Chapter 28
Pained
Napaangat ako ng tingin ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ko. Clara went in with a glass of water that I'd requested at nilapag sa mesa ko. Agad ko naman itong ininom.
"Zouie? Wala ka bang balak papasukin si Shane dito?" tanong niya na nagpagulat sa akin.
"Huh? Nasa labas pa Shane?"
"Nasa labas pa kasi ang kotse niya kaya I assume na naroon lang siya sa loob," sagot niya.
Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at binuksan ang IP app ng CCTV sa labas. Napakagat-labi ako nang makitang nasa labas pa nga ang kotse ni Shane.
"Ako ng bahala dito. Puntahan mo na yun. Kung hindi mo napapansin, dalawang oras na 'yan sa labas." Lumapit siya sa mesa ko at niligpit ang mga nagkakalat na sketchbook at ibang folders.
Binalik ko ang tingin sa monitor. Hindi siya umalis simula kanina? Ibig sabihin dalawang oras na nga siya sa labas? Hindi ko naman naalalang sinabi niyang maghihintay siya.
Anu na naman kayang drama nito?
"Nakita mo ba siyang lumabas ng kotse niya?" tanong ko kay Clara.
Umiling siya. "Mula nung lumabas ka sa kotse niya, hindi ko napansing lumabas siya."
Tumayo ako at isinukbit ang bag sa balikat. Pero nag-alangan akong humakbang palabas dahil kay Clara. Medyo madilim na sa labas at mukhang uulan pa naman tapos wala kaming dalang kotse. Mahirap sumakay kung magga-gabi na lalo na kung umuulan pa.
Lumapit ako sa kanya at tinulungan siyang magligpit. Nagtatakang tiningnan niya ako.
"Sabay na tayong uuwi," saad ko.
"Paano si Shane?"
"Sa kanya tayo sasabay."
Mabilis niyang kinuha sa kamay ko ang mga folders. "Anu ka ba! Kanina pa yan naghihintay sa labas. Mahiya ka naman. Ako na dito. Tsaka..." Mabilis siyang umiwas ng tingin sa akin at saka tumungo sa maliit na kabinet kung saan ang lalagyan ng mga sketchbooks. "...kay Anton na ako sasabay."
Sinulyapan ko ang orasan at nakitang mag-aalasies na ng gabi kaya paniguradong umuwi na lahat ng tao sa labas maliban sa aming dalawa. Napatitig ako sa kanya. Hmm, I smell something fishy.
"Hey! I know that look. Sasabay lang ako sa kanya dahil mukhang uulan. Mahihirapan akong mag-commute. At tatlo kaming makiki-ride sa kanya. So don't overthink."
And now she's being defensive.
"I didn't say anything," pinipigilan kong mapangisi.
"Yeah! Yeah! But you're face is screaming it," lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat mula likuran at maingat na tinulak papuntang pinto.
I chuckled. "Alright! I'm going out now."
"Exactly! Kanina pa yang prince charming mo sa labas," sagot niya bago ako pinagsarhan ng pinto.
Wow! Office ko yun ah!
Tumawa nalang ako saka nagsimulang maglakad palabas. Sobrang dilim na pala dahil sa nagingitim na mga ulap sa kalangitan.
Nakapark pa rin ang kotse ni Shane kung saan ako bumaba kanina. Unti-unting tumibok ng mabilis ang puso ko habang papalapit sa kanyang sasakyan. This is what I'm telling, my heart would not behave whenever his presence is around.
I assume na lalabas siya ng kotse niya kapag nakita akong papalapit upang pagbuksan ng pinto. Pero assuming lang siguro ako dahil kahit no'ng nakalapit na ako ng tuluyan sa sasakyan niya ay hindi parin siya lumabas.