Kabanata 8
Claire
Halos ilang araw narin ang nagdaan matapos ang pakikita-kita naming apat at halos araw-araw ring pumupunta rito si Leonardo. Kaya araw-araw ring parang masa marathon atong puso. Pero maliban ngayon, ay hindi sya makakadalaw sakin. Mayroon syang inaasikaso bagay dahil sakanyang tungkulin. Ayos lamang iyon sakin sapagkat hindu sakin umiikot ang kanyang mundo. Marami pa syang ibang importanteng kailagan gawin.
Kaya heto ako, habang wala sya ay inaabala ang sarili ko sa pagpinta. Mabuti na lamang at mahilig rin sa pagpinta si Clara. Marihap na't baka manibago ang pamilya nya.
Halos ituon ko rito ang atensyon ko para sa maghapon na gagawin. Wala e, wala na akong ibang maisip pang gawin sa araw na ito. Natatakot akong gumala't baka maligaw na naman ako rito. Lumalabas lamang ako kapag may kasama ako.
"Mukhang ang seyoso mo naman ata dyan anak ko." Napangiti akong tumingin saking likod.
"Ina!" Maligaya kong sambit. Isang malumanay na ngiti ang kanyang itinugon sakin.
Naupo sya sabi ko sa bangko at pinagkatitigan ang aking ipinta bago sya tumingin uli saking mukha.
"Gusto mo ba si Ginoong Leonardo anak?" Naitlag ako dahil sakanyang tanong. Yung titig nyang parang huhukayin ang pinakanatatago mong sekreto para lang malaman nya. "Base saking nakikita araw-araw, parang iba ang inyong titigan sa isat-isa." Nag-init ang aking mukha. "Wag kang matakot na sabihin sakin kung ano man ang iyong nararamdam, anak. Ina mo ako, hindi ako tutol kong mayroon mang namamagitan sainyong dalawa. Mas lalo naman ang iyong ama ay hindi rin tutol kung kayong dalawa ang magkatuluyan. Biruin mong nakuha pa nya kayong ipagkasudong dalawa. Kaya wag kang mabahalang mamahagi sakin kahit kaunti lamang, gusto ko lamang malaman kung ano ang iyong nararamdaman para sakanya at para sa inyong kasalan."
Ramdam kong mas lalo pa atang nag-init ang aking mukha dahil sa sinabi nya. Naman ina e, wag kang ganyan. Nahihiya ako, tsaka hindi rin ako sanay.
Kailanman ay hindi ko nakausap nang ganito si mama. Kailanman ay hindi nya rin ako kinunsulta sa ano mang bagay ang nangyayari saking buhay. Kailanman hindi nya ako tinanong kong ayos lang ba ako. Wala akong maalala ginawa nya ito sakin kasi kailaman wala syang ginawa para pagaanin ang dunaramdam ko.
Huminga ako ng malalim at tsaka ngumiti na lamang kay ina. Walang lumabas saking bibig para sagutin ang kanyang katanungan. Si Clara sigurado ako sa nararamdaman nya, ngunit ako? Hindi ko alam, naguguluhan na ako kung kaninong damdamin ba ang uunahin ko. Si Clara o ako?
Alam kong kailangan kong mag panggap bilang Clara, pero dahil masyadong minadali ang lahat litong-lito na ako. Hindi ko alam kung itong pagmamahal na nararamdam ko, kay Clara nga ba o baka sakin na ito?
Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni ina.
"Pagpasensyahan mo na ako anak." Malumanay parin ang kanyang boses. Nakakapanibago.
Umiling na lamang ako. "Hindi nyo po kailangang humingi ng pasensya sakin ina. Sadyang hindi ko pa po talaga masasagot ang katanongan nyo ngayon." Sa iba ko binaling ang aking mata. Ayokong makita nya ang aking mata na puno ng sekreto.
Lumipas ang ilang minuto na binalot kami ng katahimikan. Walang sino man ang nag tangkang magsalita saming dalawa. Nagpaalam sya sakin gamit lamang ang pag sinyas na pamamaalam.
Ngayon na mag-isa uli ako rito naisipan kong ipagpatuloy na lamang ang aking pinipinta. At halos mawindang ako saking nakitang imahing nasa aking ipininta.
"Susmareyusep!" Bulyaw ko.
Natataranta akong napatin sa dinaana ni ina. Napaka istupido mo talaga Claire. Sinabi mo sayong ina na hindi kapa handang sagutin ang kanyang katanongan pero ito. Kitang-kita ang ebedensya, na mukhang hindi mo na ata kailagang sagutin pa ang tanong. Mukhang meron na syang sagot para rito.
BINABASA MO ANG
Las almas perdidas de Señoritas
Historical FictionApat na babaeng tinatakbohan ang kanilang mga kapalaran. Tinatakbohan ang dapat na mangyari sakanila. Isang gabing hindi nila inaasahan na pag tagpu-tagpuin ang kanilang mga landas. Ngunit.. Anong mangyayari sakanila sa pag tatakbo sa dapat na mangy...