CHAPTER 4

823 16 0
                                    

Chapter 4

Hickeys

"Good morning." Bati ni Zyion sakin nang maabutan ko siyang nagkakape sa kusina.

Maaga akong nagising kinabukasan para pumasok sa trabaho at I was hoping na may reply akong natanggap.  Pero wala. Well, sino ba ako para paglaanan niya ng oras? Kaya binalewala ko nalang din yun kahit medyo nanikip ang dibdib ko.

I only wore a bathrobe when I went to the kitchen to get some water.

"Morning," tipid kong sagot habang nagsasalin ng tubig sa baso.

Tumingin sakin si Zyion na parang sinusuri ako. I looked away. 

May nahalata ba siya sakin?

"Woke up on the wrong side of the bed?"

Tumingin ako sa kanya at matiim pa rin siyang  nakatingin sa akin. I looked away again while drinking my water.

"I'm just tired." I answered him at nagsalin ulit ng tubig.

Humigop muna siya ng kape bago nagsalita.

"Tired? Hindi ka natulog?"

Napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Of coarse I did. Its just that I had a tiring day yesterday-"

"With your guy?" putol niya sa sasabihin ko. "Tell me it's Axl, right? Kaya ka nagtanong sakin tungkol sa kanya?"

"You knew him?"

"Siya ang kadate mo kahapun?" sa halip ay tanong niya.

Napaiwas ako ng tingin. "Ni-nireto lang nila yan sakin. At oo, siya ang kadate ko kahapun."

"I don't think I'll like him," mabilis niyang sagot.

Napatingin ako sa kanya at nakitang seryoso ang kanyang mukha. Nagiguilty tuloy ako na hindi ko masabi-sabi sa kanya ang nangyari.

"Pang-playboy ang pangalan niya," dagdag niya.

Mahina akong tumawa.

"Ano ba yang pinagsasabi mo? It was only a date for goodness's sake. Nothing serious is going to happen," hilaw akong tumawa kahit na ang totoo ay nanikip ang dibdib ko.

Mariin niya akong tinignan. "I mean, ayoko lang masaktan ka. Hindi ko sinsabing masama kaming mga lalaki. Sinasabi ko lang na hindi lahat ng lalaki matino. At saka, pwedeng bang tumigil kana sa blind date - blind date na yan? Panu kung masamang tao yung makadate mo at pagsamantalahan ka lang?"

"I can take care of myself Ion. And besides, my friends won't set me up on a date with a guy na pwede akong mapahamak. Hindi sila ganoong klaseng kaibigan."

"I know that. Pero paano nga kung makachamba ka ng lalaking mapagsamantala? Iiwan ka pagkatapos makuha ang gusto niya sayo."

Natameme ako sa sinabi niya. Malaki ang point niya doon. Paano nga kung hindi na magparamdam yung Axl na yon kasi nakuha na niya ang gusto niya sakin.

"I know. Don't worry, nag-iingat naman ako," I assured him.

He sipped on his coffee at tumingin ulit sakin.

"Hindi mo pa rin ba matanggap na hindi talaga magworkout sayo yang blindate na yan?" mahina siyang tumawa. "Siguro, tatanda ka nang dalaga."

Pinandilatan ko siya. Malakas naman siyang tumawa.

"Biro lang."

Hinugasan ko ang baso saka nilagay sa lalagyan.

"I have to go to work. May pasok ka diba? I can drop you off," pag-iiba ko.

Blindfold  (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon