Mga ilang araw ang lumipas at nagsabado na. Sawakas at matatapos narin ang sumpa namin ni Yuan. Ngayon kami mag tatagpo nila yuan at Lola.
Mga ilang araw din ako hindi nakatulog kakaisip ng mga mangyayari ngayong sabado. Tumayo na ako at kumuha ng damit sa closet ko. Pinili kong mag jeans at white shirt na may nakaprint.
Naligo na ako at nagbihis pagkatapos ay nagpaalam kay mama na umalis. Dinala ko narin yung pocket notebook. Tinext ko narin si Yuan na papunta na ako.
Pagkarating ko dun ay marami akong nakitang mga truck na naka park sa gilid ng kalsada. Mukhang sila yung nag deliver ng mga speakers para sa event na mangyayari mamaya. Marami rin ang tao dito sa Plasa.
Natandaan ko tuloy na birthday ng mayor namin. Kaya pala mukhang engrande ang mangyayari. Bigla kong naisip kung anong gagawin ko pagkatapos mawakasan ang sumpa. Babalik kaya ako ulit sa dati kong ginagawa?
Ang dami talaga ng tao at hindi ko mahanap si Yuan. Nag reply sya na nasa may garden lang daw sya dito. Nag lakad ako papunta dun at sinubukan hanapin sya.
May nakita akong batang umiiyak. Walang ibang pumapansin sa kanya. Parang walang nakakakita sa kanya na tao kase wala namang lumalapit para tulungan sya. Dahil nasabi ko na rin lang, ako na ang lalapit sa kanya.
Nang malapit na ako sa kanya ay lalong lumalakas ang iyak nya. May hawak syang teddy bear na kulay brown at maikli lang ang buhok nya.
"Bata nawawala kaba?" hinawakan ko sya sa magkabilang balikat nya. Agad na man syang tumigil sa pag iyak at tinignan nya ako.
Ang sama ng tingin nya sa akin. Nakita nya yung hawak kong Pocket Notebook at bigla na lang nya yun hinawakan. Buti na lang at mahigpit ang pagkapit ko dun. Pilit nya sa akin inaagaw ang yung Pocket Notebook.
Tinignan ko sya at bigla na lang nagiba yung mukha nya. Yung mukha nya puro tahi at yung mata nya paluwa na at kulay pula ( para syang may sore eyes). Binuka nya yung bibig nya at kakagatin nya sana yung kamay ko na may hawak ng pocket notebook kaso agad kong binitawan yung hawak ko.
Pagkabitaw ko ay agad naman syang tumakbo papuntang kalsada. Madami ba akong nababanga na tao pero wala akong pake. Ang mahalaga ngayon ay ang makuha ko yung kailangan ko.
Pagtingin ko sa kabilang bahagi ng kalsada ay kinabahan ako. Patuloy parin ako sa pagtakbo habang pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Nakita ko si Yuan dun at kasama nya si...
Cap.
Nakita ko na tumawid yung bata at ganun din ang ginawa ko pero ng nasa kalsada na ako ay may truck ba biglang sumulpot. Nasa gitna ng kalsada yung bata. Tumigil sya dun at hinarap nya sa akin yung pocket notebook.
Nagsalita sya pero hindi ko pakinig pero naintindihan ko sa mga pagbuka at sara ng bibig nya.
'Time is up'
*Peeeeeeiiiipppp!!!!*
Nakita ko naparang nag so slowmo lahat. Kahit sila yuan at cap nakatingin sa akin. Bigla naman nawala yung bata kanina pero nasa daan yung pocket notebook. Parang nag fla flashback lahat ng nangyari sa buhay ko.
*Boogsh*
--------------------------------------------------------------------
Hi guys pasensya na kung bitin ha. Salamat po sa mga nagbabasa magbabasa at nakabasa na nito. 2 parts na lang po at matatapos na ito.
Salamat po sa suport at thank u sa pagbabasa.
Ate Rowkie

BINABASA MO ANG
Liham Para sa Kanya
Teen FictionIsang babaeng tanging sa isang yellow paper lang sinusulat ang mga karanasan tungkol sa crush nya at sa kanyang highschool life. Isang babaeng nag-aalay ng Liham para sa kanya. Ps. Basahin nyo po muna ang pocket notebook na story bago ito :)