Kabanata XIII

17 5 0
                                    

Kabanata 13

Krylxen

Akala ko sasaya na ako kahapon dahil sa nagkita-kita rin kami uling apat. Pero mukhang pandalian lang pala iyon. Ang dami-daming pumapasok sa isip ko ngayon na hindi ko masagot-sagot. Walang sino man pwedeng makasagot noon kundi kami lamang apat. Ngunit sadyang kumplekado ang lahat.

Madaming nagbago. Ang dami naming binago. Tama nga talaga si Mercedes. Alam kong madami na kaming nabago simula pa lamang, sapagkat ramdam kong may mali na kaagad. Ang pagkikita naming apat ay tanda na mali na ito kaagad.

Tumayo ako at lumbas nang bahay. Kakailnganin ko ngayon nang sariwang hangin para mahimasmasan ako sa ano nagpapagulo sa isip ko ngayon.

Langhap ko kung gaano kasariwa ang hangin sa panahon na ito. Hindi katulad sa panahon namin, puro usok na lamang ang iyong malalanghap. Bihira ka na lang makalanghap nang ganitong kasariwang hangin.

Pinagmasdan ko ang mga nakapaligid sa akin ngayon. Mga punong kahoy at halaman. Ito ang napakagandang tingnan. Ang kalikasan, ang kagandahan nito para sa ating tao ngunit ito'y ating sinisira lamang.

Pumikit ako sa realisasyon. Ang layo ng agwat nito sa mga susunod na panahon. Oo, hindi ito ang kinasanayan ko. Ngunit mas gugustuhin ko pa ang panahon ngayon. Kahit wala ditong internet, ayos lamang sa akin. Kahit walang gadget na lagi na lamang mating hawal, ay ayos lamang sa akin.

Parang ngayon ko lang maranasan kung paano mabuhay. Dito nararanasan ko ang mga bagay na kailan man hindi ko naranasan sa totoong panahon ko. Para bang hinuhubog nito ang pagkatao ko. Kahit hirap na hirap kami rito alam kong malaki ang maitutulong nito sa amin.

Natigil ako sa paglalakad nang marating ko na ang talon na hindi kalayuan sa amin. Ngumiti ako habang pinagmamasdan ang agos nang tubig. Ang nakapalibot na mga puno rito at ang mala crystal na tubig na kapag natagamaan ito ng isinag nang araw ay ito'y kumikislap. Binaba ko ang mga dala kong basket at inayos ang aking uupuan.

Nasa ilalim ako ng puno naupo dahil maiinit pa ngayon. Inilabas ko ang aking panyo upang punasan ang aking sarili, pinagpawisan ako sa paglalakad ko kanina na halos dalawampung minuto rin iyon. Pero ayos lamang kahit anong pagod, basta ba ito lamang magandang tanawin ang bubungad sa akin, sa aking pagod.

Sinandal ko ang ulo ko sa puno at pinikit ang aking mga mata. Natagpuan ko ang talon na ito noong nakaraang araw pa, habang wala akong ginagawa sa bahay ay nililibot ko ang buong lupain para mag-hanap nang magandang pagpahingahan. Nababagot na ako sa loob nang bahay kaya naiisipan kong lumabas naman para sa bagong tanawin.

Noong una nga'y hindi pa ako makapaniwala na may talon pala rito sa amin. Sa sobrang lawak kasi ng lupain hindi ko aakalaing may tinatagong ganito kagandang tanawin.

Nanatili ako rito ng higil isang oras habang nagbabasa o di naman kaya ay nagsusulat sa aking talaarawan. Simula kasi ng dumating ako rito ay nagsimula na akong magsulat sa akinh talaarawan, upang idetalye ang lahat nang mga bagay na aking pinagdaan. Wala rin naman akong pagpipilian kundi ito lamang kwaderno at pluma. Hindi ako magaling sa ibang bagay na nakagawian rito. Kaya dinadaan ko nalang ito sa pagsusulat. Ang halos na libro kasi na nasa kwarto ni Krisilda ay naka espanyol, kaya hirap akong unawain ito.

Tatayo na sana ako ng makarinig ako ng tulog nang dahon parang naapakan ito. Tumingin ako sa lugar kung saan ko naririnig ang yabag na papalapit sa lugar kong nasaan ako ngayon.

Pigil hininga ang ginagawa ko ngayon dahil sa kabang aking nararamdaman. Merong ibang taong narito ngayon. Mukhang hindi lamang ako ang taong nakatuklas sa talon na ito.

Las almas perdidas de SeñoritasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon