Kabanata 22
Alexine
Ilang araw na akong nakakulong sa silid ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapayagang lumabas ni ama.
Dinadalhan lamang ako ng pagkain rito ni ina at para na rin kumustahin ang kalagayan ko.
Para na akong mababaliw dito sa loob. Hindi ako matatahimik hanggat hindi nila ako pinapalabas. Gusto kong makita at kumustahin si Ernesto.
Pero ano ko iyon magagawa kung ilang araw na akong nandito. Wala ibang pwedeng daan kundi ang pinto lamang ng aking silid.
Mayroong bintana, pero masyado iyong mataas. Nasa ilalawang palapag ako ng aming tahanan at masyadong mapanganib para sa akin kapag ginawa ko man iyon. Walang kasiguraduhang makakaya at mailalabas ko ang aking sarili ng ligtas kapag doon ako dumaan.
Hindi ko pwedeng gawin iyon dahil dalawa na kami ngayong mapapahamak.
Bumaling ako sa bintana at umiling para alisin sa isip ko ang walang kasiguraduhang bagay na iyon.
Kailangan ko na lamang maghintay ng pagkakataong makaalis rito. Ibinalita sa akin ni Safara na tutulong sa amim ang dalawa.
Sobrang laki talaga ng pasasalamat ko sa kanila tatlo at kahit paano ay nakatagpo ako ng totoong kaibigan dito.
Kailan man ay hindi ako nagkaroon ng totoong kaibigan sa panahon namin. Lumalapit lang sila sa akin kapag may kailangan sila at dahil mayaman kami.
Maldita ako dahil isa iyon sa daan ko para depensahan ang sarili ko sa mga taong iba naman ang talagang habol sa akin.
Hindi plastic ang kailangan ko. Kailangan ko ng totoong kaibigan na handang magtulungan sa oras ng kinakailangan. At kahit hindi ko naman talaga kilala masyado ang tatlong iyon ay masaya ako't sa kanila ko nakita ang totoong hinahanap ko.
Ang ituring ang isa't isa ng totoo at maramdamang parang kapatid ko na rin sila kahit hindi man sa laman o dugo namin.
Hindi-hindi ko makakalimutan ang mga pangyayaring ito sa buhay namin. Kahit hindi makapaniwala na nakarating kami rito ay isang maganda pa ring alaala ito sa bawat isa sa amin.
Ang dalhin habang buhay ang sekretong kami lamang ang nakakaalam.
Kahit anong mangyari ay kailangang matapos namin ang misyon namin ito. Kahit pa hindi namin alam kung hanggang kailan kami rito, gagawin pa rin namin ang makakaya namin at tutulungan ang isa't isang makamit ang dapat naming lutasin.
Marami pang darating. Hindi rito natatapos ang istorya namin. At sisiguraduhin kong magtatagumpay kami at kailan man ay hindi na muling magiging palaboy ang aming kaluluwa sa bagay na matagal na dapat tinapos at hindi na magsisi sa ano mang magiging kahihinatnan namin dito.
Lahat ng pangyayari ay may rason at binigyan ulit kami ng isa pang pagkakataon para baguhin ang aming nakatadhang mangyari.
Babaguhin hanggang sa mawala ang puot na matagal ng na ninirahan sa amin mga puso at kailanman hindi na tatakbo sa pagsubok na aming kakaharapin. Sasalubungin ng buong-buo hanggang sa malutas at makuntinto.
Huminga ako ng malalim at tiningnan ang pinto ng aking kwarto.
"Ano mang mangyari sa iyo rito, Alexine wala kang pagsisisihan ni katiting. Gagawin mo ang lahat para sa mga taong mahal mo. At sa bagong mamahalin na parating sa buhay niyon."
Tumalikod na ako't naglakad papalapit sa aking kama. Isa na lamang ang paraan para makaalis ako rito. Ang makuha ang susi mula kay ina pagpumasok siyang muli sa aking silid at dalahan ako ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Las almas perdidas de Señoritas
Historical FictionApat na babaeng tinatakbohan ang kanilang mga kapalaran. Tinatakbohan ang dapat na mangyari sakanila. Isang gabing hindi nila inaasahan na pag tagpu-tagpuin ang kanilang mga landas. Ngunit.. Anong mangyayari sakanila sa pag tatakbo sa dapat na mangy...