Kabanata XXVI

9 4 0
                                    

Kabanata 26

Alexine

Malayo ang nilakbay namin nang bumaba kami sakay ang kalesa. Hindi isang patag na daan ang dinaanan namin kaya nahirapan akong maglakad, lalo pa't lumaki na ang tiyan ko.

Humawak ako sa likod ko at huminga ng malalim para lagyan ng hangin ang aking baga at hindi kapusin ng hininga.

Halos magbunyi ako sa aking isip ng tumigil na kami sa wakas sa paglalakad at bumungad sa amin ang isang simpling bahay sa gitna ng kagubatan.

Hindi- hindi lamang nag-iisa ang tahanang nasa pinaga sentro ng lupaing ito. Meron pang ibang tahanan dito pero mga kubo na nga lang ang mga ito.

Umuwang ang labi ko sa pagkamangha sa lugar na kinalalagyan namin ngayon.

Parang isang kumunidad ang lugar. Na pinamumunuan ng kung sino mang nakatira sa magarang tahanan na nasa gitna at pinalilibutan ng iba pang kubo sa magkabilang gilid nito.

"Maligayang pagdating dito sa aming munting kumunidad. Naway maging maganda ang pagtuloy niyo rito sa mga darating na araw." Sabi ni manang Ofelia.

Tumango ako sa kanya. Kahit naman tinatarayan ko ito kahapon ay depensa ko lamang iyon para sa aming dalawa ni Safara. Hindi ko pa rin naman kilala ang taong ito. At masyado namang kasing nakakapagduda ang biglaang pagdating niya sa kwarto ko.

Pero malaki pa rin ang pasasalamat ko sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya ay baka napahamak na kami ngayon. Baka may nangyari ng masama sa akin.

Hinaplos ko ang aking tiyan at ngumiti sa kawalan.

"We're now safe, baby," bulong ko.

Maaliwalas na umaga nang nakarating kami rito. Gising na ang bawat mga taong naninirahan sa kumunidad na ito.

Habang naglalakad kami ay samotsaring reakyon ang nakikita ko sa mga taong nadadaanan namin. Naroon ang pagkainis, galit, at mayroong din namang ibang masaya.

Hindi ko sila masisi kong ganito na lamang ang tingin nilang lahat sa aming magpinsan. Galing kami sa isang marangyang pamilya at ang nabubuktangi maliban sa sino mang nakatira sa tahanang tinutungo namin ngayon.

"Pagpasensiyahan niyo na ang mga tao rito. Sadyang may galit lamang ang mga iyon sa mga ganid na mayayaman."

Hindi ko talaga maintindihan itong si manang Ofelia. Naghihingi siya ng pasensya sa amin, ngunit wala namang ibang emosyong makikita sa kanya kundi ay puro kaseryosohan lamang.

"Naiintindihan po namin iyon," sagot naman ni Safara at tuminging muli sa paligid ng tahanang napasok na namin ngayon.

"Wow!" Untag ko at medyo napalakas iyon upang makakuha ng atensyon ng ibang taong nandirito ngayon sa salas. Tumikhim ako't kiming ngumiti sa kanila.

Hindi ko naman malaman kong magpapaliwanag ba ako o ano. Pero mas pinili ko na lamang na huwag na. At baka mas lalo ko lamang ilugmok ang sarili ko sa hiya.

Unang beses na pagtapak ng paa ko rito sa lugar na ito kahihiyan agad ang nagawa ko.

Bumuntong hininga na lang ako.

Nagtuloy-tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa hapag na ngayon ay puno ng pagkain.

Nagsalubong ang kilay ko ng makita ang isang hindi kaaya-aya sa mga mata ko at pati na rin sa puso ko. Tiim bagang kong pinag-krus ang braso ko sa ibaba ng dibdib ko.

Ramdam ko na ang laki ng tiyan ko sa ilalim ng braso ko kapag nakaganito ako. Hindi lang halata kung hindi alam ng iba na buntis nga ako. Malaki kasi ang sayang ginagamit ko ng magbuntis na ako.

Las almas perdidas de SeñoritasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon