CHAPTER 1

1.3K 18 0
                                    

Chapter 1

Blind Date 

'TAKE OFF OF YOUR SHIRT IN A SEDUCTIVE WAY'

What?!

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nakasulat sa isang sticky note na nakadikit malapit sa doorknob ng pinto. Bumungad ito sa akin pagkalapit ko dito.

Bigla akong kinabahan. In fact, kanina pa ako kinakabahan habang paakyat ng 13th floor kung nasaan ang patutunguhan ko.

Unang beses ko itong gawin, ang pumayag na makipagdate sa mismong unit ng maging kablind date ko. Hindi ko pa siya kilala o kahit nakita man lang sa litrato. It was something forbidden since it's a blind date, that's according to my friends.

Hindi ako ang may pakana sa date na ito kundi ang mga kaibigan ko. Pero kahit alam kong hindi lang date ang mangyayari, ay napapayag pa din nila ako.

Napahigpit ang kapit ko sa sling ng shoulder bag ko saka bumuga ng marahas. Pilit na pinapakalma ang sistema kong naghuhuramentado sa kaba. Pumayag ako kaya dapat ko itong panindigan. Pero inaamin kong nag-alinlangan akong tumuloy. My mind was battling and it's driving me nuts. Siguradong mapapatay ako ng kapatid ko kung malaman niya ito at lalo na ang mga magulang ko.

Marahas ulit akong huminga at inalala kung bakit ako nandito. Ilang beses na akong sinet-up ng mga kaibigan ko sa mga blind date dati pero walang nangyari. Walang naging successful. Walang nagwork out. Walang lalaking nagtagal sakin. Hindi ko alam kung ako ba ang may mali dahil tumatagal lang ng tatlong araw ang kadalasan sa naging mga kadate ko. Sila din ang unang bumitaw. Hindi ko rin naman sila pinigilan dahil hindi ko naman ugali ang ipilit ang sarili sa taong ayaw sa akin. Isa pa, wala akong masyadong oras sa mga naging kadate ko, bagay na medyo pinagsisihan ko nang konti. Kahit nasa date ako, nagtatrabaho pa rin ako through my phone kaya siguro umayaw sila sa akin. Masyado akong boring kaya walang nagtagal.

Isang kadate ko ang humiling na makipagsex sakin. Bigla ko siyang sinampal. Nabastusan ako sa tanong niya dahil nasa harap kami ng pagkain.

Inaamin kong gustong-gusto kong makaranas ng sex pero sadyang wrong timing yung pagkakatanong niya. At doon ko naalala na nasa exclusive restaurant kami at lahat ng nandoon ay nakatingin sa amin nung ginawa ko iyon.

Bigla akong nahiya sa ginawa ko pero mas lalo ko siyang napahiya. I could clearly remember that he was one of the best architects in the country and the talk of the town for being not just a successful architect but also for having good looks. But I was so stupid to slap the man that most women worshipped for.

Mabilis siyang tumayo at walang -lingon na umalis. Ni hindi man lang nagpaalam. Iyon ang panghuli kong date. Wala na akong balak sundan pa iyon dahil naisip kong mag-fucos nalang sa botique ko. Naisip kong hindi ko siguro kailan man magampanan ng maayos ang pakikipag-date ko dahilan kung bakit walang naging successful. I was determined to give up and probably just wait around the corner until fate comes along with the right guy at the perfect time. The time where I become successful already so I can take and spend all my time I have without thinking and worrying other things.

Pero nung isang araw lang ay ito na naman sila, ang mga supportive kong mga kaibigan. Panibagong blind date na naman ang sinet-up nila para sakin. Gulat na gulat ako no'ng inanunsiyo nila ito sa akin. I hadn't expected another date after months of trying.

"Guys, come on! Don't you think it's a little dangerous? Natatakot ako. We don't know this man and yet you've asked me to come to his unit. And what kind of blind date is this?! Ba't kayo pumayag na ako yung pupunta sa lugar niya?! Ako talaga? Seriously? What if killer ang taong ito? O di kaya ay rapist o hold-upper?! Tapos papatayin niya ako after niya akong pagsamantalahan!" sunod-sunod na reklamo ko sa kanila.

Blindfold  (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon