Maligayang kaarawan sakin <3
-----------------------------------------------------------------[Kabanata 6]
Alexine
Halos tumaas na ang kilay ko saking nakikita ngayon. Pag-dating na pag-dating namin sa bahay ni Sarina ay maya-maya'y dumating narin sila ina kasama ang pamilya ni Lorenzo Facundo. Pinag-plaplanohan nila ang magiging kasal. Napahawak nalang ako saking noo tsaka napailing. Binigyan nilang malisya yung naabutan nila nung nakaraang araw, at ngayon binabalak na nilang ipakasal ang dalawa. Kawawang Sarina't Lorenzo, ito yung ayoko. Sila na mismo ang nag-dedesisiyon sa magiging kinabusan ng anak nila. Wala ng mga magulang si Sarina't kaya sila ama't ina na ang kanyang tinuturing na magulang.
Kita ko sa mukha ng dalawa na hindi sila sang-ayon sa naging desisyon ng mga matanda. Masyadong konserbitibo, tsk. Tahimik ko lamang pinag mamasadan ang masamang tingin ni Sarina kay Lorenzo, sino ba namang gugustohing maikasal sa taong hindi mo naman mahal? Kabaliwan. Bakit ba kasi nauso pa ang pag-kakasundo ikasal ng dalawang tao? Tumayo na ako't pumasok saking silid. Hindi ko naman talaga balak makinig sa usapan nila, ngunit pinigilan ako ni inang umalis. At dahil wala si ina doon ay hindi naman nila ako na papansin ay umalis nalang ako.
Ilang araw na nga ba kaming andito? Anim? Hindi ako sigurado. Mag-iisang linggo na pala kami rito. Ngayon ay hunyo 4, 1893. Ilang araw, linggo o buwan ang tatagalin namin rito? Hanggang kailan ang pamamalagi namin? Napahilamos nalamang ako ng kamay ko sa mukha. Bakit ba hindi natahimik ang kaluluwa ko noon?
"Ernesto mag ingat ka ngang bata ka!" Napadungaw ako sa ibaba ng aking bintana dahil sa narinig kong sigaw. Nakita ko si ang dalawang trabahador ni ama't ina.
"Pasensya na kayo ama." Magiliw nitong wika sakanyang ama.
Ngayon ko lamang nakita ang anak ni Mang Berto, na bigla ako ng alisin nya ang kanyang sumbrerong gawa sa banig. Napakunot ang noo ko, kataka-takang ang lalaking ito ay talagang hindi mo mapapagkamalang anak lamang sya ng trabahador. Dahil sakanyang mestisong balat at kagwapohang taglay, may katangkaran rin ito. Tinitingnan ko lamang sila sakanilang ginagawa, nag sisibak sila ng kahot pang gatong. Bibihira na lamang ang gumagamit nito sa panahon namin. Halos naka stove na, yung iba naman ay di uling. Iba parin talaga kapag nasa sinaunang panahon noh? Halos lahat ng iyong pangangaylangan ay kailangan mo itong pag hirapan. Samantalang ako nga isang hingi ko lamang kay dad ibibigay nya agad.
Napangalumbaba akong tinitingnan yung anak ni Mang Berto na Ernesto ang pangalan. Halos sya na ang gumawa ng ginagawa ni Mang Berto dahil sa pagod na ito, kaya nag pahinga muna si Mang Berto. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin sakanya. Matulongin sa magulang. Nanlaki ang mata ko't napalayo sa bintana ng makita kong tumingin sa kinaruruonan ko si Ernesto. Napahawak ako sa dibdib ko, nakita nya ba ako? Sana hindi. Hays bakit mo ba naman kasi sya tinitigan ng matagal, kita mo tuloy muntikan kana. Napakagat nalang ako saking labi at dahang-dahang sumilip ulit sa bintana. Laking pasalamat ko nalang ng wala na sya roon, napahinga nalang ako ng malalim. Ngunit ng ikinabigla ko ulit ang pag-balik nya't tumingin sakin.
Sa puntong iyon ay hindi ko na nagawa pang mag tago. Nahuli nya ba ako. Napatulala lang ako sakanya, ngumiti sya sakin ng mas ikinagulat ko pa. Para saan iyon? Para saan ang pag ngiti nya sakin? Halos parang hinabol na ang puso ko ng maraming kabayo sa lakas ng tibok nito. Hindi, hindi maari. Bakit nangyayari na naman ito? Sa pangalawang pag kakataon. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko sa isang lalaki.
Napasandal nalang ako sa isang ding-ding. Hindi maari, hindi pwedeng malaman nila ama't ina ito. Napatakbo ako saking kama't nag talukobong ng kumot. Ayoko ng muling masaktan pa, masyadong masakit noong una ko tong naramdama kay Leonardo. Ngunit bakit ganito? Imposeble bang tumibok ang puso mo sa isang tao habang hindi mo pa nakakalimutan ang nararamdaman mo sa unang itinibok ng puso mo?
![](https://img.wattpad.com/cover/151425032-288-k438489.jpg)
BINABASA MO ANG
Las almas perdidas de Señoritas
HistoryczneApat na babaeng tinatakbohan ang kanilang mga kapalaran. Tinatakbohan ang dapat na mangyari sakanila. Isang gabing hindi nila inaasahan na pag tagpu-tagpuin ang kanilang mga landas. Ngunit.. Anong mangyayari sakanila sa pag tatakbo sa dapat na mangy...