CHAPTER 25

327 13 8
                                    

Chapter 25


Confession

"Are you done?" tanong ni Shane galing sa labas.

Nasa loob ako ng tent niya, nagbibihis dahil nasabuyan ako ng juice kanina ni Stormi habang si Shane ay naghihintay sa labas. 

"Mauna ka nalang," sagot ko dito habang inaayos ang buhok. I tied it in a messy bun. 

Hindi na ako umabot sa tent namin dahil giniit niyang mas malapit ang tent niya at may damit siya na pwede ko raw suotin. Hindi na rin ako nagreklamo at sumunod nalang. Inabot niya sakin ang pares na pajamas at ang isang hooded jacket. Ngunit hindi ko na sinuot ang pang-itaas na pajamas. Deretsong sinuot ko nalang ang hooded jacket at ang pang-ibabang pants. Sobrang kapal naman ng jacket kaya paniguradong hindi ako lalamigin pa kahit walng pang-ilalim.

"I'll wait," sagot niya.

Nasa labas yata lahat, nakapalibot sa bonfire. I could hear them laughing. I wonder kung nasa labas din ba si Stormi kasama nila. Hindi ko siya napansin no'ng bumalik kami ni Shane.

Lumabas na ako nang satisfied na ako sa pagmumukha ko.

I cleared my throat to get Shane's attention at agad naman itong lumingon sa akin. 

"Um, si Storm—"

"I know. Don't worry about her," he cut me off as he reached for the hood of my jacket and fixed it properly on my head

"Pero kasi.." ngumuso ako. "sobra ata yung nagawa ko sa kanya. We'll she's to blame but still I have to talk to her." 

Tinignan ko siya ng masama dahil hinayaan din niya itong magpanggap.

He chuckled. "Gusto mong mag-sorry?"

Tinampal ko siya ng mahina. 

"Anu ba? Walang nakakatuwa doon!" I looked away while pouting. "Hindi ako mag-sosorry. She was rude to me all the time, from the very beginning! When you introduced her to us at the mall, in case you didn't notice, she was rolling her eyes, making faces, and even insulting me in a way only I would understand. She was specifically rude to me. Sinabuyan niya pa ako ng juice."

"I'm sorry. Alam kong sumobra siya sa ginawa niya at wala man lang akong nagawa. I swear I tried to stop her but she's just so stubborn," he gently fixed my jacket as if I wasn't wearing it right.

He lifted his gaze at me with a grin.

"Tuwang-tuwa ka rin no?"

Tumawa lang siya habang patuloy na inaayos ang jacket ko. Maya-maya ay napatigil siya.

"What?" I asked.

"Asan damit mo?" tanong niya. 

Nagtatakang tinignan ko siya kung tinutukoy niya ay iyong damit ko kanina.

"You're not wearing anything underneath this jacket," it was a statement.

Hinagod niya ng isang beses ang dibdib ko pababa gamit ang kamay niya kaya napaigtad ako. Wala akong suot na bra kasi hindi naman ako nakaabot sa tent at ang kaninag nipple tape na suot ko ay tinapon ko na rin. I was also confident that my peaks weren't poking because the jacket was thick enough to cover them.

"What-"

"I gave you a set of PJs to wear," he said as he slipped his hand into my jacket to check if I was wearing anything underneath.

Mabilis akong lumayo sa kanya sa gulat nang maramdaman ang mainit niyang palad sa tiyan ko. I looked at him with disbelief.

"Stop! I'm okay with this hood," mabilis kong sabi nang mapansing lalapit siya ulit. 

Blindfold  (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon