Chapter 5
Doubts
Tulala akong naglakad pabalik ng boutique, naguguluhan sa mga sinabi ni Shane. Sinubukan kong habulin siya kanina pero hindi ko na siya naabutan. Siguro nakita niya ako sa condo kahapon at nasaksihan na muntik na akong makabangga.
"May gusto nga sayo si Shane kaya ganun magreact," si Snow. May pinuntahan siya sa malapit kaya napadaan dito sa boutique ko nang pauwi na. "Kung ako ba naman nakasaksi na muntik ng maaksidente ang gusto ko, magrereact din ako ng ganun."
"Bakit mo ba pinipilit na may gusto yung tao sa akin? Inaasar nga ako lagi eh. Palagi akong binubwesit non!" nakasimangot kong sabi sa kanya.
Kumuha muna siya ng chips at isinubo bago nagsalita. "Paraan lang niya yun para mapalapit sayo. Magtiwala ka, may gusto iyon sayo Zouie."
"Hindi naman yan ang issue dito. Wala akong pake kung may gusto siya sakin. Naiinis ako dun kaya hinding hindi ko yun magugustuhan," nagmamaktol kong sabi. Tumatawang umiling si Snow.
Dati pa nila ginigiit na may gusto si Shane sa akin. Well, inamin naman niya sa akin mismo na gusto nga niya ako pero babaero yun kaya hindi ako naniniwala. Isa pa, binubwesit ako nun palagi.
Tumayo ako saka kinuha ang phone sa bag ko. I-check ko lang kung may text pero nanghinayang ako ng wala akong matanggap na reply kaya binalik ko nalang ito sa loob ng bag. Inaamin kong umaasa nga akong magreply si Axl pero wala.
Sinusundan lang ako ng tingin ni Snow. Umupo ako saka nagbuntong hininga.
"Walang ibang tao sa parking kahapun. Ako lang at ang guwardiya at yung muntik ko ng mabangga. Kaya imposibleng alam niya ang nangyari kahapun."
Ilang saglit na natigilan si Snow.
"Oh my gosh!" nagulat ako ng biglang sumigaw si Snow! "Hindi kaya ... "
Hindi niya matuloy-tuloy ang kanyang sasabihin kaya napatayo ako at hinawakan siya sa balikat.
"Anu?"
"Hindi kaya ... ang guwardiya ang nagsabi kay Shane na muntik ka ng mabangga?"
Tinignan ko siya ng masama.
"Yun lang pala sasabihin mo pero ganun ka makareact?" pinandilatan ko siya.
"Hehe. Ang OA mo naman kasi. Anu naman ngayon kung nakita ka ni Shane doon? Kung makareact ka parang nagiguilty ka."
"I'm not! Buti nga eh kung nakita niya ako dun para tigilan na niya ako."
"Ba't ka naman niya titigilan? Wala ka naman sigurong kasama na lalaki para isipin niyang may bf ka."
"Andiyan yung guwardiya," mabilis kong sagot.
Bigla siyang tumawa. "So titigil na siya na panunuyo sayo dahil nakita ka lang niyang kausap ang guard? Kahit pa siguro magjowa ka, lalapit at lalapit pa rin sayo yun."
"Anung panunuyo? Iniinis ako nung tao, hindi sinusuyo."
"Whatever Zuoie," nakangisi lang siyang ngumunguya ng chips. "Anyway, bat yan ang kinukwento mo? Naguguluhan tuloy ako jan sa parking lot incident mo. Dumiretso ka sa ending eh." Umaayos siya sa pagkaka-upo. She smirked. "Anung nangyari kahapun?"
Nag-alinlangan akong tumingin sa kanya ng maalala ang nangyari kahapun.
"Pwede mo bang ipakita sakin ang mukha ng Axl na yan?" tanong ko.
Kumunot ang noo niya dahil dun. "Anung ibig mong sabihin? Hindi kayo nagkita?" tanong niya.
"Parang ganun na nga," I softly said.