Kabanata 15
Safara
Dalawang araw na ang lumipas simula noong nangyari sa amin ni Lorenzo. Ni anino nya ay hindi ko man lang nasilayan. Nagtataka na nga sila tiya kung bakit hindi raw nakadalaw si Lorenzo ng dalawang araw. Hanggang ngayon ay wala parin silang alam sa nangyari. Mabuti narin iyon, ayokong madamay pa rito ang ibang tao.
Simula ng nagkausap kami ni Alex, ay lumabas na ako sa aking silid. At ramdam ko ang mga nagtatanong na mga tingin nang mga taong nakakakita sa akin. Meron rin naaawa, kita ko iyon sa kanilang mga mata. Umuyuko nalang ako dahil sa sobrang kahihiyang ginawa ko sa tanang buhay ko. Ngayon lamang ako nakaranas nang ganuong kahihiyan.
Kapag nag tatanong sa akin si Tiya ay nananahimik na lamang ako at si Alex ang laging nagpapaliwanag rito. Nawawalan na ako ng pag-asang pumarito pa sya. Oo, ayoko sa kasalang ito. Pero ayoko namang sirain ang tiwalang binigay nya sa akin, kahit pa lagi kaming nagbabangayan rito. Ayoko parin mawalan nang isang kaibigan na gaya ni Lorenzo.
Isa syang mabuting tao, kahit pa lagi nya akong inaalaska. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Mawawalan na talaga ako ng pag-asa nito.
"Alam ko na." Nahimigan ko ang saya sa kanyang tinig.
Nangungulit kasi ang isang ito kanina pang umaga. Ang ganda-ganda ng gising nya kaninang umaga ngayon, e. Ibang-iba sa mga nagdaang araw. Pinaningkitan ko lang sya ng mata at tiningnan sya mula ulo hanggang paa.
"Wag mo nga akong tingnan nang ganyan." Inirapan nya pa ako. Tumayo sya sa pagkakaupo nya sa lamesa dito sa loob nang silid ko at lumapit sa bintana.
"Umamin ka nga sa akin? May na ngangamoy, e. Ibang-iba ka talaga ngayon." Untag ko sa kanya. Humarap naman sya sa akin at ngumiti pa ito na para bang may pumasok bigla sa alaala nya na nagpapangiti sa kanya. Kinilabutan naman ako. "Alam mo para kang timang." Inirapan ko rin sya ng makita kong umirap sya sa akin.
"Nakausap uli kami ni Ernesto kagabi." Awtomatikong napaupo ako ng maayos dahil sa sinabi nya. Sumeryoso rin ang aking mukha at kumunot ang aking noo. "Ito naman oh, kung makareact." Puna nya sa akin. Bumuntong hininga nalang ako para pakalmahin ang sarili ko. Siguro epekto narin ito dahil sa nangyari. Nadamay pa tuloy itong si Ernesto.
"Ano namang napag-usapan nyo?" Hindi ko maiiwasang tanungin sya.
"Hihi. Amin na lang iyon." Bagsak balikat ko syang tiningnan at inirapan. Namula pa ang mukha nito, tsk at mukhang kinikilig pa ang bruha.
Tumagal kaming nag-uusap lamang ni Alex at doon nabuo ang plano naming mamayang gabi. Kaya nagkaroon uli ako ng pag-asa. Kung ayaw akong bisitahin at makita ni Lorenzo, pwes ako ang dadalaw sa kanyang mamayang hating gabi.
Susmeyo, pagsabi pa lamang ni Alex ng plano, nahahalayan na ako. Saan ba napunta ang utak nang babaeng ito at nakabuo ng planong ganoon? At ano namang pumasok sa kukote ko at pumayag ako sa kanya? Binantaan nya lang naman ako ng babaeng ito kaya hindi ako maka-hindi sa kanyang plano.
Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Ngayon lamang ako puluslit palabas nang tahanan sa oras nang hating gabi. Gabayan nyo po sana akong wag mahuli mamaya dahil kung hindi, malilintikan sa akin ang Alexine na iyon.
"Parang di ko ata kaya." Bulalas ko kay Alex. Hapon na kasi ngayon at ilang oras na lang ay gagawin na namin ang plano.
"Tsk, manahimik ka nga dyan. Kailangan mong gawin ito, bahala ka, baka mawala na ng tuluyan sa iyo yung si Lorenzo. Narinig ko pa naman din sa mga tao sa baba na may dumadalaw raw kay Lorenzo ngayon na isang magandang espasol na babae."
BINABASA MO ANG
Las almas perdidas de Señoritas
Historical FictionApat na babaeng tinatakbohan ang kanilang mga kapalaran. Tinatakbohan ang dapat na mangyari sakanila. Isang gabing hindi nila inaasahan na pag tagpu-tagpuin ang kanilang mga landas. Ngunit.. Anong mangyayari sakanila sa pag tatakbo sa dapat na mangy...