Okay sir"
Nang maihatid na ang mga pagkaing inorder ni Cap namangha ako dahil halos lahat ng mga yun ay mamahalin.
"Kain na "
"Bakit ang mamahal ng inorder mo?"
"Wala lang, baka kase nagutom ka ng pagsakay natin sa mga rides"
"Bakit parang ang bait mo sakin ngayon? Hindi ako sanay"
"Bakit mas gusto mo bang binubully na lang kita tulad nito"kumuha sya ng icing at ipinahid sa ilong ko.
"Abat. Ikaw ha. Akala mo hindi ako maalam nyan" kumuha din ako ng icing at ipinahid sa pisngi nya.
Natigil na lang kami ng napadaan si Mhel sa may glass. Lumingon ako sa ibang direksyon para hindi nya ako makita.
Napansin ko na nakapasok na sya at pumunta sa pwesto namin.
"Oh bat ganyan ang mga itsura nyo. Pasali ako" tumayo ako at parehas silang napatingin sa akin."Cr lang ako" Dali dali naman akong pumunta sa cr.
Hinugasan ko ang mukha kong may icing. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at namumutla na pala ang mukha ko. Lumabas ako ng Cr at naabutan kong wala na dun sina Mhel at Cap.
--------------------------------------------------
End of scene 12

BINABASA MO ANG
Liham Para sa Kanya
Teen FictionIsang babaeng tanging sa isang yellow paper lang sinusulat ang mga karanasan tungkol sa crush nya at sa kanyang highschool life. Isang babaeng nag-aalay ng Liham para sa kanya. Ps. Basahin nyo po muna ang pocket notebook na story bago ito :)