CHAPTER 22

338 12 7
                                    

Chapter 22


Matte

I took the other sketchbook and flipped the pages. Pero lumilipad ang isip ko at hindi makapagdecide kung anung kulang sa mga denidesenyo ni Clara. I was preoccupied with something I couldn't figure out.

"Hello po? Earth to Zouie?"

Napakurap-kurap ako at nilingon si Clara. "Sorry, what was that?"

She sighed. Lumapit siya sa akin at inagaw ang sketchbook. 

"I said mamaya mo na yan tingnan. Alam kong magaganda lahat ng designs ko kaya nahihirapan kang magdecide. Kainin mo muna yang binili ko sayo. Hindi kapa nag-agahan," sabi niya.

"Busog pa ako," marahas akong bumuga ng hangin saka tumayo. "Aalis muna ako." Kinuha ko ang aking bag saka tinungo ang pinto.

"Wait, wait," agad niya akong pinigilan. "Saan ka naman pupunta?" Nag-alalang tanong nito.

Ngumiti ako sa kanya. "May pupuntahan lang saglit. Babalik din ako agad."

Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot. Lumabas kaagad ako saka pumara ng taxi. Agad namang may huminto sa harap ko. Nilingon ko muna ang boutique at nakitang nakatayo si Clara di kalayuan sa akin. Sinundan niya pala ako. Punong-puno ng pag-aalala ang kanyang mukha.

"I'll be fine," ang sabi ko dito bago pumasok sa taxi. Binigay ko kaagad sa driver ang address ng gusto kong puntahan at hindi na nilingon pa si Clara.

Maharas akong bumuga ng hangin. Gusto ko munang makagparelax. Gusto kong maalis lahat ng bumabagabag sa sistema ko. At isang lugar lang ang tingin koy makakatulong sa akin. I need a quite place to relax.

"Salamat po," ang sabi ko sa driver ng maihatid niya ako sa village. 

Nagtaxi lang ako kanina dahil parang hindi ko kayang magdrive. Mabilis akong bumaba at naglakad patungo sa hanggang beywang na gate.

Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok. Nagtaka ako nang nakabukas na ang ilaw pagkapasok ko. Siguro naiwan ko itong bukas dahil sa pagmamadali. Lalong kumunot ang noo ko nang may marinig na rumaragasang tubig mula sa bathroom katabi ng kusina. Naiwan ko rin bang nakabukas ang gripo? Haist.

Pumasok muna ako sa bathroom at pinatay ang medyo nakabukas na gripo. Ngunit natigilan ako nang mapansing basa ang sahig na parang may kakatapos lang gumamit ng shower. May kunting tumutulo ring tubig mula sa shower.

Is Axl here?!

Mabilis akong lumabas ng banyo at pinapakiramdaman ang paligid. Unti-unti akong kinakabahan na excited.

"Axl?" sinubukan ko itong tawagin. Hinintay kong mamatay ang ilaw at susulpot ito galing sa kung saan saka ako lalagyan ng blindfold pero makalipas ang ilang sandali ay walang nangyari. Tinungo ko ang ikalawang palapag pero walang bakas niya doon maliban lang sa nakabukas na ilaw.

Bumaba ulit ako at tinungo ang library. Baka pagod lang ako kaya kung anu-ano nang mga napapansin ko. Humiga ako sa malambot na kama at tinignan ang aking telepono. No new message.

Hindi na nagtext si Axl. Kailan ba siya babalik dito? Binuksan ko ang messaging app at nagtipa ng mensahe para kanya.

To Axl: Hey. Hindi kita namiss pero gusto kong malaman kung kailan ka babalik dito. I like the house though. Gustong-gusto ko ang library. Nakakarelax.

Blindfold  (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon