Chapter 6
Kiss
Nadisappoint ako maging sila Snow nung mabasa namin ang reply niya.
09****: Kakaalis ko lang. I just dropped by to fetched a friend when I saw you. Parang may girls talk kayo with your friends kaya hindi na ako nag-abalang lumapit pa.
"Akin na nga yan," hinablot ni Winter ang phone ko. "Ako na magreply."
Hinayaan ko nalang siya. My chest tightened at the thought that he had no intention of introducing himself since he had already gotten what he wanted. It's not a valid excuse that he saw me talking with my friends and decided not to approach me.
Mabilis kong ininom ang alak na nasa baso at mapait na ngumiti.
"Ohh, ayan na," inabot muli ni Winter sa akin ang phone.
Mabilis kong tinignan ang inireply niya.
Me: Wala ka bang balak magpakita? Nakakadisappoint ka. Sabihin mo lang kung hindi ka talaga magpapakita. Naiintindihan ko naman eh. Wag mo lang akong paasahin.
Napatingin ako kay Winter. Really?
"I looked desperate in this way Winter!" reklamo ko.
"Tama naman siya Zouie-"
"Hindi," pinutol ko ang iba pang sasabihin ni Demmi. "I was a virgin and guys like him obviously don't like virgin girls."
"Bakit? Virgin ka pa ba ngayon?" tanong ni Winter na ikinatahimik ko.
"Hindi na nga! Pero what if... He won't show his face to me? Nakuha na niya ang gusto niya!" sagot ko sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit pero naiiyak na ako, may kunting pagsisisi kung bakit nagpadala ako sa lalaking yun. Kung sana tiningnan ko muna ang pagmumukha niya. Ngunit tapos na at nangyari na ang lahat.
Lumagok uli ako sa bote.
"Hey, thats fine. Sinabi naman niyang magkikita pa kayo diba?" inalo ako ni Demmi. "Tama na yan. Papangit ka niyan. At kilala siya ni Jake kaya posibleng magkikita pa kayo."
Biglang tumayo si Snow.
"You know what guys. Sasayaw nalang tayo. Hindi tayo nandito para iiyak," hinila ako ni Snow patayo. "At ikaw, wag mo munang isipin yun. Magkikita din kayo maniwala ka. Kaya mag-enjoy muna tayo ngayon, okay? C'mon girls."
Pinigilan ko ang akmang paghila sa akin ni Snow.
"Sandali!"
Deretso kong ininom ang bote ng alak at mariing napapikit dahil sa nalalasahang pait. Naramdaman ko na parang sinusunog ang lalamunan.
"Argh!" Lumingon ako sa kanila at ngumiti. Napapikit ulit ako ng makaramdam ng pagkahilo pero kaya ko pa. "Let's go."
I shouldn't make it a big deal since I agreed to it as well. If he wouldn't want to show up, then fine. I won't bug him.
Nauna akong naglakad at pilit na dineretso ang lakad kahit medyo umiikot na ang paningin ko.
Sumunod sila sa akin at pumwesto kami sa gitnang bahagi ng dancefloor.
"Woooh..." Itinaas ni Snow ang kanyang kamay na sinabayan naman namin.
We were dancing wildly like there's no tomorrow. Wala kaming pakialam kung may nababangga man kami. Sumasabay ang katawan namin sa tugtog ng musika.
The dancefloor was a bit crowded but the hell we care. Sila rin naman eh. Wild din ang pagsasayaw. Ilang beses ng naapakan ang paa ko dahil sa mga dumadaan pero ilang beses na rin akong nakaapak.