Kabanata 25
Krylxen
Mabilis ang lakad ko palabas sa silid-aklatan ng tahanan ng mga Fernando, habang sapo ang magkabilang pisnge ko.
Ramdam ko ang init ng aking mukha dahil sa kahihiyang natamo ko roon sa loob.
Akalain mo iyon?
Nakakahiya talaga. Sinabihan ko siya ng I love you noon sa pag-aakalang hindi niya naman maiintindihan. Pero ang totoo ay, naintindihan niya pala ang sinabi kong iyon.
I just declared my love confession to him!
Binalot ng lungkot ang puso ko ng may mapagtanto ako.
Noong una ay akala ko'y hindi niya lamang iyon naintindihan kaya, talagang wala siyang maisasagot roon. Pero ang malamang alam niya ang sinabi ko... ay nakakalungkot lang isipin.
Para akong tangang ayos lang sa akin ang sitwasyon namin. Na ayos lang kahit walang tatak ang relasyon namin dalawa.
Masakit. Lalo na ngayon. Matapos kong magtapat sa kanya ay hindi niya na ako magawang kausapin man lang o kahit sulubungin ng tingin.
Lamig sa aking puso ang purong aking naramdaman sa loob ng tatlong buwan. Laging parang may kulang sa araw ko. Laging walang gana kapag napadpad ulit ako rito sa kanila pero walang ibang napala kundi ang pagsusuplado niya sa akin.
Bumuntong hininga ako't wala sa sariling nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko rin alam kung saan ako dadalhin ng pagpapalakad-lakad ko ngayon.
Halos kanina pa ako naglalakad pero hindi man lang nagawang mangalay ng mga paa ko. Nasa tahanan pa rin naman ako nila, sadyang malaki lang talaga ito at hindi ako matigil sa paglalakad ngayon.
Ginilo ko ang aking buhok sa inis.
Halos malaglag ang puso ko ng bigla ko na lamang maramdaman na may humawak sa kaliwang braso ko.
Sapo ang dibdib at salubong ang kilay kong hinarap ang sino mang taong ito.
Natulos ako sa aking kinatatayuan ng makita kung sino ito. Nanlalaki ang aking mga matang nagmamadaling tumalikod muli sa kanya.
Hindi ko ata kaya ang kahihiyang natatamo ko ngayon ng dahil sa lalaking ito. Masyado ng nakakarami ako ngayong araw, ayoko ng dagdagan pa ng panibagong kahihiyan!
"Let's talk," maawtoridad niyang utos sa akin.
Mas lalong nanlaki ang mata ko roon at humarap muli sa kanya.
"Don't me," agad kong winaksi ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"Huh?"
"Scam yan! Kaya huwag mo akong ma-let's talk, let's talk na iyan. Tapos ano? Pupunta tayo sa kwarto mo at doon mag-uusap tapos hahalikan mo ako," yinakap ko ang aking katawan at umatras palayo sa kanya. "Kaya don't me. Hindi ako naniniwalang mag-uusap lang tayo," irap ko pa.
Umangat ang kanyang labi tila ba manghang-mangha sa mga pinagsasabi ko ngayon. Ang mata niyang ngayon nababakasan na muli ng ibang emosyon maliban sa pagiging seryosong lagi kong nakikita sa kanya.
"Aray!" Sapo ko sa aking noo ng makatangap ako ng isang pitik sa noo mula sa kanya. "Ano ba? Bakit ka nananakit?" Humaba ang aking nguso at tiningnan siya ng masama.
"Ano bang pinag-iisip mo? Mag-uusap lang tayo. Did you really actually think that we will do tha--"
Bago pa man niya matapos ang kanyang sinasabi ay pinigilan ko na ito gamit ang kamay ko para takpan ang kanyang bibig.
BINABASA MO ANG
Las almas perdidas de Señoritas
Ficción históricaApat na babaeng tinatakbohan ang kanilang mga kapalaran. Tinatakbohan ang dapat na mangyari sakanila. Isang gabing hindi nila inaasahan na pag tagpu-tagpuin ang kanilang mga landas. Ngunit.. Anong mangyayari sakanila sa pag tatakbo sa dapat na mangy...