CHAPTER 15

526 23 14
                                    

Chapter 15


Deal

"Oh great! What is he doing here? Is he following us?" tanong ko.

"And why would he do that? Tingnan mo nga. Mukha ba yang nakasunod sa atin? Eh, nasa unahan nga siya eh," Winter pointed him out.

Mabilis akong nagtago sa likod ng upuan ni Snow when Shane slowly walked towards where our car was parked. Kotse ko ang gamit namin kaya mabilis niya itong nakilala. Nakabusiness attire pa din ito kaya paniguradong hindi pa ito nakakauwi.

"Shit! Wag niyo sabihing andito ako! Please! Do your best to find a freaking excuse!" natatarantang pakiusap ko sa kanila. Tumingin sila sa akin ng may pagtataka. But then I pleaded again.

Umayos sila ng upo at hinintay ang paglapit ni Shane. Tinulungan ako ni Demi na ipagkasya ang sarili sa maliit na espasyo sa likuran ng upuan ni Snow. I cussed. Masisira pa ata ang ayos ko.

"Hey,  Shane," salubong ni Snow kay Shane pagkatapos niyang ibaba ang bintana ng kotse. I moved a bit at sinubukang sumilip sa kanya. His eyes roamed inside the car like he was looking for something. Alam kong ako ang hinanap niya. Mabilis akong bumalik sa pagkakayuko ng tumingin siya kay Demi.

"Hi. Kakain ba kayo dito?" I heard him asked.

"Uhm, no. Actually pauwi na kami galing kay Zouie. Kaya lang, masama pakiramdam nun eh. May pupuntahan sana kami. Pinagpahinga nalang namin siya ng maaga. Hindi na namin dinisturbo," she paused for a while. "Nasira din yung kotse ko kaya kotse niya muna ang gamit namin. Naisipan rin naming mag-dinner sana dito pero, biglang tumawag ang Dad ni Winter. Pinapauwi na.. kaya.. maybe sa susunod nalang. Hehe." 

Kumunot ang noo ko sa mahabang paliwanag ni Snow. Nagtatanong lang kung kakain ba dito tapos ang haba na ng paliwanag. Narinig kong umu-o si Winter bilang pagsang-ayon. Ang bilis makakuha ng palusot ang bruha pero di naman relate sa tanong.

"Ikaw ba, nagdinner ka rin dito?" Demi asked. Dumukwang siya kunti upang maharap ng maayos ang lalaki. Dahil dun, napilitan akong sumiksik pa lalo sa likod ng upuan. Pinagpawisan na ako sa aking napakahirap na ayos.

"Yes. I, uh.. owned the restaurant." I heard him answer which made me gasped a bit loud. Sinipa ako ni Demi dahil dun. Oh my gad! My eyes almost popped out because of what he said. Did I hear it right? He owns the restaurant?

Maging ang mga kasama ko ay naramdaman kong natigilan din sa sagot niya. Mahina akong nagmura. Don't tell me, magkikita din kami ngayon? Urgh! Just great! Bakit sa dinami-daming restaurant ito pa talaga ang napili ni Axl? I can't be seen here with someone else. Ion would probably kill me. And most of all, I dont want to see Shane. I don't want to talk to him! Not yet!

Tiningala ko si Demi. Gulat din ang kanyang ekspresyon.

"Wow! Wala kaming ideya na ikaw pala ang may-ari nito. I mean alam namin na may pinapatakbo kang restaurants pero wala lang kaming idea na isa pala to sa mga restaurants na yun," rinig kong manghang sagot ni Snow. "Minsan na kaming kumain dito eh, diba girls?" Mabilis naman sumang-ayon ang dalawa.

"Ah, yeah. Bumibisita lang ako dito minsan," he answered. He sounded like he was shy.

 I covered my mouth with my palm. I held my breath. Pinipigilan kong mapasinghap ng malakas. Kinakabahan na rin ako. Bakit kailangang siya pa ang may-ari nito?!

Pumikit ako ng mariin at humiling na sana umalis na si Shane. Muli kong inangat ang tingin kay Demi. Pinapahiwatig ko na tapusin na ang usapan. Mabilis niyang nakuha ang ibig kong sabihin at agad na kinalabit si Snow.

But before Snow could talk, naunahan na siya ni Shane. "Well, I'll treat you next time when you decide to have your meal here. For now, I have to go."

"Oh, we surely will. Dadalhin namin si Zouie. Thanks, Shane." I sighed in relief when I heard them bid their goodbyes.

Blindfold  (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon