Kabanata XVI

32 5 1
                                    

Kabanata 16

Claire

Isang palaisipan parin sa akin ang huling pag-uusap namin ni Leonardo. Ano ba ang ibig nyang sabihin doon. Ano ang alam nya? Saan ba sya sumagot sa tanong kong alam nya? Ang gulo-gulo. Iba ang pakiramdam ko sa sinabi nyang iyon, at yung ngiti sa kanyang labi. Ibang iba iyon. Kaya mas lalo lamang akong naguguluhan sa ipinaparating nya.

Iyon rin ang huli naming pag-uusap kasi may trabaho syang kinabukasaan noon. Kaya ako inabala na lamang ang sarili kong isipin kung ano nga ba ang gusto nyang iparating. Ngunit walang ano mang ideya ang pumapasok sa aking isip. Kaya hinayaan ko na lamang ito at nag isip nang ibang mapagkakaabalahan.

Bagot na bagot na ako rito sa bahay. Nangalumbaba ako sa harap nang bintana ng aking silid at huminga ng malalim.

"Ano kayang magandang gawin ngayon?" Bulong ko sa sarili ko.

Masyadong bantay sarado ang buong tahanan nang mga Fernando kaya kahit man lang pumuslit ako ay malalaman at malalaman parin nila. Mabuti pa si kuya Simon ay hinahayaan lamang nilang lumbas kahit pa paano. Samantalang ako, kailangan ko pa ng kamasa kapag ako'y lalabas.

Napaderetso ako ng ulo ng mahagip nang mata ko ang taong dumaan sa harap nang bintana ko. Nagsalubong ang aking kilay at sumilay ang ngisi sa aking labi.

Ngayon ko na lamang sya uli na kitang may ngisti sa kanyang mga labi. Simula kasi ng umalis kami sa tahanan nila Leonardo ay lagi na lamang salubong ang kilay nang aking mahal na kuya Simon. Ano kayang nakain nito at mukhang maganda ang araw nya ngayon?

Nag-mamadali akong lumabas sa aking silid para sundan sya. Bagot na bagot na kasi ako rito, susmeyo gusto ko namang lumbas kahit papaano. Wag naman nila akong ikulong rito.

"Binibini, saan po kayo pupunta?" Habol sa akin nang isang kasambahay.

"Huwag mo na po akong susundan, sasama po ako kay Kuya Simon. Hahabulin ko lang po sya." Sigaw ko pa balik dahil medyo ma layo-layo na ako sa kanya.

Hindi naman nya ako sinundan kaya ngumiti na lang akong parang baliw habang tumatakbo sunod kay kuya Simon.

Ang bilis namang mag lakad nang isang ito. Pero ayos lang iyon para may distansya sa aming dalawa at hindi nya mapansing sinusundan ko sya. Tumigil ako sa pagtakbo ng makalayo na ako sa tahanan namin. Hinihingal pa ako kaya kahit gusto kong mag pahinga muna at mabalik sa dati ang paghinga ko kay nagpatuloy parin ako sa paglalakad. Baka maiwala ko pa sya at hindi ko na masundan pa.

Kumunot ang noo ko ng mapansin kong pumasok nya sa isang gubat.

"Ano namang gagawin ni Kuya Simon sa gubat na ito?" Wala sa sariling tanong ko.

Nagkibit balikat nalang ako at sinundan pa sya. Ilang minuto kaming naglakad na hindi man lang nya ako namamalayang simusunod sa kanya.

Napapanganga ako sa nadadaan namin. Hindi sya yung ordinaryong gubat lamang na makikita mo. Napakaganda ng gubat na ito. Katamtaman lamang ang taas nang mga damong nagkalat sa buong lugar at syempre madami ring puno, pero isang bagay ang nalakapagpaispesyal sa buong gubat. Maraming bulaklak ang nakalalibot rito, samut-saring bulaklak may ibat ibang uri rin ang mga ito.

"Nakakamangha." Naaaliw kong saad.

Kaya naman pala dito ang punta nya. Ang ganda nga naman nang buong lugar na ito. Habang naglalakad ako kasunod nya sa likod ay may nahinig akong pagbagsak nang tubig.

Las almas perdidas de SeñoritasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon