*weee hhooo wee hoo*
"Please lumaban ka!" Binuksan ko ang mata ko at nakita ko sila Yuan, ang doktor, nurse at si Cap.
Ewan ko pero naluluha ako ng nakita ko sila. May hinatid silang isang katawan ng babae papuntang ER. Nababalot ng dugo ang mukha at madaming galos ang natamo nito. Naawa ako sa kanya.
"Nakilala mo ba kung sino yun?" Naramdaman ko na may biglang tumabi sa akin. Tinignan ko ito at agad kong namukhaan.
" Hindi eh. Ano bang nangyari dun Lola?" Ngumiti sya sa akin at nagsimula na syang maglakad.
"Lola teka lang! Saan ka pupunta?" Sinenyasan lang nya ako na sumunod sa kanya.
Habang naglalakad kami nag iiba naman yung lugar. Napunta na lang kami sa isang lumang bahay. Teka natatandaan ko to ah. Puro kahoy lang ang ding ding at may hagdan papunta sa taas. Puro alikabok at sapot ang nakikita ko dito.
"Natatandaan mo ba tong lugar na to?"
"Oo, diba ito yung dati naming bahay?"
"Tama ka. Ito yung bahay nyo bago mamatay ang tatay mo" bigla namang bumigat ang pakiramdam ko.
Maraming ala ala ang naiwan dito. May masaya, malungkot at nakakatuwang balikan. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Pinunasan ko agad ito kase baka makita ako ni Lola.
"Francess may gusto akong aminin sayo" lumapit sya sa akin at hinawakan nya ako sa balikat.
"Anu yun?"
" Dati bago akong maging ganto sa buhay ko. May isang tao akong minahal" umupo kami sa upuang kahoy na nasa tabi namin. Tahimik lang akong nakikinig sa kanya.
"Matalik ko syang kaibigan kaso may pamilya na sya. Mahirap ang sitwasyon namin nun. Hindi alam ng pamilya nya na kanakasama ko rin sya. Nang nagkaroon kami ng anak... Hiniwalayan nya ako. Ang sabi nya nakokonsensya daw sya sa pamilya nya at lalo na daw sa asawa nya. Tapos may nakilala akong byudong lalaki. May apat syang anak sa mga aras na yun ay pinagbubuntis ko pa lang anak ko sa lalaking mahal ko" halatang mahirap ang pinagdaanan ni Lola noon"
Nagpakasal kami at naging stepmom ako ng mga anak nya kaso parang ayaw nila sa akin. Lumipas ang mga araw at manganganak na ako. Nahirapan ako at namatay" nabigla ako sa sinabi nya pero agad naman akong naka recover.
" Francess, ako ang nanay ni Yuan at ako din ang kabit ng tatay mo"
Hindi ko alam ang i rereact ko. Imbis na gusto ko syang sabunutan o saktan, naisip ko na wala rin naman akong mapapala. Hindi na rin naman mababago ang nakaraan diba?
Nakatingin lang sya sa akin at parang naghihintay sya ng reaction.
"Wala kabang gustong ipula sa akin?" Umiling ako
"Saktan? Murahin?"
Umiling ulit ako.
"Sorry sa mga nangyari" niyakap nya ako. "Akala ko sasapakin mo ako o kung ano. Nagmana ka pala sa papa mo" humiwalay sya sa akin at biglang nagseryoso ang mukha nya.
"Francess, malapit na ang oras mo. At ngayon din ang tamang oras para pumili ka"
"Ano pong sinasabi nyo?"
"Gusto mo bang mabuhay pero ang kapalit nun ay ang buhay ng anak ko? O mas pipiliin mo ng magpahinga?"
"Pwede bang puntahan muna natin si mama, ang mga kaibigan ko, si Yuan at tyaka si--Cap?" Saglit syang nagisip at tumango.
"Ikaw ang bahala pero sa pagpatak ng 7:30 dapat nakapag isip kana" agad syang nawala.
Naglakad lang ako at inisip kung nasaan si mama ngayon. Nakarating ako sa waiting area sa isang ospital. Nakita ko sya dun na nakaupo at para syang nag pre pray.
Nilapitan ko sya, naiiyak ako. Umiiyak din kase sya. Ito yung iniisip ko eh. Kung anong reaction ng taong mahal ko kapag nawala na ako eh. Ganto pala kabigat. Kahit na alam king hindi ako makikita o mararamdaman ni mama ay niyakap ko sya.
Himiwalay ako sa pagyakap at napansin ko yung reaction ni mama.
"Francess, ikaw ba yan?" Umiiyak na talaga ako ngayon.
"Opo ma *snif* ako po to *snif* bye ma. Mahal na mahal kita. Kahit wala ka lagi sa tabi ko ikaw parin ang the best na mama na nakilala ko"
Tinakloban ni mama ang mukha nya gamit ang dalwa nyang kamay.
"Anak huhuhuhu wag mo kong iwan huhuhu mag isa na lang si mama" masyado ng mabigat ang pakiram dam ko. Bago ako umalis dun ay niyakap ko ulit at hinalikan sa noo si mama.
Bye ma sorry hindi ko matutupad ang hiling mo. Hindi kase ako nagtagumpay eh. Naglakad ako at inisip ko ang bahay ni Mimi.
Nakita ko syang nakadapa sa kama nya. Umupo ako dun at napansin ko yung cellphone nyang bukas. Nabigla ako sa nabasa ko dun.
'Im sorry, I don't love you anymore'
"Wahh! Nakakainis ka talaga! Kung kaylan mahal na mahal na kita tyaka mo sakin sasabihin yan! Tang*** mo na man pak** ka!" Pagkatapos nyang sabihin yun ay umiyak ulit sya pero nakaupo naman.
Umiling na lang ako. Niyakap ko sya.
"Mi sorry hindi na kita masasamahan ngayon. Ma mimiss kita mi" hinalikan ko sya sa noo at tyaka ako naglakad ulit.
Pupunta naman ako kay Chris. Kasalukuyan syang kasama ni Kendrei. Nasa kotse sila at napakatahimik. Nasalikod ako nakaupo ngayon habang sila ay nasa harap ko.
"Bakit kailangan nya pang mawala" sabi ni Chris. Diretso lang ang tingin nya sa daan.
"Wala na tayong magagawa. Nangyari na Chris. Ipaubaya na natin sa diyos ang kaluluwa nya" halatang nag aalala si kendrei kay Chris.
"Tama ka Kendrei, nakakalungkot lang isipin na wala na yung taong pinaka mahalaga sa akin" napaluha na lang si Chris.
"Kahit na masakit sa aking iwan ko to, wala eh hindi ko na mapapahaba ang buhay ko chris"
Napapreno naman si Chris. "Ken- narinig mo ba yun?"
"Ang alin?"
"Si Francess" napangiti ako. Lumapit ako sa kanya at bumulong.
"Salamat sa lahat" hinalikan ko sya sa pisngi at tyaka umalis.
Kay Yuan naman ako pupunta. Nakita ko sya sa may altar. Tahimik lang sya. Tumabi ako sa kanya.
"Lord, ako na lang po ang kunin nyo. Mabait po si Ate. Hayaan nyo pa po syang mabuhay. Mahal na mahal ko po si Ate" nakatulala lang sya at pumapatak na yung mga luha nya.
Niyakap ko sya. "Yuan isa ka sa mga mahalaga sa akin. Nakapag desisyon na ako"
Bigla na lang akong napunta sa ibang lugar. Puro puti na lang ang nakikita ko. Nakita kong papunta sa direksyon ko si Lola.
"Nakapag desisyon ka na diba? So handa kana?" Umiling ako.
"Pwede bang magsulat ka ng liham para sa 'kanya' alam ko kaseng tapos na ang oras ko. Kaya sana magawa mo yung sinasabi ko bago ako mawala"
"Sige ba"
"Ito ang ilagay mo"
--------------------------------------------------------------------------
Huhuhu guys malapit ng mag christmas at malapit na rin itong matapos. Thank u sa mga nag suport sa storing ito.
Thank you for reading
-Ate Rowkie

BINABASA MO ANG
Liham Para sa Kanya
Novela JuvenilIsang babaeng tanging sa isang yellow paper lang sinusulat ang mga karanasan tungkol sa crush nya at sa kanyang highschool life. Isang babaeng nag-aalay ng Liham para sa kanya. Ps. Basahin nyo po muna ang pocket notebook na story bago ito :)