Prologue

2.3K 20 0
                                    

PROLOGUE

"Excuse me Zouie. Someone is on the line. He wanted to talk to you." Clara suddenly appeared inside my office. She's holding papers and a phone in her other hand.

Hindi ko muna tinanggap ang telepono at nagpatuloy lang sa ginagawa ko. "Who is it? You know I'm busy. I can't entertain anyone right now." Sinulyapan ko siya.

"It is from the GGC. He told me that he wanted to talk to you about the contract."

Napaangat ako ng tingin sa kanya. "He? Ohh. It's probably the President. Okay, I'll take it. Thank you." Tumayo ako at inabot ang phone.

"Bring me some water please." Pabulong kong habol sa kanya nung papaalis na siya.

"Okay. Excuse me."

Hinintay ko muna siyang umalis bago sinagot ang tawag.

"Hello? Good morning. This is Zouie speaking." Hinintay kong may sasagot pero wala. I sat back on my chair and grabbed my phone from my bag at tinignan ang oras.

"Hello? Zouie speaking." Nagtaka naman ako ng wala akong matanggap na sagot. Tinignan ko yung phone upang e-check kung open pa ba yung linya. Kumunot ang noo ko nang makitang hindi pa naman namatay ang tawag.

Tumayo ulit ako at sinubukang kausapin ang nasa kabilang linya. "Hello? Can you hear me? This is Zouie speaking. I believe you're looking for me?" But no response again. Tinignan ko ulit ang phone ko sa kabilang kamay at nakitang mag-alas diyes na ng umaga. Shootsss. Wala pa akong nasketch na damit kahit isa.

"I'm sorry but I can't hear anyone. If you have something to discuss with me, just contact my secretary. I'm really busy right now. I can't wait any longer for your response. Thank you. Bye." Akmang papatayin ko na nang may narinig akong buntong-hininga sa kabilang linya bago nagtoot-toot yung phone.

So, may tao sa kabilang linya at nakikinig lang? Anong trip naman yun? At pinatayan pa talaga ako huh.

Bumukas ang pinto at pumasok si Clara dala ang isang basong tubig.

"Are you sure the call came from the GGC?" I asked her.

Nilagay niya muna ang tubig sa mesa ko bago ako sinagot. "Yes. Sabi niya nasa GGC siya at chineck ko yong number and I confirmed na numero nila yon. Bakit? Anung nangyari?"

Muli akong umupo at inaabot sa kanya ang phone. Mabilis niya itong tinanggap.

"Hindi sumagot. Walang sumagot sa akin. Nagkaproblema lang siguro sa linya. Anyway, tatawag din naman yon sayo kung may kailangan sila." Sagot ko at nagsimula ng maghalungkat ng mga gamit na kakailangin ko para sa outline na gagawin ko.

"Hindi muna ako tatanggap ng tawag ngayon Clara. Ikaw na bahala doon. Magfucos muna ako sa nga disenyong gagawin ko para sa gowns nina Monique."

Ngumiti si Clara bago tumango. "Okay, Zouie. Kapag tatawag ulit yun, mag-aarange nlng ako ng date para sa meeting niyo."

"Thank you." Nginitian ko rin siya.

Pagka-alis niya ay nagsimula na akong magguhit ng disenyo sa wedding gown ni Monique. Anak siya ng Presidente ng bansa dahilan bakit napressure ako sa papili ng disenyo sa gown kahit sa susunod na taon pa ang kasal. Napagkasunduan naming pitong disenyo ang ipapakita ko sa kanya sa susunod na buwan.

Isang karangalan sakin ang mapiling maging designer niya. Sa halos daan-daang nagsumite ng designs sa kanya na mula pa sa iba't ibang bansa ay ako talaga ang napili niya.

Maganda ang naging takbo ng aking negosyo. Masasabi ko na lumago ito at naging sikat na rin hindi lang sa Pilipinas pero maging sa abroad. Ilang beses narin akong naimbitahan sa fashion show at naging successful naman ang mga ito. May iilang sikat na local at international celebrities din na ginagawan ko ng gowns para sa mga events. May mga naipatayo na rin akong branch sa Cebu, Bacolod, Makati at kasalukuyang kinokontruksyon ang nasa Baguio.

Blindfold  (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon