CHAPTER 7

655 11 0
                                    

Chapter 7

Encounter

I woke up the next morning sa sofa. Hindi ako umabot sa kwarto. Hilong-hilo ako para umakyat pa ng hagdan patungong kwarto.  Well, yun ang naaalala ko. Gusto kong tawagin si Clara para paalalay man lang paakyat pero madaling araw na, masarap na tulog non. 

It's past eight in the morning. Kahit malasing pa ako ng sobra, magigising pa rin ako ng maaga. Siguro ay dahil nakasanayan ko ng gumising ng maaga. Kaya kahit lasing man ako o pagod, naaalala parin ng katawan ko ang oras pagbangon ko.

"Shit! Ang lagkit ko."

Mabilis akong bumangon upang maligo. Hindi naka-on ang aircon sa sala kaya pinagpawisan ako ng sobra pagkagising ko.

Naalala ko na sobrang lasing ko pala kagabi at ...

"Shit."

Natigilan ako.

Si Shane!

Mabilis kong tinapos ang pagliligo saka bumaba. Alam kong si Shane ang naghatid sa akin at alam kung may hindi... kaaya-ayang nangyari. Argh.!!

Si Ion.

I expected him sa kusina na nagkakape pero wala. Kaya bumalik ako sa taas at pinuntahan siya sa kwarto.

"Ion?"

I knocked pero walang sumagot kaya binuksan ko ang pinto dahil hindi naman nakalock.

"Si Ion ba?"

Napalingon ako sa nagsalita mula sa likuran ko. Si Clara.

"Oo, umalis na ba siya?"

"Hindi pa siya nakauwi. Nagtext siya sakin kagabi na hindi siya makakauwi. Akala ko alam mo kaya hindi ko na sinabi. Tsaka hindi ko napansin ang pagdating mo kagabi," mahabang paliwanag niya.

"Ayos lang. May sinabi ba siya kung nasaan siya?"

"Wala naman. Tatawagan ko ba?"

"Ayos lang. Wag na."

Sinarado ko pinto ng kanyang kwarto.

"Sige. Ihahanda ko lang agahan natin. Mauna na rin siguro ako baka kasi maagang dumating yong order natin. Ngayon yun edeliver eh. At maraming pupunta ngayon sa shop para sa school event next week."

"Salamat Clara. Susunod na lang ako sa shop."

Tumango siya bago tumalikod. Open ang shop ko 6 days a week. Every sunday lang ang break namin.

Mabilis akong bumalik sa kwarto at hinanap ang phone ko. I contacted Ion. He answered after several rings.

"Ion?" tawag ko sa kanya.

I heard him groan before he answered. Mukhang nagising ko ata.

"Zouie? Ayos ka lang ba? Bakit?" tanong niya sa kagigising lang na boses.

"Nasan ka ba!? Hindi ka umuwi?"

He sighed. "Yeah, sorry. Medyo nalasing ako kaya dito na nakatulog.. kina - .. Snow."

Kumunot ang noo ko sa sagot niya.

"Dumating pala ang Daddy ni Snow at inalok ako ng inom kagabi. Hindi ko natanggihan. Uuwi na rin ako."

Oh. I remembered na siya ang naghatid kay Snow.

"Sige, ayos lang."

Napakagat labi ako. Hindi ko alam paano siya tatanungin. Natatakot akong kumpirmahin niyang hindi ako nanaginip.

Blindfold  (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon